Chapter 3: Saviour

29 1 0
                                    

Hala? Anong oras na? Di ko tuloy namalayan, nakatulog pala ako. Ang boring naman kasi kanina. Bumaba nalang ako para kakain.




Ba't walang tao? Nasan na sila kuya? Wala ding pagkaing nakahanda. Ano ba yan, saan na ako kakain neto?




"Yaya Mels!!"




Tawag ko naman. Wala kasing katao tao sa bahay na to?




"Ma'am ano po?"




Hay si yaya nakalimutan na naman niya.





"Yaya Mels, Diba sabi ko Yuki nalang? Wag na yung ma'am. Tsaka yaya Mels sa labas nalang pala ako kakain."




"Ah sige po ma'am Yuki"





ang tigas talaga ng ulo ni yaya. Haha





"Yuki nalang yaya, ayaw ko na may ma'am. Teka nga pala yaya, nasaan sila kuya?"






Tanong ko na agad. Hindi kasi nakapagpa alam sa akin eh.





"Ah sila kuya mo po? May nilakad daw sila at mamaya pa dadating." Sabi ni yaya.






Tumango nalang ako at bumalik na sa kwarto para makapagbihis naman. At lumabas na.






Doon nalang ako kakain sa favorite restaurant namin ni Sean, baka nandun din siya.






Nilakad ko nalang, di naman masyadong kalayuan yun dito sa sub-division namin eh. Tsaka maaga pa din naman. Sana nandun yung boyfriend ko. Saklap naman kasi, wala akong kasama.





Pumasok na ako sa restau, at tama nga ako! Nandun nga si Sean and he's with......





with Stacey?! Ano namang ginagawa ni Stacey dito?





Gusto ko sanang lumapit pero nawalan ako ng lakas nung nakita kong hinawakan ni Sean yung kamay ni Stacey.





Hindi ko namalayan, tumutulo na pala yung luha ko. Hindi ko na talaga na kaya ang mga nakikita ko kaya lumabas na ako agad.





*sob*






Naglakad lakad nalang ako habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala. He's cheating on me.






Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang lakad lang ako ng lakad.






*sob*






"Huy miss!! Ikaw lang bah magisa?!!"






Lagot na kung minamalas nga naman. Lasing ata tong mamang to eh. Bahala ka nga diyan.






Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Pero bigla niyang hinawakan yung braso ko at hinila niya pa harap sa kanya.






Naku lagot, wala ding katao tao. At saka madilim dilim din.






Naku lagot ka Yuki! Bakit ka ba naman kasi napad pad sa lugar nato oh?!






"Bitawan mo nga ako!!"







Naku naiiyak na talaga ako, hindi dahil sa nangyari kanina kundi sa sitwasyon ko ngayon.







"Miss!! Wag ka nang mag inarte! Gusto mo din naman eh!!.. kaya sumama ka na.."






The Game Of LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon