Chapter 3

11 0 0
                                    

JAKE

Pinaikot ikot ko ang sign pen ko sa kamay.

Minsan kasi ang tao namayapa na parang hindi pa. Nakikita mo na lang 'ito sa ibang tao. Lalo na yung kay Leen. Ilang buwan lang ang nakakalipas simula namatay siya, parang nag paparamdam siya dahil kay Coleen. Imposible rin naman na si Coleen at Leen ay iisa dahil sabi ni Anthony kaibigan na niya 'ito bago niya pa kami makilala.

Minsan din umaasa ako na buhay pa si Leen. Dahil sakanya maraming nagbago. Binago niya ang maliwanag kong mundo na ngayon ay dumilim na. Pero dahil sa mga kaibigan ko at kaibigan niya ay unting unti na 'itong limiwanag. Sabi ng mga bitter masakit umasa. Kahit masakit umasa, wala naman mawawala kahit masaktan ka ano?

Mahal na mahal ko kasi si Leen kaya ang hirap niyang kalimutan.

Lumabas na ang teacher namin pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit niya.

Nagkatinginan naman kami magbabarkada.

"Bote!" Sigaw ni Katrina at umupo sa sahig.

Natawa na lang ako dahil mag tutruth or dare kami. Nagawa namin 'to kahapon nung wala nang teacher. At syempre nakahiligan na.

Inurong namin ang mga upuan at bumilog. Ang mga kaklase naman namin ay may kanya kanya ng usapan at laro.

Inabot ni Bea ang bote ng C2 na tinabi namin sa likod ng board.

Inikot agad ni Katrina ang bote. Tiningnan ko kung kanino tumapat 'iyon. Ganon pala kay Cedric nakatapat.

"Kakasimula pa lang ah! Bakit ako agad?" Nagrereklamong sabi ni Cedric. Tinap ko ang balikat niya since magkatabi kami.

"Okay lang 'yan!" Natatawa kong sabi.

Humupa na yung galit ko kay Cedric. Hindi naman babalik saakin si Leen kung magagalit pa ako kay Cedric. At saka ayoko rin makita ako ni Leen na may galit.

"Oh ano? Truth or dare?" Mataray na tanong ni Katrina. Naiinip na. Hahaha!

"Truth na lang! Baka kung anong kalokohan pa ang ipagawa mo saakin." Sabi ni Cedric.

"Sino ba talaga crush mo?" Sabi ni Katrina habang nakatingin kay Pat.

"Ano?" Iritadong tanong ni Patricia. Natawa kami.

"Wala!" Sabi ni Cedric at umiwas ng tingin.

Mukhang naka move on na siya kay Leen at iba na ang gusto.

"Wala ah?" Paninigurado ni Katrina.

"Wala nga!" Pagtanggi pa ni Cedric at pinaikot na ang bote. Kamalas malasan niya tumapat kay Patricia.

"T-Truth or dare?" Nauutal na tanong ni Cedric.

"May something..." pagbubulong saakin ni James.

"D-Dare..." nauutal namang sagot ni Patricia.

Oo James. May something ata tong dalawa na hindi nagsasabi.

"Dare?" Tanong pa ni Cedric sa isip na parang hindi alam ang idedare. "Ano ba maganda..." mahina niyang bulong.

"Huli ka boy!" Sigaw ni Jared. "Nahihirapan mag-isip pag kaharap si crush!" Pang asar niya.

"Manahimik ka ugok!" Inis na sabi ni Cedric.

"Okay lang pare na kahit hindi mo sabihin saamin..." sabi ko kay Cedric at inakbayan. "Naiintindihan namin." Mapang asar kong sabi.

Ang lolo niyo naman na si Cedric ay sinamaan ako ng tingin.

"Tutal walang maisip si Cedric, ako na lang ang mag-uutos kay Patricia." Pag susuggest ni Bea.

"Mabuti pa." Pagsangayon ni Cedric. Tama nga yung sinabi ni Jared. Nahihirapan mag-isip pag kaharap si crush.

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon