4. Whispers

29 5 0
                                    

4. Whispers

~Alexander's PoV

Isang linggo na ang nakalipas mula nung magkaharap kami ni Shin. That vampire. Tss.

Nagtataka ako sa dati niyang binulong, naririnig ko ang mga usapan nila Aubrey, tungkol do'n sa weird daw na babae at libro, pero, anong alam ni Shin tungkol do'n? Sino ba yung Fate na 'yon?

"Guys. Makinig kayo. Ang Muses of Fate ang pinaniniwalaang gumagawa ng kapalaran ng tao. Tatlo sila. At ang mga golden threads na 'yan yung kapalarang sinasabi ko." Bulong ni Catherine.

"Eh bakit niya ibibigay 'tong journal na ito sa atin?" Tanong ni Aubrey.

"Girl, hindi sa atin ibinigay, sa 'yo lang." Sabi ni Alonica.

"Pero, wait, ano nga ulit yung mga sinabi niyang weird?" Tanong ni Jasmine.

"We won't intervene. Don't open the door whatever matter happens." Sagot ni Aubrey sa tanong ni Jasmine.

"Hindi kaya ang tinutukoy niyang 'we' ay silang tatlo? They won't intervene, para bang ibig sabihin, hindi sila makikialam sa magiging kapalaran mo?" Tanong ni Jasmine kay Aubrey.

"Ewan ko."

At dun natapos ang mga bulungan nila.

Damn. Ano ba meron sa journal na iyon?

"Who are you?" Narinig kong bulong ni Shin. Kaya, nilingunan ko siya.

I saw him holding his head. Whispering 'stop' continuosly.

He suddenly raise his hand.

"Yes, Mr. Veloso?" Tanong ng teacher namin.

"May I go out?"

Tumango lang si ma'am bilang tugon.

Pagkalabas ni Shin ay narinig kong bumulong si Aliyah... "What's wrong with him?"

Nagtaka naman ako dun.. bakit niya tinatanong?

Medyo matagal na si Shin sa labas...

"Martinez, hanapin mo na nga si Shin. Parang ang tagal na ata sa labas nun." Patayo na sana si Jasmine ng biglang nagpresinta si Aliyah.

"Pres. ako na." Tumango nalang si Jasmine at naglakad na palabas si Aliyah.

Sinundan ko lang ng pandinig ang mga hakbang ni Aliyah.

Narinig ko pa nga siyang sinabing, "Nasan na ba yung bampirang 'yun?"

Siya ba yung sinasabing hunter ni Shin?

Natapos na ang period ni Ma'am at hindi pa sila bumabalik. Kaya pag kaalis ni ma'am, bago pa dumating ang next teacher namin ay lumabas na ako at sinundan ang mga boses ni Aliyah na mukhang kinakausap si Shin.

Nang malapit na ako sa kanila ay nagtago muna ako. Sana hindi maramdaman ni Shin ang presensya ko.

"Naririning mo siya hindi ba?" Tanong ni Aliyah kay Shin.

Hala ka? Ako ba tinutukoy niya? Ayoko pang mamatay...

"Paano mo nalaman na may naririnig ako?"

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko napansin na nila ako.

"We've tortured a wraith yesterday. Ally namin ang wraith na iyon at bigla nalang siyang nagwala. She turned 3 people and killed 5. Tinanong namin siya kung anong nangyayari sa kaniya, at sabi niya may mga naririnig siyang boses."

"Kaninong boses?"

"Eve. Your mother, the mother of all monsters here."

Eve? Akala ko ba namatay na siya?

"I thought she's dead?" Tanong ni Shin.

"So are we. We're guessing she got out."

"She got out? From where?"

"From Purgatory... So, may mga inutos na ba siya sayo?" Tanong ni Aliyah na naka cross arms pa.

Yumuko si Shin.

"Meron na." Nakayukong sagot ni Shin.

"Ano yun?"

Biglang tumunghay si Shin.

"She commanded me to turn you." Mabilis pa sa kidlat na napihit ni Shin si Aliyah. He pinned her to the wall where he's leaning earlier.

"Dammit." Mura ni Aliyah na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kanya ni Shin.

Kinagat ni Shin ang wrist niya at pilit na pinapainom kay Aliyah ang dugo na lumabas dito.

Kailangan kong tulungan si Aliyah.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at malakas na hinila si Shin palayo kay Aliyah.

Tumingin sa akin ang mga walang emosyong mata ni Shin, he seems controlled, by who?

Bago pa niya ako masugod ay may tumusok sa kanyang leeg na isang syringe na may pulang likido.

Pagkahugot ni Aliyah ng syringe mula sa leeg ni Shin ay wala na itong laman. At parang naparalisa si Shin at tumumba sa lupa.

"Sabi ko na nga ba't kakailanganin ko 'to. Salamat nga pala sa tulong, Alexander." Sabi ni Aliyah.

"Walang anuman. Teka, ano pala yan?" Tanong ko sa kanya.

"Lason."

"Anong klaseng lason ang tatalab sa mga bampira?" Tanong ko. Huli na ng marealize ko kung anong nasabi ko.

"Pa'no mo nalamang bampira siya?" Tanong niya. Damn. Kinakabahan ako. Isang maling sagot baka mapatay ako netong babaeng nasa harapan ko.

"He's a werewolf, an alpha to be exact." Sagot ng paralisadong si Shin.

"You hear her?" Tanong ni Aliyah sakin.

"Who's her?" Tanong ko.

"Eve." Sagot niya.

Umiling lang ako dahil hindi ko pa siya naririnig na bumubulong o nag uutos sa akin.

"Dammit. Aliyah, gano katagal akong mapaparalisa?" Tanong ni Shin.

"Ewan ko." Tinatamad na sagot ni Aliyah. "Kailangan mo munang makulong. Para makasiguro tayo na hindi ka makakasakit once na makontrol ka uli niya." Dugtong pa ni Aliyah.

Bumalik na ako sa room at pinabayaan nang si Aliyah ang mag asikaso kay Shin.

Pagpasok ko sa room ay wala pa rin si Ma'am.

At sinalubong ako ng tanong ni Pres.

"Nasan sila?"

"Ewan ko." Sagot ko sa kanya. At dumiretso na sa upuan ko. Habang pabalik ako sa upuan ay nahagip ng mata ko si Mieko.

May nararamdaman akong iba kay Mieko. But I can't name it.

She don't smell human.

What the hell is she?

Sa totoo lang marami sa section na ito ang kakaiba. Hindi ko lang alam kung ano ba talaga sila. They don't smell human. Parang may kung ano sa kanila, ewan ko kung napapansin ni Shin iyon.

Dumiretso na ako sa upuan ko saktong pagkaupo ko ay narinig ko na siya.

'Hey, son.' Naririnig ko na ang boses niya. Damn. Kailangan ko itong masabi kay Aliyah bago niya ako makontrol.

I was about to stand up and look for Aliyah. When she talked and it was too late. I got under her control.

'Stop, there son. I want you to do something for me.'

'What is it?' I asked, we're talking in my mind.

'You see your classmate Catherine?'

Napalingon ako kay Catherine bago siya sinagot, 'yeah'

'Bite her'

That SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon