Chapter 6

1 0 0
                                    

JAKE

"Saan ba ang school mo?" Tanong ni uncle Fu ng makasakay na kami sa kotse.

"De Jesus High School." Sagot ko at kinabit ang seatbelt.

"De Jesus? Hindi ba doon ka nag-aaral sa Zamora?"

Sarap kutusan ni uncle Fu. Alam naman pala niya pero tinatanong niya.

Pero shit, naalala ko nanaman yung nangyari sa ZHS.

Binili ang school saamin. Hindi ko alam pero binenta ni daddy ang ZHS ng walang sinasabi saakin. Hanggang sa dumating ang araw, nawala na ng tuluyan ang ZHS.

Nalulungkot ako dahil nawala ang ZHS. Hindi lang dahil wala na si Leen kundi pangalan 'ito ni mommy. Siya ang nagpagawa nito. Pero namatay din siya nung pinanganak ako.

"Master?"

Agad ako napatingin kay uncle Fu.

Natahimik pala ako dahil dalawang tao ang nawala sa ZHS. Hayyy... lagi na lang may namamatay.

"Lumipat ako ng school dahil nasunog ang ZHS." Pagkukuwento ko. "At hindi na saamin ang ZHS."

"Ha?" Gulat na sabi ni uncle Fu.

"Nako uncle Fu. Malelate na ako." Sabi ko na lang para hindi na namin mapagusapan 'iyon.

Sinimulan na ni uncle Fu ang magmaneho kaya tumahimik na ako.

Sabi saakin ni daddy, nung pinanganak raw ako namatay ang mommy ko. Sabi ko na lang na gusto ko makita ang puntod niya pero na cremate daw siya kaya hindi ko na pinilit.

Sa bahay never ko pang nakikita ang picture ni mommy kaya wala akong ideya kung ano ang itsura niya. Gusto ko sanang itanong kay daddy kung ano itsura ni mommy yun nga lang baka masaktan siya dahil wala na nga si mommy.

Inaamin ko dumating ang araw na nagalit ako kay daddy. Nagulat kasi ako na may ibang kotse sa bahay namin. Yun pala may pumuntang babae sa bahay. Isa sa mga naka fling ni daddy.

Kung natatandaan niyo nung unang beses pumunta si Leen sa bahay namin hindi naging maganda ang pagtrato ko kay daddy.

Pakiramdam ko kasi, sa edad ni Leen ay parang itetest niya 'ito.

Pero pagkatapos non, nagbago si daddy. Nag sorry siya sa ginawa niya dahil mali yun.

"Matanong ko master," pagbabasag ng katahimikan ni uncle Fu. "Kayo na ba ni Gen?" Ngiti ngiti niyang tanong.

Oo nga pala. Hindi naabutan ni uncle Fu ang mga nangyari. Pero alam niyang kaibigan ko si Gen noon at nililigawan ko siya.

"Naging kami." Sagot ko naman.

"Naging kayo?" Naguguluhan niyang tanong kaya natawa ako.

"Oo naging kami. Past tense yun." Natatawa kong sabi.

"Teka teka nga. Paki explain ng ayos."

"Naging kami uncle Fu." Masaya kong sabi. "Pero hindi nagtagal nag break din kami."

"Ha? Bakit naman?"

"Ayaw saakin ng mama niya..."

"Edi ano nangyari?"

"Syempre umusod ako. Nag move on kumbaga. Hanggang sa may nakilala akong bago."

Naalala ko nung nakita ko ang hindi pamilyar na mukha sa school. Hinanap ko ang record niya ng malaman kong transferee pala siya.

Si Leen ang tinutukoy ko. Bagong lipat sila nung grade 7 kami.

Sa totoo lang gandang ganda ako sakanya noon. Ang astigin niyang babae na may pagka maarte. Pero nalaman ko may crush pala si Neil sakanya kaya tinigil ko ang pagtingin ko sakanya.

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon