VI - ...

18 0 0
                                    

Yeyi's POV

Akalain niyong nakasurvive kami ng apat na buwan?

Puro bangayan, tapos turuan. Sigawan, tas bigla niya akong nanakawan ng halik.

Nakakainis! Kala mong boyfriend siya.

"lagi ko na kamong napapansin na nakabuntot siya kay sir"

"landi talaga"

"higad!"

"kala mong maganda"

"yeyi? ano ba yung sinasabi ng mga yon?" tanong ni Stan.

Hindi ko pa kasi nasasabi sakanila yung totoo.

"may tinatago ka samin no?" tanong ni Bret.

"sabihin mo na, dahil napapansin naming talagang laging nasulpot si sir kahit san ka pumunta." sabi ni Loryn.

Napabuntong hininga ako at hinila ko sila sa pinakasulok ng classroom.

"wag niyong ipagsabi ha?" at tumango naman sila.

"3 in 1 boylet ko siya." at naglakihan mga mata nila. Si Loryn na singkit eh lumaki rin.

"ha? kayo na?" tanong ni Stan.

"ulol. Roommate, professor at bodyguard." at naglakihan na naman mga mata nila pati na bunganga nila.

"pano nangyari yon?!" medyo malakas na sabi ni Bret kaya himampas ko siya

"shh! Nagkataon lang na roommates at professor kami, kaya ko siya naging body guard ay dahil..." teka pano ko ba ipapaliwanag?

"dahil ano?" naiintrigang tanong ni Loryn.

no choice na, wala na akong takas.

"sino ako sa pagkakakilala niyo?" tanong ko sakanila.

"Polyna Yey Zuelos duh." sabi ni Loryn.

"masipag mag aral na kung kumain parang walang bukas duh." sabi ni Stan.

"May trauma sa alcohol lamp duh" sabi ni Bret.

"hindi lang kasi yon.." tas pinaliwanag ko na sakanila yung buhay politiko ng pamilya namin, tungkol sa Soberano at Zuelos, na pambayad lang yung pagiging body guard niya ganon.

"what the fuck? grabe! Seryoso? Hindi halata!" gulat na gulat na sabi ni Loryn. Swear nagiging dilat na siya.

"hindi ako makapaniwala! Magbabow ba ako o luluhod?" tanong ni Stan.

"bakit isa lang bodyguard mo? diba dapat marami?" sabi ni Bret.

"shhh wag kayo maingay please, konti lang kayong nakakaalam. Hindi naman kasi talaga halata kasi hindi naman ako magara o maluho. Tsaka baka iniisip lang nila na, it's a big world. Normal lang magkapare pareho ng apilido." paliwanag ko.

"omg hindi padin ako makapaniwala"

"slap me please"

"ako sasampal sayo stan!"

natawa ako sakanila

"basta walang magbabago ah, wag kayong matakot haha asarin niyo padin ako at isipin niyo na ako padin itong simpleng yeyi na kilala niyo." at tumango tango sila. Dumating na yung prof namin sa bio at nagdiscuss na.

3 in 1 Boylet (EXO's KRIS) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon