"Friends With Benefits" new story pakibasa po pls. Loveyou mga ka-wifey! XD
Chapter 10
Napangiti na lang ako nang makita ko ang singsing na nakasuot sa kamay ko. Bagay na bagay sakin. Parang si Mark, bagay talaga para sakin.
Nabalik ako sa realidad ng naramdaman kong may humalik sa pisngi ko. "Goodmorning mahal." Napangiti ako sa tawag niya sakin. Napakasarap pakinggan.
"Mahal?" Nakangiting tanong ko sakanya. "Yun ba ang endearment natin, mahal?" Tanong ko sakanya habang nakangiti. Kinikilig ako.
Namula ang kanyang mga pisngi. "Ah. Hehe." Nahihiyang sagot niya. Ang isang Mark Garcia marunong ng mahiya ngayon? Aba bago toh ah.
"Hanggang anong oras class mo today?" Tanong niya habang kumakain ng agahan. "Until 4:30 pm. Why?" Sagot ko sakanya.
"May gagawin ka pa ba after class?" Umiling ako. "Great. May meeting tayo with our wedding coordinator, remember?" Tumango-tango naman ako. Paano ko naman makakalimutan yun? Sobrang excited na nga ako sa kasal namin eh. Kung pwede nga lang ngayon na kami ikasal eh. Jusko day. Kung pwede lang na ako na rin magkasal samin dalawa gagawin ko.
"Susunduin kita mamaya ha? Take care. Iloveyou my love." Ani niya sabay halik sa labi ko nang magpaalam na ko na kailangan ko ng pumasok. Hay. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa sobrang kilig.
"Sab." Tawag sakin ni Zharm. "Kamusta na pala si JC?" Nagkibit balikat ako. Tapos na class namin. Kumakain sila sa canteen habang inaantay ko si Mark.
"Huh? Hindi ka ba pumunta ng ospital kahapon?" Huh? Naguguluhan ako. Simula kasi ng nalaman nyang nagpropose si Mark for real hindi ko na sya nakausap. "Ospital?" Tanong ko sakanya. "Huh? Akala ko.. hindi ka ba sinabihan ni JC?" Tanong naman ni Miles. Umiling ako. "Naospital si JC kahapon teh. Naaksidente daw sa motor sa sobrang kalasingan pero nakauwi na siya kaninang umaga." Si JC? Naaksidente?
I was shocked. "Hindi. Hindi ko alam." Sagot ko sakanila. "Akala namin alam mo na. Knowing JC? Ikaw unang pagsasabihan nun. Alam mo namang hmm mahal ka nun diba?" Ani ni Zharm. Napatahimik na lang ako. God. I feel so gulity. Pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito.
Agad kong pinuntahan si JC sa condo niya, para kamustahin. Nagdala na rin ako ng makakain at mga prutas para sakanya. "Ano ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ni Jc nang buksan nya ang pinto.
Nginitian ko lang sya at tuluyang pumasok sa condo nya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niyang muli. "Kinakamusta ka." Sagot ko sakanya. Oo alam ko masama loob niya sakin, samin ni Mark. Pero si Mark talaga ang mahal ko eh kahit anong gawin ko. Oo Jc is a great guy, pero si Mark talaga eh.
"Okay lang ako. Pwede ka ng umalis." Pagtataboy niya sakin. Pero di ko sya pinakinggan. Instead pumanhik ako sa kusina para maghiwa ng mga prutas para sakanya. "Ipaghahanda kita ng makakain. Ipaghihiwa kita ng prutas. Para lumakas ka at gumaling." Nakangiti kong sabi.
Ang ending, wala siyang nagawa dahil sa pagpupumilit ko. Syempre noh gusto ko namang makabawi. "Sige na please kumain ka na para lumakas ka." Pagpupumilit ko. Ang arte parang babae. "Ayoko."
"Sige na. Dali na sige ka isusumbong kita kay mama." Pananakot ko sakanya. Tinitigan niya lang ako. "Okay ganito na lang! Kapag kumain ka babantayan kita until 6 pm!" Tinitigan nya ulit ako. "Totoo ba yan?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako. Nginitian nya ako. Syempre naman noh, concern ako sakanya. Syempre mahal ko yan noh! Brother-in-law ko yan eh.
Around 8 pm nang makarating na ko sa bahay. Medyo late na rin kasi pinaglutuan ko pa ng dinner si Jc. "Hi mahal!" Bati ko kay Mark. "Oh buti naisipan mo pang umuwi." Pabungad nya sakin. Hindi kasi ako nagkapagpaalam.
"Mahal sorry na. Inasikaso ko kasi si Jc." Sagot ko. "Oo okay lang. Ako nalang aasikaso sa kasal natin. Nakausap ko na yung wedding coordinator kanina. Okay na daw baka gusto mong malaman." Shit. Oo nga pala! Nakalimutan ko. Kaya naman pala galit na galit sya. Patay kang bata ka!
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Wife
RandomSino nga bang pipiliin mo. Ang taong mahal ka ngunit di mo naman mahal? O ang taong mahal mo ngunit hindi ka kayang mahalin?