YEYI's POV
"Excuse me, ako unang nakahawak dito sa huling sandok ng kanin!"
"Excuse me din pero nasa hawaii tayo at magpaka maayos na pilipino ka naman!"
"Aba bakit ikaw ba nagpapakaayos ka?!" Bwiset na epal na babaeng to!
"Mukha kang shokla na tinubuan ng pigsa." Sabi nung babae sabay irap.
"At least isang pigsa lang eh ikaw? Pigsa na tinubuan ng tao!"
Napagasp ako ng bigla niyang balibagin kamay ko at pinipilipit niya.
"Aray!!!"
"Ano masakit diba?!"
"Bitawan m-mo ko!"
"Bibitawan mo kamay ng asawa ko o susupalpalin kita?" Nagulat ako nang magsalita si miquel sa tabi ko. Nagtaka siguro siya kung bakit ang tagal kong makabalik sa upuan namin. Kasora naman kasi tong babaeng epal na to.
"Aba sino ka?" Pagtataray ng babae. Hindi pa natakot eno.
"Asawa ng anak ng presidente. Ano aalis ka o susupalpalin kita?" Nanigas yung babae sa narinig niya. Marami na ngang nagpipicture samin eh. Panigurado lalabas to sa diyaryo.
"A-ay sorry po." Sabi niya nalang sabay takbo palabas.
"Are you okay?" Tanong niya sakin sabay hawak sa braso kong namumula.
"Okay naman nagulat at nasora lang." Sagot ko tas hinalikan niya braso ko kaya mas rumami ang nagpipiture.
"Last day na last day ng honeymoon natin tapos ganon." Inis na sabi niya sabay kuha nung huling sandok ng kanin at nilagay sa plato ko.
"Hayaan mo na, i love you at thank you pala nakakakilig ka." Tiningnan niya ako ng naguguluhang tingin.
"Kinilig ka pa don? Eh ikaw na nga nasaktan?"
"Eh bakit ba lika na nga." Sabi ko at tinapos na namin ang pagkain at umuwi na sa hotel.
Bumutong hininga siya at humarap sakin sabay ngiti.
"I love you too. Sulitin na natin huling araw natin." Napangiti ako at tumalon agad ako sakanya kaya binuhat niya ako papunta sa kama at sinimulan akong halikan.
Alam niyo na mangyayari. Araw araw namin to ginagawa at nakakapagod talaga pero sulit naman. Kasi alam namin na pagkatapos ng honeymoon, balik na naman sa dati. Kaya sinusulit na.
-----
Pagkababa namin sa eroplano napatakbo agad ako sa banyo kasi nasusuka ako.
"Are you okay?" Kinakabahan na tanong ni miquel na walang pakealam na pumasok sa cr ng girls para himasin likod ko.
"Nahilo lang siguro ako." Sabi ko sabay tayo at nagmumog na. Grabe suka ko ah.
"Pano kalikot likot mo." Natatawang sabi niya sabay punas sa mukha ko sabay labas namin ng restroom. Wala na rin namang umangal na may lalake dito kasi reasonable naman ang dahilan.
"Sorry na haha kunin na natin mga maleta natin tas uwi na tayo pleaaaase parang gusto ko kasi ng lechon kawai. Bibili mo ko diba?" Pangungulit ko sakanya sabay hampas hampas pa sa dibdib niya.
"Oo ibibili kita to talaga."
Miquel's POV
Ano kayang trip ng asawa ko at dumodoble pagiging makulit at baboy. Beh kakakain lang ng airplane food na walang katapusan kais order siya ng order tapos ngayon lechon kawali naman? Kaya siguro siya suka ng suka kasi kain ng kain.
BINABASA MO ANG
3 in 1 Boylet (EXO's KRIS) (COMPLETED)
Storie d'amoreSi Yeyi ay magiging isang college girl na. Gusto niyang malimutan ang mga masasaklap na nangyari sakanya nung highschool palang siya. What if she meets Miquel, a 3 in 1 boylet? Roommate. Professor. Body Guard. Kakayanin niya kaya ito? Will she enter...