6. James
~Sa Dance Studio~
Nagpapraktis sina...
Allison
Angelene
Geneveeve
Hyacinth
Lea
Rojean
Alonica
Mieko
Mark
Stephen
James
Akihiro
Steve
Tristan
Drace
Tyler
Jeremy
Para sa darating na foundation day ng school nila.
Kasama dapat si Catherine kaso lang maaga siyang umuwi dahil nga may importante siyang gagawin.
"Water break muna tayo... Nakakapagod." Saad ni Mark.
"Fine. Okay, guys! Let's have a break." Sigaw ni Angelene sa lahat, si Angelene ang tumatayong pinuno ng grupo nilang sasayaw para sa foundation day.
Pagkasabi noon ni Angelene ay kanya kanya na silang kumain. Gabi na wala ng tao sa cafeteria, pero may mga sarili silang mga baong snacks.
Habang kumakain ang iba ay lumabas si James para magbanyo...
Naglalakad siya mag isa sa hallway.
Nasa first floor sa bandang dulo ang restrooms at nasa third floor naman ang studio.
...
Nang marating na niya ang banyo at naglalakad na siya pabalik sa studio ay may naaninag siyang isang pigura sa kabilang dulo ng hallway.
Nilapitan niya ang pigura...
"Ahm... Excuse me, pero, sino po kayo?" Tanong niya.
Humarap sa kanya ang pigura.
At ganun na lamang ang pagkatakot niya ng makita niya ang mapupula nitong mga mata...
Red eyes... Red as blood...
Sinubukan niyang tumakbo pero huli na.
Dahil bago pa man niya maihakbang ang paa niya ay nahablot na ang kanyang braso nito.
Grabe na ang takot na kanyang nararamdaman hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.
Nagpupumiglas siya, ngunit napakalakas ng kung ano man iyong kumapit sa kanya.
Wala ng nagawa pa si James ng kagatin ng taong lobong iyon ang kanyang braso.
Napasigaw siya sa sakit...
Napapikit na rin siya dahil sa sakit.
Hanggang sa unti unting humupa ang sakit.
And then he opens his now golden yellow eyes.
Bumagsak siya sa sahig...
"I'm sorry, James." Ang mga huling narinig niya mula sa isang pamilyar na boses bago siya mawalan ng ulirat.
~~~
"Tara na! Magsimula na tayo! Last na ito tapos uuwi na..." sabi ni Angelene sa lahat.
"Teka bakit parang overtime tayo? Alas siete y media na.!" Saad ni Alonica.
BINABASA MO ANG
That Section
Mystery / ThrillerThat section is MYSTERIOUS. **** A/N: This story is inspired by this shows: -Supernatural -Teen Wolf So, some concepts were based there. Kaya kung may magsasabi man na may kagaya 'yan. Diyan ko lang sa mga shows na 'yan nakuha ang ilan. Pero yung pl...