Chapter 7

5 0 0
                                    

JAKE

                   _____   _____
    |              |          |        |\        |
    |              |          |        |  \      |
    |              |_____  |____ |    \    |
    |               |          |        |      \  |
    |_ _ _ _  _ |_____  |____ |        \|

Hayy wala ako magawa sa papel na 'ito.

Tahimik kong sinulat ng sinulat ang pangalan ni Leen sa papel na 'ito.

Kainis kasi! Bakit ba kasi siya ang bukang bibig ko kanina pa? Hanggang ngayon! Shit shit!

Napatingin naman ako kay Bea na ngayon ay seryosong nakatingin saakin.

Hindi ko siya pinansin at pinunit ang papel saka tinapon na parang basura.

Leen! Nag momove on na ako! Hindi mo ba nakikita?! Ayoko na kasi masaktan! Ayoko maging miserable ang buhay ko dahil sa pagkamatay mo.

Alam mo kung gaano kita kamahal Leen. Alam mo rin kung mamahalin pa rin kita masasaktan lang ako. Kaya please sana lubayan mo muna ang isip ko.

"Pag dadamputin kita ng kalat sa labas ng campus."

Sabay kami ni Bea napatingin sa nagsalita.

"Ikaw nanaman!" Naiinis na sabi ni Bea at tumayo.

"Oo ako nga," ngiti ngiting sagot ni Coleen. "May problema ka?"

Hindi nagsalita si Bea at umalis na dito.

Nasa classroom kasi kami. Nag paiwan ako dahil na realize ko na kanina ko pa pala iniisip si Leen.

"Bakit?" Pagtatanong ko sakanya.

Multo ba 'to? Sumusulpot na lang bigla kung saan saan.

"Tinitingnan ko kasi paano magkalat yung isang tao diyan."

Napatingin ako sa palogid ko at nakita kong punong puno na ng mga papel. Napakamot tuloy ako sa ulo.

"Ah... hehehehe." Medyo natawa ako sa sarili dahil sa katangahan ko. "Pasensya na Coleen. Lilinisin ko na lang—"

"Bakit ka ba nagtatapon ng papel?" Seryoso niyang tanong.

Napatigil ako sa pagtawa dahil sa tanong niya.

Si Leen kasi.

"Umm... ano..."

"Bakit nga?"

"Kasi... pag sinulat ko sa papel ang pangalan ng taong mahal ko at pupunitin 'ito, isang sign na kinakalimutan mo na siya."

"Gusto mong kalimutan si Leen?"

"Oo... sa ayaw o sa gusto ko kailangan. Pag kasi siya lang ang inisip ko sa araw-araw masasaktan lang ako. Mahihirapan ako."

Tumango tango siya pero seryoso pa rin ang mukha niya.

Mukhang makakapag usap kami ng walang nakakarinig dahil walang tao sa room.

"Ikaw Coleen, kung nandito ka sa posisyon ko. Ganon din ba ang gagawin mo?"

"Oo, pero kahit anong mangyari hindi ko siya makakalimutan dahil nasa puso ko siya."

Tama naman. The mind may forget but the heart will always remember.

"M-May boyfriend ka ba?" Pagtatanong ko.

Siguro kailangan ko ng kililanin si Coleen ngayon. Pagkakataon ko na 'ito. Pero dahan dahan lang.

"Oo... pero mukhang kinalimutan na niya ako dahil may pinopormahan siyang iba ngayon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FILWM 2: ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon