[Kristelle's point of view]
"Hey btch!'' Napalingon ako. Kapal naman ng mukha nitong shrimp na to na tawagin akong btch! Kitang siya nga tong malanding umagaw sa Gelo ko hmpft.
"Bukod sa panget ka at mukha kang hipon ano pa ang problema mo?"
Natameme siya.
"How dare you to talk to me like-"
"Subukan mo lang na sampalin ako makikita mo ang hinahanap mo. Wag mo ko subukan baka lalo kitang papangetin dyan!"
"Ah talaga?" Sarcastic niyang sabi. Susungalngalin ko na talaga to eh, tignan mo "Pwes sasabihin ko sayo na tigilan mo na ang boyfriend ko dahil kailanman di ka niya magugustuhan" Sabi pa niya.
"Malamang hindi dahil sa tapang ba namang ng gayumang pinainom mo sa kanya never niya talagang mapapansin kagandahan ko"
"Hindi ko siya ginayuma" Hahaha parang gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. Pulang pula na siya eh, parang any moment na lang sasabog na siya sa sobrang inis.
"Edi kinulam mo lang ganun?"
"Arrrrgh! Hindi ako mangkukulam at isa pa, wag ka ng umasa sa boyfriend ko kasi he's already mine"
"Talaga ba? Kunsabagay walang forever mag bibreak din kayo" Ani ko sabay alis. Wala kasi akong panahon na makipag usap sa panget lalo na sa kagaya niyang si Richel.
"Arrrrrrrrrgh! Ang sama sama talaga ng ugali mo!" Sigaw niya pa bago ako umalis.
Hah! Ako na masama ugali! Atleast di gaya niya ang sama ng mukha tsk. Naalala ko tuloy yung unang araw na nasilayan ko ang pag mumukha niya.
[Flashback]
Angelo Malvar is in Relationship with Richel Ann Burica.
"May girlfriend na si Gelo?" Ani ko habang nag i-scroll ng notif sa FB.
Hay! Wala na. Wala na kong pag asa! May girlfriend na siya huhuhu. Teka! Matignan nga kung sinong babae ang pinagpalit sakin ng prinsipe ko.
Inopen ko yung wall ni Richel "Grabe! Ito talaga yung pinagpalit sakin ni Gelo? HAHAHAHAHA" Natatawa kong sabi habang tinatapiktapik yung baba ko sabay turo sa picture niyang naka nguso.
Yuck. Whatta face? May ganyang mukha palang nag i-exist? HAHAHA. May panguso nguso pang nalalaman mukha namang pusit pucha.
[End of flashback]
At simula noon, di ko na tinigilan ang pambubully sa kanya. Wala eh, di ko kasi matangap na sa ganda kong to?! Sa isang katulad lang niya na nagka-gusto yung long time crush ko -___-". Sakit sa Ego eh.
♩♩Sumakay ako sa jeepney Ikaw ang nakatabi Di makapaniwala,Parang may hiwagang nadama Nang tumama sa'yo Ang aking mga mata♬♬
Sumakay ako sa jeep nang bigla akong napangiti ng marinig ko yung kanta ni Yeng na ''Jeepney Lovestory"
♪♪At nagsiksikan na Dahiltumigil ang jeepney Sa tapat ng eskuwela
Biglang nagkadikit Puso ko'y biglang sumikip At natulala
Sabi nila'y walang hiwaga Kung wala'y Ano itong nadarama ♬♬Napapikit ako. Ang ganda kasi ng tugtog na to. Nakarelax at hinding hindi nakakasawang pakingan.
----
[Gelo's point of view]
♪♪At may biglang sumingit Natiempo pa sa'ting gitna Sumimangot tuloy Ang aking mukha♬♬
Hindi ko alam kung minamalas ba ko o kung ano eh. Panu ba naman, sa lahat kasi ng taong makakasabay ko sa jeep eh yun pang taong kinaiinisan ko ng sobra.
Sino pa nga ba? Edi si Kristelle. Yung kapitbahay naming ubod ng mean. Di ko alam kung nung nagpasabog ba si Lord ng kabaitan natutulog siya. Eh ni katiting kasing kabaitan wala siya.
Nito nga lang hapon eh nagsumbong sakin ni Richel na pinahiya nanaman siya nito sa harap ng maraming tao.
Hay, kailan pa kaya siya titigil sa pag kakagusto sakin para tigilan na rin niya yung girlfriend ko?
♪♪Mabuti nalang nagbayad yung ale Sabi nya paabot naman Nagkadahilan ako Para ika'y tignan♩♩
Napatingin ako sakanya at nakita kong nakasmile siya habang naka pikit. akala mo kung sinong anghel saksakan naman ng sama ang ugali pwe.
♪♪Nung iaabot ang bayad Kamay mo na palang nakaabang Pambihira diba swerte ko naman ♬♩
Binaling ko na lang sa iba yung tingin ko, atleast sa iba di ako magkakasala na mag isip ng masama laban sa kanila.
♪♪ Ayoko nang pumara kahit san mapunta Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama Ayoko nang pumara Ayoko nang pumara Ayoko na ahhh Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko Ayoko nang pumara sana dina huminto Ayoko nang pumara Ayoko nang pumara Ayoko na ♬♩
To: Babe Richel,
Babe ingat ka sa pag uwi ha? I love you :*
Sent.
[ TO BE CONTINUED....]
BINABASA MO ANG
Fake Lovestory
Teen Fictionwhat if your crush asks you to become his fake girlfriend? do you accept it? If yes? Why?