FAKE09 (Your Guardian Angel)

10 0 0
                                    

[Gelo's point of view]

"Yes, i like you. I am having a big crush on you. Yes I always make papansin pero d*mn! I am not like that you thought on me! I am not the bad person who can ruins someone's life" "At kung pwede lang? Kung kaya ko lang? Sana sa iba ko na lang ma-feel ang lecheng nararamdaman ko sayo eh para naman kahit panu maramdaman ko kung panu i-treat ng tama. I am stupid to like a man who doesn't know how to appreciate someone's heart"

"Arrrrgh! Epal ka talaga Kristle nu?" Gulong ko na naman sa kama ko. Actually, kanina pa ko pagulong gulong eh. Langya kasi, di ako pinapatulog ng mga sinabi nung babae na yun kanina. Ewan ko ba kung bakit pero paulit ulit na lang nagpa-flashback sakin yun, eh dapat nga wala akong paki dun diba?

"Ayst!! Kailan mo ba ko titigilan ha? Pati ba naman utak ko ngayon ini-invade mo na rin?" Parang tanga ako nu? Kinakausap ko yung sarili ko. Kasalanan kasi ng epal na babae na yun eh. Kung bakit ba naman kasi sumunod pa siya sakin kanina! Siya tuloy napag buntungan ko ng inis dahil sa nangyare samin ni Chel.

Teka.

Speaking of, diba dapat yung break up namin ni Chel yung iniisip ko ngayon? Bakit siya? Pati na rin yung mga sinabi niya ang di nagpapatahimik ng utak ko ngayon?

"HOOOH!" Napabuntong hininga na lang ako ng malakas sabay tayo. Kailangan ko magpahangin kasi feeling ko mababaliw na ko any moment eh.

Sumilip muna ako sa labas ng terrace ko bago ko kuhain yung salamin, earphone, cellphone at suotin yung hoodie ko. Mukha kasing masarap maglakad lakad ngayon kasi maganda yung tyempo ng langit. Mabituin tas maliwanag pa yung sinag na nagmumula sa bilog na buwan, isama mo pang malamig yung simoy ng hangim dahil magpapasko na. Tamang tama sa pagse-senti ko.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Baka kasi magising yung kapatid ko. Magsungit pa yun, mag away pa kami. Nakakahiya naman sa mga kapitbahay diba?

Lumabas ako ng bahay. Malamig na hangin at walang katao taong paligid ang tumambad sakin (kunsabagay, alas dose na ng hating gabi. Ako lang naman tong siraulong nag lakas loob na maglakad ng ganitong oras. Psh)

''Brrrrr" napayakap ako sa sarili ko. Wala naman kasing yayakap sakin sa mga oras na to kundi sarili ko mismo kasi gaya ng simoy ng hangin, malamig. Parang yung lovelife ko. Tangn* hugot nanaman! Sorna pwe.


When I see your smile Tears run down my face I can't replace And now that I'm strong I have figured out How this world turns cold and it breaks through my soul And I know I'll find deep inside me I can be the one

Habang naglalakad ako sa street namin biglang tumugtong yung your guardian angel ng second hand serenade sa playlist ng phone ko (ang emo ko talaga nu?), at sa di ko malamang dahilan bigla na lang akong napasmile. Parang baliw lang.

Kakabreak lang? Ngumingiti mag isa? Diba muntanga lang?

I will never let you fall (let you fall) I'll stand up with you forever I'll be there for you through it all (through it all) Even if saving you sends me to heaven

"Ay pot*!!'' Napamura ako ng biglang namatay yung ilaw sa poste kasabay nang pag ihip ng malakas na hangin.

Yung tipong nasa scene ka ng horror movie? Yung parang anumang oras may lilitaw at sasalubong sayong nakakatakot na creature? Pero syempre dahil nagulat lang ako (kaya napamura ako), hindi ako natakot. SERYOSO.

Fake LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon