Chapter 3 - Ang Malanding Asawa

8.4K 156 39
                                    

Yey! May update na ko. Sorry po kung natagalan. Hey may BOOK 2 na ang MMMMY. Now and Forever ang title. :D Favor po? Pakilike yung page namin. :) Click the external link para sa link nung page. Thank you. :* 

Medyo oo malandi si Mark eh. XD

______________________________________________________________________

Chapter 3 - Ang Malanding Asawa

Sabrina's POV

Nasa school na ko at lunch break na namin ngayon at kasama ko ang mga kaibigan ko dito sa canteen.

"Huy! Ikaw ha may pahatid-hatid factor pa sayo si Mark. Yieeee!" Pang-aasar saken ni Miles, kaibigan ko. Oo alam nila na may asawa na ko. Oo hinatid niya nga ako sa room namin kanina. Ewan ko kung anong nakain ng asawa ko at naisipan niya kong ihatid ngayon. Actually ang cold niya na nga saken ulet simula nung gumaling ako eh. Ang iniisip ko kung balik nanaman kami sa dati eh bat niya ko hinatid? Hmm siguro wala lang siya sa mood kanina. HAHAHA. Assumera alert!

"Che. Ewan ko nga kung anong trip nun at hinatid ako eh." Sagot ko sakanya. 

"Eh baka naman concern sayo kasi kagagaling lang na pilay mo. Yihieeee!" Pang-aasar din saken ni Lester, boyfriend ni Miles.

"Baka mahal ka na kasi! Yiieeee!" Dagdag pa ni Sed.

"Aba malay ko. Kayo yung mga kaibigan niya eh edi dapat kayo ang may alam. Tsaka alam naman natin na napakaimposible nang mga sinasabi nyo dba? Kaya tigilan niyo nga ko." Sagot ko naman sakanilang dalawa at nanahimik nalang ako. Shit naman tong mga toh oh! Kinikilig na koooo. ._____. HAHAHA.

"Asoooows! Pero deep inside kinikilig na yan. Pasimple lang." Tengeneng Zharm toh oh. .____.

"Onga babe! Tama ka dyan. Ganyan ka din kasi kapag kinikilig saken eh nananahimik."Singit naman ni Sed, boyfriend ni Zharm. HAHAHA.

"Kapaaaaal!" Sigaw naman sakanya ni Zharm sabay hampas. HAHAHA. Ibang klase talaga tong dalawang to.

The Cassanova's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon