Chapter 2: MICHAEL

136 5 0
                                    

Habang nasa loob kami nang kanyang sasakyan.

"Turo mo nalang kung saan ka nakatira"

"Sige"

Medyo tahimik, nakaka ilang di naman kasi kakakilala palang namin , natural di' pa kami masyadong magkakilala. Kaya this is the moment.

"Nasaan ang parents mo?" Nahihiya kong tanong.

"Ah! Nasa ibang bansa sila, kaya ako lang mag-isa dun sa bahay. Kasama sina manang."

"Di kaba nalulungkot dun?"

"Med..yo! Wala pa akong masyadong kakilala kasi dun eh, kakalipat ko palang dun last year."

"Last year! Edi dapat marami kanang kakilala dun"

"Nahihiya ako eh!" sabay tawa

Maya-maya pa namuhay nanaman ang katahimikan sa loob nang sasakyan. Di' ko namalayan na nandito na pala ko.

"Sige! Salamat sa paghatid"

"Salamat din' wag mong kakalimutan hah! Ma-.."

"Oo! Mamaya"

"Sige, una na ko!"

umalis na nga siya. Pumasok na rin ako sa aking kwarto, tila' inaalala ko ang biyaya ng may kapal sa akin! Hayyy, ang sarap talagang mabuhay.
Nang biglang...

"Kringgg" "Kringgg"

"Anak ka nang!"

Syempre anu pa nga ba gagawin ko!

"Hello?"

"Kei, ano? Sama ka may lakad ang barkada?"

"Huh? May lakad din ako ehh"

"nu ba naman yan! Minsan na nga lang tayo magkita ehh."

"What the? Anu kaba naman eh, bukas magkikita na tayo noh! May pasok kaya."

"I know! But minsan na nga lang tayo umalis ehh, kasama ang barkads."

"Ehh kasi-..."

"Oo! Alam ko naman ehh! Ganyan kana! ang laki nang pinagbago sa loob ng isang araw! Iba kana keicy! Iba kana!"

"wow hah! O... sige sige na. Anung-..."

"3 pm, sa dating mall, but dont you worry may susundo sayo dyan! Bye." Napaka bilis nitong sabi.

Binaba na ang telepono.

"Huh! Sino naman susundo sakin? Shocks! Pano naman yung Forever ko!" Hayst! Asar! Naguguluhan ako.

Maya-maya pa di' ko namalayan na nakatulog na pala ako, shocks! 2:25 pm na! Naalala ko may lakad pa pala ako.

dali-dali akong nagmadali, inayos ko ang aking sarili nang biglang...

"Nang biglang may nag busina sa harap nang bahay."

syempre kahit hindi pa ako masyadong nakakapag ayos, dali-dali akong lumabas. Nagulat ako kung sino ang sumundo sakin SHOCKS si...

"Ohh! Tara na!"

Si ANGELOOOO! classmate ko at varsity ng basketball sa aming university, syempre Gwapo. Ultimate crush ng bayan! Syempre di' ko naman maitatanggi crush ko rin sya! Pero matalik ko lang siyang kaibigan.

"Oh! Angelo, ikaw pala."

"sino ba inaasahan mong dumating, ikaw huh!"

"Baliw nga! Oh, anu pang gagawin natin dito?"

"Oh eto na nga Boss! Sakay na!"

"Thankya." Sabay ngiti.

Habang nasa loob ng sasakyan:

"Oh! Bat ikaw sumundo sakin, nasaan ang barkada?"

"ayaw mo ba? sige!" Nagdrama ang loko.

"Baliw nga! Syempre masaya ako kapag kasama ka noh!"

"Weh?"

"OO, NGA! Oh! nasaan ang barkada?"

"Hayaan mo na sila! magsariling lakad nalang tayo! huwag kanang kokontra." ngumiti ng pagka tamistamis.

Syempre diba ano pa magagawa ko, kung sadyang mahaba ang hair ko.

"Sige! Pero sabihin muna natin kay-..."

"Wag ka nang mag-alala nasabi ko na."

"Wow! lagi kang handa ah!"

"Naman!"

Nagkwentuhan kami habang nasa loob ng kotse. Hanggan sa di ko namalayan na nandito na kami sa aming destinasyon.

"We're here!"

"Tara na!"

Tanging ginawa namin ay naglibot libot nagkwentuhan hanggang sa makaramdam kami ng gutom.

"Tara kain tayo!" pangaanyaya niya sa akin.

"Tara! Gutom narin ako ehh."

"Saan mo gustong kumain?"

"Ikaw kahit saan?"

Umalis na kami at pumunta kami sa isang restaurant, syempre umorder na kami at handa na kaming kumain.

"Lets eat" at kinain ko na ang aking inorder di ko alam kung na katitig siya sakin ehhh, sa sobrang gutom hihihi.

Maya-aya pa natapos na kong kumain, pero pag tingin ko sa kanya eh...

"Oh! Bat parang konti lang nakain mo? Diba sabi mo gutom ka?" Tanong ko rito.

"Nakakatuwa ka kasing panoorin, dun palang busog nako!"

Shocks! Medyo nag blush ata ako. Grabe sobrang kinilig ako. Tanging nasabi ko lang eh...

"Mga banat mo!"

Nagtawanan nalang kami. Maya-maya pa nag aya na itong umuwi.

"Ano uwi na tayo?"

"tara!"

Ayun! Hinatid niya na ako! Papauwi hanggang makarating na kami sa bahay

"Salamat ahh! Nagenjoy ako, sa uulitin" sabi ko.

"Ako rin. Basta ikaw kasama feeling ko ang sarap mabuhay."

"ikaw talaga" pinisil ko ung ilong nya.

"Aray! Sige na nga una na ko. See you. tomorrow."

"Sige! Bye inggat ka."

At umalis na ito, pumasok na ko sa aking kwarto, grabe ang saya. mga 6:45 pm narin nung nakauwi ako. Kayat sa sobrang pagod di' ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Itutuloy.

Guys! Don't forget to vote and please share your comments whether it's positive or negative. Hope you like it.

Falling, In Love? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon