A/N: Yowieee! Wag pong malito sa title ha. The Cassanova's Wife po meaning yung lalaki ang cassanova. :)))) Psst. Dedicated sayo dahil pinush mo talaga na maabot ang quota ko. HAHAHA.
_____________________________________________________________________
Chapter 1 - The Story
Sabrina's POV
"Uhm gabi na ha. San ka galing?" Tanong ko sa asawa ko na kararating lang. San nanaman kaya siya nanggaling at ginabi na siya ng uwi.
"Dyan lang." Sagot niya. Sanay na ko sa mga ganyang sagot niya. Alam ko naman eh, alam ko naman na wala akong karapatan na pakialaman siya. Eh sino ba ako para pakialaman siya, eh asawa niya lang naman ako.
"Ah kumain ka na ba?" Tanong ko. Pinagluto ko kasi siya ng paborito niyang ulam. Ang adobo sana magustuhan niya.
"Pakialam mo ba?" Hay sanay na ko sa kanya. Lagi namang ganyan ang turing niya sakin eh.
"Hm pagod ka ba? Gusto mo masahiin ki--" Ngunit di niya ko pinatapos.
"Pwede ba Sab tigilan mo ko!" Sigaw niya sabay akyat papunta sa kwarto namin. Hay kahit ano talagang gawin ko di niya ko matatanggap bilang asawa niya.
Ako ng pala si Sabrina Mendoza-Garcia ang asawa ni Mark Garcia. Mag-iisang taon na kaming kasal ni Mark pero wala pa ring pagbabago ang turing niya sakin. Kung bat pa kasi ako pumayag sa arranged marriage na toh eh. Si Mark schoolmate ko. Crush ko siya magmula nung first year highschool ako hanggang nung first year college ako daig ko pa ang pagiging stalker noon isa sa mga rason kung bakit siya nagalit sa akin ay nung nasira ko ang date nila nung girlfriend niya ata, natapunan ko ng juice yung babae eh inexplain ko naman na di ko sinasadya pero di niya ko pinakinggan. Pero kahit na nagalit siya sakin crush ko parin siya nun. Then nagbago ang lahat nung second year college ako. Nalaman ko na magkaibigan pala ang mga magulang namin at nagkataon na nalulugi na ang kumpanya namin kaya nakipagmerge ang kumpanya namin sakanila ngunit ang kapalit nun ay ang magpakasal kami ni Mark. Inaamin ko nung nalaman ko na si Mark yung ipapakasal sakin natuwa ako. Akala ko kasi okay na eh mali pala ako kasi mas lalong lumaki ang galit ni Mark sakin. Inaamin ko na sa loob ng isang taong pagsasama namin mas lalong nahulog ang loob ko sakanya. Mahal ko na nga siya eh pero siya hindi ako kayang mahalin. Ayoko naman siyang iwan. Wala eh, mahal ko. Mahal na mahal.
Bigla na lang akong natauhan nang may marinig akong tumutunog ng cellphone. Paglingon ko phone pala ni Mark. Naiwan niya dito sa salas.
1 message received from: Jazz
![](https://img.wattpad.com/cover/5954266-288-k799302.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Wife
AléatoireSino nga bang pipiliin mo. Ang taong mahal ka ngunit di mo naman mahal? O ang taong mahal mo ngunit hindi ka kayang mahalin?