Napakatagal naman ni Adrian! Nasan na ba yun? Mag-aalas onse na ohh? Wala pa din siya! At hindi pa kami nakakapagreview sa Math!
Matawagan nga!
"Adrian! Nasan ka na ba? Mag-aalas onse na oh?"
"Ahh sige papunta na ako. Si nanay kasi may ipinautos lang."
"Okay sige, bilisan mo at may gagawin pa tayo!"
****
"Anna, andito na ako."
"Tagal mo!"
"Eh si nanay kasi eh."
"Oh sige na, let's start."
Buti naman kahit papaano eh nakukuha na ni Adrian yung mga lessons namin sa Math. Kaunting push lang pala ang kailangan ng lalaking to. Hindi naman pala ganon ka-shunga tulkad ng alam ko.
Minsan naiisip ko, ano kayang kalagayan nila nung hindi pa siya tumutuloy dito sa'min? I don't have any idea kung paano mamuhay yung mga tulad nila. Even my dad eh galing din sa mahirap, he never make us or let us experience the kind of situation na meron sila Adrian.
Bilib din ako sa lalaking to. Gagawin niya talaga lahat makapagtapos lang.
Para sa pamilya niya.
Yan ang mga tipo ko... What!?
"Anna, okay ka lang?"
"Yeah, I'm okay... Tara matulog na tayo..."
"Anna... Salamat huh?"
"Para saan?"
"Sa lahat. Yung pagtuturo mo sa'kin kahit mahihirapan ka ng magturo. Yung pagpapatira mo dito sa'kin, yung pagbibigay ng trabaho sa'kin. Salamat sa lahat, Anna."
"Adrian, okay lang yun. Besides, kailangan ko din talaga ng magbabantay sa'kin..."
"Pero salamat pa din. Kahit papaano si nanay nakakabili na ng gamot para sa sakit niya. At nabayaran na din naming yung mga utang. Ang laking tulong talaga ng maging bodyguard mo ako."
"Ooops! I'm not calling you a BODYguard, you're my friend kaya, BUDDY guard."
Wow. Lalim!
"Anna, may gusto sana akong sabihin sa'yo... Alam kong masyado pang maaga to at alam kong hindi ko dapat nararamdaman to..."
HAAAAAAY! Alam ko na to.
Aamin na siyang type niya ako.
Naku!
Pero gwapo naman si Adrian. Maganda ang katawan, mabait, gentleman pero...
"Ano yun, Addie?"
"Ahh kase hindi ko mapigilan na magustuhan kita. Gusto kita, Anna. Pero! Alam ko naman wala akong pag-asa. Gusto ko lang malaman mo na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa'yo... Ano ba to, nakakahiya!"
He look so cute pag nagba-blush at nahihiya.
"Okay lang yun Addie, malay mo naman magustuhan din kita... Hindi naman malayo yun. Gwapo ka naman, medyo mag-ayos ka nga lang talaga."
"Nakakahiya! Sabi ko na nga dapat di ko na sinabi sa'yo. Naku!"
Natatawa na lang ako. Pero ang cute niya...
"Awkward ba?"
"Oo ehh... Diyahe!"
"Basta friends muna tayo, Adrian. Dun naman lagi nagsisimula yun di ba?"
What!? WHAT? Ano ba Anna? Shut up! Wag mong paasahin si Adrian! Mabait siya, oo but he's not your type of guy!
"Salamat... Nakakahiya talaga!"
Kulit! Paulit-ulit!
PAK!
"Aray! Bakit mo ako binatukan!?"
"Eh paulit-ulit kang nakakahiya ehh! Sabi ko ng okay lang!" Sabay tawa.
"Okay, sige okay lang... Eto talaga. Matulog ka na nga diyan... Maaga pa tayo bukas."
"Sige. Good night, Addie."
"Good night, Anna"
Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin at nilapitan ko si Adrian at hinalikan.
I never felt this kind of emotions before. Yung parang may something sa katawan mo na nagpapanginig sa'yo sa sobrang saya. Yung parang there so many dragons on your stomach. Yung parang kakawala yung puso mo sa saya. Para akong lumulutang...
"Good night, Addie..."
*****
Three chapters in one day! There you go! Vote please! Thank you!
![](https://img.wattpad.com/cover/65947715-288-k116235.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fuckboy
Storie breviSiya si Adrian. Gwapo. Matipuno. Halos lahat nasa kanya na. Maliban sa talino. At common sense. Kailangan niyang makapagtapos ng pag-aaral. Pero may isang bagay ang humaharang sa pagnanais niyang makapagtapos. Pera. Tanggapin kaya niya ang inaalok n...