Ang hirap naman niyan, Anna...

372 12 0
                                    

"Anna..."

Paano to? Nakakahiya. Sa kanya pa ako magpapaturo. Eh wala naman akong ibang ka-close sa school.

"Uhm?! What?"

"Busy ka ba? Magpapatulong sana ako..."

"Anong tulong. Depende."

"Sa assignment sana. Math. Di ko kasi masagutan. Turuan mo naman ako, kung di ka busy."

"Yeah sure..."

"So ganito. So ang hinahanap yung value ng x. Alam mo naman siguro yun."

"Ang X wala ng halaga yun, di ba?"

Ahihi. Joke pa more!

"Tse! We have to find the value of x. So sa equation na to, (x + 2)² = 8, anong gagwin natin?"

"Uhm... Di ko alam?"

"Haaaay... So ganito..."

Ang galing pala magturo ni Anna. Maganda na, matalino pa.

"Medyo madali lang naman pala. Ang bilis kasi mag-explain ng prof natin."

Silence.

"Anna?"

Aba, nakatulog na?!

Tinulugan ako?!

Grabe siya!

Pero ang ganda niya pag natutulog. Sobrang peaceful.

Ang bait niya tingnan pag nakapikit.

Yung mga labi niya.

Mapula.

ADRIAN! ANO BA?! HINDI MO PWEDENG MAGUSTUHAN ANG AMO MO?

Pero sino bang hindi magkakagusto sa ganyang kagandang babae?

Ugh! Ano ba? Tumigil ka nga Adrian!

"Uuhmmm... James, please, wag mo akong iiwan..."

Aba at nananaginip pa!

"James... Please..."

Bakit si James ang tinatawag nito??

"AAAAHHHH!"

OH SHIT! Bigla bigla ba lang siyang sumisigaw!

"Anna, okay ka lang?"

Aba, at bigla bigla ding nangyayakap?! Nakakadalawa ka na huh??

"Adrian, tulungan mo ako. Si James, iiwan niya na ako..."

Ayan, umiiyak na...

"Sshhh... Tahan na, andito lang ako... Hindi kita iiwan..."

"Adrian... Dito.ka lang please. Natatakot ako..."

"Oo, Anna. Andito lang ako, hindi kita iiwan..."

The FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon