Chapter 4

10 0 0
                                    

JAKE

"Grabe yung Coleen na 'yun ah! Ang taray." Iritadong sabi ni Katrina ng nakalabas na si Coleen.

Nasa canteen kaming nuwebe. Lunch break.

Hindi ko pinansin ang mga kasama ko at nakatingin lang sa isang babae at lalaki sa katabi namin na masayang nagkakatuwaan.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng galit kay Anthony. Masyado siyang malapit kay Coleen at kanina pa ako nanggigigil. Tapos may papunas punas effect pa si Anthony sa labi ni Coleen.

Those lips are very familiar...

Nahalikan ko na si Leen at kabisado ko na agad ang kanyang labi. At nakikita ko ito sa mga labi ni Coleen. Kuhang kuha ni Coleen si Leen.

I'm hoping that Leen is alive... para hindi na ako magkaganito. Sobrang lungkot ng buhay pag wala siya, ang minamahal ko.

Napatingin saakin si Coleen at agad na may sinabi kay Anthony. Napatingin naman saakin si Anthony at agad tumayo para lapitan ako.

"Anthony!!!" Kinikilig na sabi ni Katrina ng makalapit saamin si Anthony. Nginitian naman niya 'ito. Lakas ng tama ni Anthony ah. Pero puta mas guwapo ako sakanya.

"Can we talk?" Tanong saakin nito. Pa english pa kung mag salita. Genius nga naman.

Tumango na lang ako kaya sumunod sakanya.

Lumayo lang kami ng onti kala Neil para hindi marinig ang pag uusapan namin pero nasa canteen pa rin kami.

Napatingin ako kay Coleen na ngayon ay tulala sa kaninang inuupuan ni Anthony. Shet, hawig niya talaga.

"Still looking to Coleen?"

Napatingin ako kay Anthony na ngayon ay medyo seryoso ang mukha.

"Hindi siya si Leen—"

"Alam ko," pagpuputol ko sa sasabihin niya. "She is Coleen Salvador and not Leen Yarez." Duktong ko.

"Bakit kanina ka pa tumitingin sakanya?"

"Because..." pabitin kong sabi. "I want her to be mine."  Duktong ko at ngumisi.

Desido na ako. I want to know more about her. Hawig man niya si Leen o hindi, gusto ko siya makilalala.

"Woah..." gulat na sabi ni Anthony. "So liligawan mo siya?" Tanong nito pero mukhang hindi niya gusto ang sinabi ko.

"Oo Anthony," matapang kong sagot. "And I'll be sure na babagsak siya saakin." Sabi ko at tinalikuran siya.

Masyadong mabilis ang pangyayari na halos hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.

I'm Jake Grande, finally gonna open my heart with someone else.

Kahit hindi ko ganon kilala si Coleen, gagawin ko ang lahat na mahalin ko siya higit sa pagmamahal ko kay Leen. Tama, siguradong sasaya saakin si Leen kung... ililibang ko ang sarili ko sa iba.

Operation: gonna love Coleen.

----

"Ayos ka lang Jake? Seryoso ka ba sa pinagsasabi mo?" Seryosong tanong saakin ni James.

"Napaka taray ni Coleen ha! Pero nag kagusto ka na agad sakanya?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Jared saakin.

"Don't tell me... naka move on ka na talaga kay Leen?" Tanong ni Cedric.

"Pare nagpaka totoo ka ba kay Leen?" Si Neil naman.

Ano 'to? Showbiz kung mag tanong?

"Teka teka nga! Mahina ang kalaban!" Pagpipigil ko sakanila. "Chill lang—"

"Paano kami mag chichill kung biglaan ang panliligaw mo kay Coleen?!" Sabay sabay nilang sigaw saakin.

-_-

"Paano ko kayo sasagutin kung sabay sabay kayo magtanong?" Naiirita kong sabi.

Siguro, biglaan. Ganon talaga. Hahahaha.

"Seryoso ako na liligawan ko si Coleen." Pagsasagot ko sa tanong ni James. "Wala akong pake kung mataray siya." Inirapan ko si Jared.

Huminga ako ng malalim.

"H-Hindi pa ako nakaka move on kay Leen..." mahina kong bulong.

"Halata naman eh," sabi ni Cedric. "Pero may Coleen ka agad. Gaguhan lang pare?" Naiinis na sabi ni Cedric.

"Pare kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita sinuntok." Galit kong sabi kay Cedric.

"Bakit kasi ganon? Papalitan mo agad si Leen para lang kay Coleen?" Nagtatakang tanong ni Neil.

"Guys patay na si Leen!" Napasigaw ako wala sa oras. "Wala na siya, okay?! Kahit siya pa rin ang mahal ko, hindi na siya nag-eexist sa mundo!" Sigaw ko pa.

"Hindi niyo ba naiintindihan? Gusto kong maka move on—"

"Tapos gagamitin mo si Coleen?" Pagpuputol ni Jared sa sasabihin ko.

"Exactly!"

Natahimik naman sila sa sagot ko.

"Ginagawa ko rin 'ito dahil alam kong iisa lang sila Leen at Coleen." Huling salita ko sakanila.



Tinalikuran ko silang lahat at lumabas ng kuwarto ko para pumuntang kusina.

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon