OO, may chance ka! Pero...

181 13 0
                                    

"Anna! Bakit ba ganyan yang ex-boyfriend mo? Baliw ata yun ehh. Pupunta pa kila Tom para lang manggulo. Parang gago!"

"No, Addie. Kuya Paul invited him to come dun sa bahay nila."

"Ahh okay. Pero bakit ganun ugali nung lalaking yun?"

"Ewan ko, desperado siguro. Partida niyan huh, di pa tayo nagsisimulang magpanggap na mag-on pero halos mamatay na siya sa selos. Nakakaloka!"

Teka, hindi pa nga ba kami nagpapanggap na mag-boyfriend at girlfriend? Talaga?

"Huh? Hindi pa ba tayo nagsisimula?"

"HAHAHA! Adrian, hindi pa! Bodyguard mode pa lang turingan natin sa harap niya. Pero kasi, and sweet mo sa'kin kaya parang ang iniisip ni James eh tayong dalawa na."

"Teka, Anna. Okay lang ba talaga sa'yo na magpanggap na girlfriend ko kasi parang.. Uhm... Hindi tayo... Uhm... Ahh.. Di tayo bagay. Mahirap lang ako at alam mo na..."

"Adrian, love don't see materials things, it only see one thing. Heart."

Huh? Napakamot na lang ako ng ulo ko.

Alam kong hindi naman ako magugustuhan ni Anna. Mahirap lang ako. Hindi ako gwapo. Gusgusin. Pero pinipilit ko naman yung sarili kong maging maayos pero alam kong di pa sapat yun. Kaya lahat ng nararamdaman ko para sa kanya, isasantabi ko na lang. Si Anna yung klase ng babaeng mapili sa lalaki. Pero bakit nga ba ako pa ang napili niyang pwedeng magpanggap na boyfriend niya. Siguro wala na siyang choice. Pera mayaman siya. Makukuha niya lahat ng gusto niya.

Kung sana naging mayaman na lang ako.

"Adrian? Huy! Okay ka lang. Tulala?"

"Ahh oo, okay lang ako... Ahh Anna, may itatanong sana ako sa'yo?"

"Ano yun?"

"May pag-asa ba kayang magkagusto ka sa isang taong halos langit ang lupa ang pagitan niyo?"

"Aba, san mo naman nakuha yang tanong na yan?"

Ayan na, nag-usisa na siya! Nagtanong ka pa kasi! Kainis!

"Ahh wala.. Di bale na..."

"Alam mo Adrian, kung type mo ako, sabihin mo na hindi yung nagpapaligoy ligoy ka pa! Oo may chance ka. Pero ang tanong ko, kaya mo bang panindigan? Kaya mo pa akong ipaglaban? Pero kung natatakot ka kasi sabi mo nga langit at lupa ang pagitan natin, ehh hindi kita bibigyan ng chance. Gusto ko yung taong willing na sumugal sa ngalan ng pag-ibig! Woah, lalim!"

"Grabe ka naman, hindi kita type no!"

Naku, paano niya naman nalaman na type ko siya!? Shit!

"Okay, ikaw din. Bahala ka. Mauunahan ka pa ng iba diyan!"

"Anna, mauna na ako. Pupunta muna ako sa bahay, may iaabot lang ako kay nanay."

"Okay bye! Bumalik ka kaagad, magrereview pa tayo sa Math, may exam tayo bukas..."

"Okay..."

Ohh Anna, bakit tila napakahirap mong abutin samantalang nasa tabi lang kita.

****

Sorry, I'm on a roll today. Just random thoughts!

The FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon