Simula

32 2 0
                                    

Ika apat na buwan na.

Apat na buwan ang tiniis ng karamihan para makalimot.

Siguro sapat na iyon. Hindi lang nila pinahahalata sa isa't isa para walang masaktan.

"Guys good news!"

Biglang na lang sumulpot sila Bea at Katrina.

"Ano yun?" Tanong ni Cedric.

"Magkakaklase na tayo officially!" Tuwang tuwang balita ni Patricia.

"Wow! Magkakagulo na naman ang buong klase." Natatawang sabi ni James.

Sila Bea, Katrina, Patricia, Michelle, James, Cedric, Jared, Neil at Jake ay nasa bago nilang school.

Ngayong buwan ay enrollment na nila sa bagong papasukan na eskuwelahan.

Nilipat sila ng principal nila sa lumang elementary ng Zamora para dun makapag patuloy ng pag-aaral.

Nanahimik lang sila Neil, Jake at James.

"Oh? Ba't ang tahimik niyo?" Pagtatanong ni Michelle.

"Ayaw niyo magkaklase na talaga tayo. Kesa nung batch natin last year, nung lumipat tayo ng school nahiwalay na kayo saamin." Pagsasalita ni Bea.

"Hindi pa rin ako sanay na wala na si Leen..." mahinahon na sabi ni Neil na siyang nagpatahimik lalo sa lahat.

Siguro, matagal pa bago makalimutan ang pinaka importanteng tao sa buhay mo.

Pero ano magagawa natin?

Ayun na siguro ang nakatadhana para sakanya.

Kailangan mo lang talaga tanggapin ang nangyari at limutin na lamang.

Kalimutan na nabuhay siya... na nakasama mo siya...

Marami pang magbabago pag dating sa darating na pasukan nila.

Malabong masasanay silang wala si Leen sa tabi nila...

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon