"Adrian samahan mo ako..."
Saan na naman kaya magpupunta tong si Anna. Baka magsha-shopping. Bakit di na lang niya isama yung mga kaibigan niya? Ba't ako pa?
"Saan? Uhm... Kailangan muna natin magpaalam kay daddy mo."
"Don't worry, he told me as long as kasama kita, okay lang daw."
"Saan naman ang punta mo?"
"Sa mall lang. Shopping. Saka bibilhan na din kita ng bagong damit. Para naman pag nakita ka ni James, hindi niya sabihing mukha kang basura. Hehehe."
Mukha ba akong basura? Maayos naman ako manamit. Simple. Pero gwapo naman. Joke. Ahihihi.
"Naku, Anna. Wala akong pambili..."
"Ssshhh! Stop! Ako magbabayad. Or shall I say, si daddy ang magbabayad."
Wow. Yayamanin!
"Naku, hindi pwede. Ikakaltas yan sa sahod ko, Anna, kail..."
"Adrian! Stop whinning about that! Buo ang sahod mo at ipagsha-shopping kita. Remember I owe you, for saving my life."
"Naku nakakahiya naman."
"Dami mong arte. Bilisan mo, aalis tayo after an hour."
*****
"Ohh ito, gusto mo ba?"
"Anna, napakamahal naman niyan! Wag yan. Dun na lang tayo sa divisoria, mas mura at mas marami dun."
"Eww! Nagsusuot ka ng galing divi! Eww!"
"Huy, ano ka ba? Kahit naman walang brand yung mga damit dun, marami namang magaganda."
"Ewww! Ayoko nun!"
"Eww ka diyan, mas okay nga yun ehh."
"Okay, let's have a deal. Let me pick some clothes for you in exchange, pupunta tayo ng divisoria. Mukha kasing mas gusto mo dun."
"Yes! Okay, deal!"
"Okay so I'll pick this five black Armani button-up shirt. Bagay kasi sa'yo... So ito din, ohh, Lacoste. Okay. So, ito pa, bagay sa'yo tong sneakers na to. Nike yan. Siguro naman alam mo ang Nike huh? And ito pa, I'll get those shorts. And cute niyan sa'yo..."
Hinayaan ko lang siya magdada hanggang sa makuha niya na halos lahat ng laman ng department store. Napakarami. Mga 30 bags ata yung nadala namin. Hindi na magkasya sa kotse.
"So, Divisoria na?"
"I guess so."
At nakangiti siyang tumango. Haaaay. Maganda talaga si Anna pag nakangiti.
*****
"Anna, bagay ba tong jacket na to sa'kin?"
"Ohh my gosh! Kamukhang kamukha ito nung leather jacket ni daddy na binili niya sa Paris!"
"Kitam, sabi sa'yo ehh. 500 lang yan?"
"What? 500? The price I'm expecting is at least 3000."
"Ano ka ba, Divisoria to. Mura mga damit dito."
"Sige kuya, kunin na namin yan."
Hinayaan akong pumili ni Anna ng mga gusto ko. Tinatanong ko lang siya kung bagay o hindi. Pag humindi siya, hindi ko kinukuha. Pero pag um-oo siya, kinukuha ko.
Nakikita ko siya masaya. Nakangiti.
Bakit ba napapansin ko lang ang ngiti niya?
Bakit?
"Addie! Ito skinny jeans, bagay sa'yo to. Sukatin ko."
Hindi ako mahilig magsuot ng skinny jeans pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.
Nang lumabas ako suot ang napakasikip na pantalon...
"Holy crap! Addie! Yung pwet mo, ang lakiiiiii!!!! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"Sorry, iba na lang..."
"No, kunin mo yan. At kumuha ka ng iba't ibang kulay! OMG, bagay sa'yo! Hahahahaha!"
Naku, patay tayo diyan.
*****
Nang makabalik kami sa mansyon, para kaming naghakot ng bahay, napakaraming paper bag at divisoria bag ang dala dala ko!
"Addie! Sukatin mo tong skinny jeans na black and yung white na button-up shirt at yung vintage shoes. Let's see kung okay... Teka, yung shades isama mo! That would finish the look! Dali!!"
Dali dali niya akong itinulak sa CR.
Pagkalabas ko...
"Anna bagay ba sa'kin. Para feeling ko mukha akong suman."
Nakanganga si Anna.
Siguro mukha nga akong suman. Napapanganga siya. Gusto na ata akong kainin.
"Adrian..."
"Anna, bakit?"
At bigla na lang...
"AAAAAHHHHH!! OMFG ADRIAN YOU LOOK SO PERFECT IN THOSE SKINNY LIKE YOU'RE THE KING OF ALL ASSES! OMG ANG POGI MOOOOOO!"
Sabay kurot sa pisngi ko.
"Salamat. Pera mo naman to lahat."
"Naku, kulang pa yan sa pagliligtas sa'kin."
RRRRIIIINNNNGGGGG!!!
"Hello?"
"Anna, si Tom to! Imbitahan sa kita sa dinner mamaya dito sa mansyon ni tita. Sunduin kita ng seven."
"Ohh okay sige! Pero isasama ko sana si Adrian. Hindi kasi ako papayagan ni daddy na lumabas without him."
"Oh my God, sorry! Iimbitahan ko din sana si Adrian. So if you said yes, he has no option but to said yes kasi bodyguard mo siya. So since pupunta ka, kasama si Adrian."
"Yeah, at ang dami mong sinasabi. Basta wag mo na ako sunduin, Addie will drive me."
"Okay, Anna! See you later."
"Thanks, Tommy. See you soon!"
"Anna, uhmm si Tomasz ba yun?"
"Yup, and sasama ka sa'kin mamaya, dinner with his family. And isusuot mo ang mga pinamili natin! Saktong sakto!"
Patay!
*****
Extra long chapter. I'm on a roll so jut stfu. Hahahahahaha! Walang Young Leo muna, AlDub fanfic kasi to, hindi Young Leo fanfic. HAHAHAHAHA!
¡Adios! 😄
BINABASA MO ANG
The Fuckboy
Krótkie OpowiadaniaSiya si Adrian. Gwapo. Matipuno. Halos lahat nasa kanya na. Maliban sa talino. At common sense. Kailangan niyang makapagtapos ng pag-aaral. Pero may isang bagay ang humaharang sa pagnanais niyang makapagtapos. Pera. Tanggapin kaya niya ang inaalok n...