Chapter 2: Meet Again

41 2 0
                                    

Hay!! Another day nanaman.. boring noh? Papasok na ako ngayon sa school ng biglang may umakbay sa akin. Hay sino pa bah edi si------......


"Hoy! Sino ka? Bakit mo ako inakbayan? Walang hiya ka!! Tulong tulong!! May manyakis dito!!!"


OA ko ba? Kasi naman eh, akala ko si Sean (Shan) na. Ilang araw na ding hindi nagpaparamdam yun eh.


"Uy Miss, kalma lang. Sorry, akala ko kasi ikaw yung gf ko eh. Sorry talaga."


Sabay takbo niya. Natakot siguro, panay kasi ng tingin mga tao sa paligid eh. Buti pa yung lalaking yun, pinapakealaman pa gf niya.



Samantalang yung boyfriend ko di na tumatawag o nagtetext man lang. Ano kaya nang yari dun? Hay konti pa lang ng tao dito sa school, ang aga ko kasi eh.


Naglakad lakad muna ako sa school ng biglang.........


"Eh ang tigas tigas din ng ulo mo noh?!!!! Sabi ngang di ako yung GIRLFRIEND m---.... "


Hala lagot nah.


"Anong pinagsasabi mo diyan?"


Tanong ni Sean. Ayan tuloy, napagkamalan ko na yung bf ko na siya yung lalaki kanina.


"Ay Hon ikaw pala yan? Sorry ah akala ko kasi yung lalaki na naman kanina eh. "


hala lagot baka magalit to.



"Anong lalaki? Sinong lalaki? Sabihin mo nga Yuki, may lalaki ka noh?"


Tanong niya naman. Hala? Tama bang pinagdudahan ako?


"Wala ah! Ikaw nga siguro tong may iba eh. Ilang araw nang hindi nagpaparamdam, tumtawag o nagtetxt man lang. Sabihin mo, may babae ka noh?"


Hala tama bang ibalik sa kanya yung tanong niya? Di bale na nga lang.


"A-h... e-eh... na busy lang talaga ako. Tara na nga hon."

Sabi naman niya. Busy lang naman pala eh.



Ayun nga hinatid niya ako sa room ko. Hindi kasi kami same ng room.


Pagpasok ko sa room, aba. Lahat sila nakatingin sa akin. Ano nagawa ko? May dumi kaya ako sa mukha ko? Tumingin ako sa mga kaibigan ko, babati na sana pero tinignan ako ni Stacey, siya yung leader nung grupo, tinignan niya ako mula paa hanggang mukha, sabay talikod.



Hala? Anyare dun? Ano ba kasi nagawa ko? Bigla nalang nagiba yung aura sa room nung pagpasok ko. Tatanungin ko nalang kaya tong katabi kong si Ms. Nerdy, baka may alam.


Sayang si Xyla. Ang ganda kaya niya. Kaso lang nerd eh. Konting ayos lang sa kanya at makakabugan na tong sila Stacey.



"Ahm, Xyla ano palang meron? Bakit ang sama ng mga tingin nila sa akin?"


Sana naman sumagot siya..



Umiling lang siya. Ano ibig sa bihin dun? Di ba daw niya alam? Ano ba naman kasi toh kausap eh, di nagsasalita.



"Ah, may dumi ba ako sa mukha?"


Tanong ko na naman. Umiling na naman siya. Hala? Napaka silent mode naman neto.



BZZZZZZZT

From: Hon
Hon, may bago daw nag transfer. Kaklase niyo daw.


To: Hon
Ah ganon ba? Ok sige.


The Game Of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon