Chapter 5

7 0 0
                                    

JAKE

Habang pababa ng hagdan ay narinig kong may nag door bell.

Wala akong choice at ako ang titingin kung sino yon dahil nasa kusina ang dalawang katulong namin.

Pagka bukas ko ng pinto ay nakita ko si Gen na nakangiti saakin habang may dalang supot.

"Hi!" Masaya niyang bati.

Ngumiti naman ako at pinapasok ko siya sa bahay.

Walang malisya. Okay lang na magpapasok ako ng babae sa bahay. Kahit sila Bea ay nakapunta na sa bahay. Mga kaibigan ko naman sila.

"Napadaan ka?" Pagsasalita ko ng makaupo kami sa sofa.

"Ah," sabi niya at winagawayway ang hawak niyang paper bag. "Bibigay ko sana."

Inabot ko naman ang paper bag at agad tiningnan kung ano 'yon.

"Cake?" Nagtataka kong tanong ng nakita ang logo ng Red Ribbon.

"Oo..." nahihiya niyang sabi.

"Nako salamat Gen pero hindi ko 'ito matatanggap." Sabi ko.

May pera naman kami para bumili nito. Pinamumukha niya bang hindi ko kaya bumili ng ganito? Pero syempre joke lang yon.

Magsasalita na sana siya ng may narinig ako na yapak mula sa hagdanan.

"Gen!!!"

Napatingin naman ako sa mga ugok na palapit na kay Gen.

"May dala ka?" Tanong ni Jared at may kung ano na hinahanap kay Gen.

"Ah oo..." sabi ni Gen at tinuro ang paper bag na hawak ko.

"Bakit nasayo yan?" Naiinis na sabi saakin ni Jared at hinablot niya ang paper bag.

Nagtaka naman ako dahil don.

"Nagpabili kasi si Jared. Sabi niya dalhin ko raw sa bahay niyo." Paliwanag ni Gen.

Edi hindi para saakin yung cake? Aray ha, umasa ako.

"Naglilihi si Jared sa cake at kanina pa siya naghahanap niyan!" Natatawang sabi ni Cedric pero agad siyang binatukan ni Jared.

"Salamat ha? Kakain na ako!" Sabi ni Jared at tumakbo papuntang kusina.

Agad naman siya sinundan nila James para kumain din.

"Jake."

Napatingin ako kay Gen.

"Hmmm?"

"S-Sino si Coleen?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"Paano mo nakilala si Coleen?"

"Sino siya?" Medyo tumaas ang boses niya.

"School mate ko lang." Sabi ko.

"Schoolmate?" Gulat niyang tanong. "Pero liligawan mo raw siya."

"Teka nga, saan mo nalaman yan?" Naguguluhan kong tanong.

Sa pagkakaalam ko, kanina ko lang 'ito ginawa. Paano niya nalaman agad iyon?

"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman. Sagutin mo ang tanong ko!"

Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw.

"Gen ano ba problema mo? Bakit ka sumisigaw—"

"Just answer my fucking question!"

Napaseryoso naman ang mukha ko dahil sumigaw na naman siya.

"Ano nangyayari dito?"

Napatingin ako kay Neil na ngayon ay palapit na saamin.

Si Gen naman ay nakayuko lang.

"Nag-aaway ba kayo?" Pagtatanong ni Neil pero walang nagsalita saamin.

Bigla na lang tumayo si Gen at lumabas ng bahay.

Wala ni isa saamin ni Neil ang pumigil saakanya.

"Inaway mo ba siya?" Pagtatanong ni Neil. Umiling ako.

Mukha bang kaya kong awayin ang tao na naging sandalan ko?

"Bigla na lang siya nagalit," pagkukuwento ko. "Pilit niya na tinatanong kung sino si Coleen."

"Hindi mo ba nahahalata?"

Napatingin ako kay Neil ng diretso.

"Anong nahahalata? Nahahalata ang ano?"

"Brad lalaki ka dapat alam mo yun." Sabi niya.

"Alin ba?"

Alam ko naman na lalaki ako. Pero may mg bagay na hindi ko pa alam.

"May gusto sayo si Gen."

What the?

"Nagseselos yun kay Coleen kaya tinatanong niya kung sino si Coleen."

Okay okay... Pero what the? May gusto pa rin siya saakin?

"Break na kami. At alam niya hanggang mag kaibigan lang kami."

"Syempre, may gusto siya sayo. Gagawa at gagawa siya ng paraan makuha ka lang niya."

"So ano gagawin ko?"

"Iwasan mo siya."

Iwasan?

-----

Kinabukasan...

Bagong araw na naman.

Aish, nakakatamad pumsok. Pero kailangan.


Pagkatayo ko mula sa kama ay may kumatok.

"Sandali lang!"

Sino naman kakatok ng kuwarto ko? Imposible naman ang katulong namin dahil hindi sila puwede kumatok ng kuwarto namin. Ayoko kasi na may katok ng katok.

Imposible rin si daddy dahil mamayang hapon pa siya uuwi galing Taiwan. Nagpagawa kasi yung kaibigan niya doon  ng Advertising Company. Nagpatulong siya kay daddy since may alam si daddy about sa mga Ads.

Kaya ngayon, sino 'to?


Dali dali kong binuksan ang pinto at nagulat sa taong tumambad saakin.


"Master Jake Grande." Nakangiti niyang sabi ng nabuksan ko yung pinto.




"U-Uncle Fu?" Gulat kong sabi.



Si uncle Fu. Ang taga bantay ni daddy ng ari arian niya sa Taiwan. Larry Honoras ang tunay niyang pangalan pero ang tawag sakanya ay Uncle Fu.


Nasabi ko rin ba na siya ang kasama ko nung bata pa lang ako?


Umalis siya ng Pilipinas dahil walang magbabantay ng ari arian ni Daddy sa Taiwan. Kaya napagiwanan ako. Pero taga dito talaga siya sa Pilipinas.



"Master!" Sabi niya ulit at niyakap ako.


"Uncle Fu! Nagbalik ka!" Tuwang tuwa kong sabi.


Simula nung iniwan ako ni mommy, si uncle Fu lang ang naging karamay ko. Kaya sobrang lungkot ko nung umalis siya.



"Oo master pinabalik na ako ng daddy mo dito sa Pilipinas." Sabi niya at kumalas na sa yakap.



"Bakit?"


"Meron na kasi akong nakilala doon sa Taiwan na puwedeng magbantay ng mga ari arian ng daddy mo. Mapagkakatiwalaan naman kaya pinauwi na niya ako dito para naman daw may kasama ka na sa bahay." Pagkukuwento niya.


Tumango tango naman ako.


"Hindi ba may pasok ka pa? Maligo ka na para maaga kang makapasok sa school. Malelate ka pa!" Sabi nito saakin at tinulak tulak sa loob ng kuwaro.


"Eto na eto na!" Natatawa kong sabi at pumasok na ng kuwarto para makapag ayos na.


Grabe wala pa ring pinagbago si uncle Fu. Hahahaha.



----

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon