"Anikka? gising na. May pasok ka pa."
Na gising ako dahil sa boses na yun, pero di ko pa minumulat yung mga mata ko. Ano ba naman tong si kuya eh, inaantok pa ako, gusto ko pa matulog..
"Anak, gising nah...."
ANAK?!
napatayo ako agad. At tama nga hinala ko.. Umuwi na sila. Yey!!!
"DAD!!!!???? kailan pa kayo dumating?"
"Di talaga halata na miss mo ako noh? Haha kagabi palang. Di ka na namin ginising, sarap kasi mg tulog mo eh."
nagbiro pa talaga si Daddy.
"Dad naman eh. Namiss ko talaga kayo Dad! " sabi ko sabay yakap.
"Eh nasaan po si mommy, Dad?" kumiwalas na din ako sa pagkakayakap.
"Ay, oo nga pala. Halika na, naghahanda na ang mommy mo ng agahan. "
Ay!! Na surprise talaga ako!! Na miss ko talaga sila. 1 week lang naman sila sa Japan pero na miss ko talaga sila masyado.
Pagbaba namin ni Dad, nakita ko agad si mommy na naka ngiti nah.
"MOMMY!!!!!! na miss talaga kita!!.... ba't di niyo sinabi na ngayon kayo darating?!"
"Actually anak, alam ng mga kuya mo at ng ate mo, kaso di ko muna pinasabi sayo para naman ma surprise ka. Halika na kain kana, may pasok ka pa."
Ay namiss ko rin yung boses ni mommy!!..
"Effective yung plano mo mommy ah. Na surprise nga ako."
Ayun nagkwentuhan lang kami at pagkatapos ay naligo na ako at nag ayos ayos na rin sa sarili.
"Mom! Punta na akong school."
"Hatid ka na ng Daddy mo. Beh! Ihatid mo na si Anikka."
Yung family ko lang ang tumatawag sa akin ng Anikka. Yuki lang din naman ang pinapatawag ko sa mga nakakakilala sa akin. Hinatid na rin ako ni Dad sa school.
"Sige Dad, pasok na ako."
Tumango nalang si dad at umalis na rin siya.
Pumasok na ako sa room. Nandiyan na pala yung Bruhitang malandi. Tiningnan niya ako at agad agad na umiwas.
Tsk, nahiya ka pa. Akala ko pa naman sing kapal ng make up yang mukha mo..
Umupo na ako. Hindi pa dumating si Xyla at wala din si Nathan, pero nandiyan naman bag niya? Bakit kaya? Ah siguro na iwan lang niya kahapon.
Isinubsob ko nalang yung mukha ko sa desk. Antok pa rin kasi ako eh.
"Ahm, excuse me!. For this morning, wala kayong pasok. May panandaliang meeting kaming mga teachers. So you can all go home. "
"YES!!!!"
Tsk. Sana di nalang ako pumasok, wala din naman pala kaming pasok.
Hahay, sigurado akong walang tao sa bahay dahil sila kuya may inaasikaso. Sila mommy at daddy naman ay may kailangan pirmahan kaya nandun yun panigurado sa office.
Psh! Ano kaya gagawin ko?. Lumabas nalang ako room.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa napa daan ako sa Chapel ng school namin. Ay! Alam ko na gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The Game Of LOVE
Ficção AdolescenteLove is like a Game. That can be played by the people around you. You must learn how to play this kind of game. But, don't play it seriously. Why?! You'll know if you read this story.