Chapter 2

7 0 0
                                    

JAKE

"Jake! Quantum mamaya?" Tanong ni Jared saakin.

Etong isang 'to walang ibang alam na gawin kundi puro quantum.

"Tumigil ka mga diyan! May homework pa tayo." Paalala ko sakanya.

"Gumu-good boy!" Pang aasar ni Cedric.

"Unang araw ng eskuwela may homework." Nag rereklamong sabi ni Jared.

No choice siya kundi hindi na nag pumilit mag quantum.

Nag paalam na kaming mga lalake dahil sasakay na sa kanyang kanyang sasakyan.

Ang mga babae naman ay nag paiwan ng campus para mag libot doon.

Sasakay na sana ako ng kotse ng may tumawag sa pangalan ko.

"Jake!"

Napalingon ako sa tumawag saakin.

I see her again.

Hindi na ako magugulat na makikita ko siya dito dahil dito rin siya mag-aaral.

Lumapit ako sakanya.

"Kamusta Gen?" Pangungumusta ko.

Maayos na kami ni Gen. Na paliwanag na niya ang mga bagay bagay na dapat ipaliwanag saakin.

Sabi niya, totoong ayaw ng mommy niya saakin at kailangan niyang pumuntang Taiwan. Meron ipakilala sakanya ang mommy niya na lalaki at ipagkakasundo. Para in the future, hindi na daw mahihirapan humanap ng matinong lalaki.

Hindi na big deal saakin ang mga nangyari. Pinatawad ko na siya.

Wala naman kasing mangyayari pag nagalit pa ako. Isa pa, tapos na 'iyon at si Leen na ang mahal ko. Hindi si Gen.

"Eto mabuti." Nakangiti niyang sagot.

Si Gen ang halos naging P.A. ko.

Nung panahon na naka-burol si Leen, lagi ako nandoon at pag mamasdan ang kabao niyang laman ng alaala niya.

Tumatagal ako kakatitig dun ng mga limang oras. Sa limang oras na iyon katabi ko si Gen at laging taga abot ng tissue o panyo. O di kaya aabutan niya ako ng pagkain.

Pinagsilbihan niya ako. Cinomfort niya rin ako.

Maliban sa tropa, si Gen ang mas nabigyan ko ng pansin.

Kaya malaking pasasalamat ko na nadiyan siya.

"Umm Gen. Una ako. Gusto ko na kasi maramdaman ang kama ko." Sabi ko sakanya.

Tumango na lang siya kaya kumaway ako sakanya kasabay ng pagpasok sa kotse namin.

Kung noon ang bahay namin ay punong puno ng katulong ay ngayon dalawa na lamang.

Hindi sila nag resign pero pinatanggal ko kay daddy ang iba.

Habang naglalakad papasok ng bahay ay may naalala ako.

Naalala ko yung panahon na may group project kami. Sa bahay ko gaganapin 'iyon.

Sa totoo lang planado ang lahat.

Ako nagsabi kay Bea na wag sila pumunta ng bahay at kami lang ni Leen ang gagawa. Tutal ay alam ko naman ang gagawin kaya hindi ako nomoblema.

Ako nag paliwanag sa teacher namin. Sinabi ko na wag sila pagalitan. Syempre susunod naman sila saakin.

That time ako umamin kay Leen .

Ang sama lang kasi sa loob pa ng kuwarto ako umamin.

Nakakagulat kasi tinawanan niya ako non.

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon