[OLS] 02 - Tori's Plan

125 10 5
                                    


[OLS] 02 - Tori's Plan

Dedicated to @CamilleSanGabrielon a user
Para saiyo ang UD na ito :-)

Exactly 6:00 AM. Maaga akong pumasok sa school para abangan si Nexuz sa gate. Tinignan ko ang relo ko. Napa-mura ako sa sobrang inis. 30 minutes ko na siyang hinihintay ni hibla ng buhok niya hindi ko pa nakikita. Anong oras bang pumapasok ang gwapong lalaking yun? Shit! Hindi ko gawain ang maghintay sa gate. Kadalasan yung mga boyfriends ko ang naghihintay para makasabay ako sa pagpasok tapos siya pinaghihintay lang ako. Bwisit. Ang sakit sakit na ng paa ko kakatayo dito hindi ba siya naawa sa'kin?

Mayamaya pa nakita ko siyang naglalakad papasok. Cool and cute with his uniform. Speaking of! Ang lakas talaga ng appeal lalaking 'to. Tatawagin ko ba siya? Aist. Ang panget naman kung ako ang unang tatawag. Haharangan sa dinadaan? Tss. Baka isipin niyang sinadya ko siyang abangan. Ayan na papalapit na siya.

"Diba kapag palaging pinagtatagpo ang dalawang tao.. Alam mo ba tawag doon?"

Pinutol niya ang iba kong sasabihin nang huminto siya at tinignan ako with a cute smile. Sinungaling itong si Aime sabi niya suplado si Nexuz hindi naman. Ang sweet nga ng smile niya sa'kin.

"Destiny?"

"Oo, tama destiny!"

"Hindi ako naniniwala do'n." Ginulo niya ang buhok ko saka nilampasan ako.

Hindi siya naniniwala sa destiny? Bakit? Wala sa sariling napahawak ako sa buhok ko. Pakiramdam ko lumilipad ako sa kalawakan. Totoo ba ito? Hinawakan niya ang buhok ko. Nakakakilig. Hindi ko ito susuklayin. Pumasok na ako sa first subject namin at doon pinagpatuloy ang pagpapantasya ko kay Nexuz. Ramdam na ramdam ko ang kamay niya sa ulo ko. Ang gaan non at ang lambot. Mukhang siniswerte ako ngayon. I can feel na hindi ko na kailangan maghirap. I can feel it!

"Hoy, babaita bakit ganyan ang buhok mo? Magsuklay ka nga!" Hinila ni Aime ang buhok ko palapit sa kanya tapos susuklayin na sana niya pero mabilis kong napigilan ang kamay niya.

Parang tanga ko siyang nilingon. "Wag mong suklayin hinawakan yan ni Nexuz ang buhok ko." lutang kong sabi dahilan para makatanggap ako ng isang malupit na batok sa kaibigan ko.

Denedma ko siya. Tumingin ako sa binta at pinagmasdan kung gaano kaganda ang langit. Hindi na ako nakikinig sa mga pagtatalak ng mga teacher ko.

"Kita mo na Tori hindi mo na kailangan ng gayuma or pagpapacute. Pagiging makapal ng mukha lang ang kailangan para maging close kayo." Sabi ni Aime habang naglalakad kami papunta sa next subject namin. Nang-aasar ba siya o ano?

"Ano bang gagawin ko para mapansin niya ako yung tipong pansin talaga." Sabi ko.

"Ipagsibak mo ng kahoy." Wala sa oras na napa-tingin ako kay Aime.

Seryoso ba siya sa sina-suggest niya? Hila ko ang dulo ng buhok niya.

"Oy Aime, babae ako hindi ko kayang magsibak ng kahoy saka billionaryo yun aanhin niya ang kahoy?" Parang tangang tumango siya.

"Oo nga 'no. Edi pag-igiban mo ng tubig." Naloloka ako sa babaing 'to. Yung mga ideya niya nakakaubos ng pasensya.

"Sira! Lahat ng taong nakatira sa syudad gripo na ang ginagamit." Naiirat kong sabi.

"Hmm.. magsulat ka ng love letter." Confidence niyang sabi. Shit! Sana nagkaroon man lang siya ng kunting kunti utak.

"Love letter? Uso pa ba yun? Text text lang and call, sila na. I-like lang ang picture sa facebook jowa mo na agad. Minsan nga fansign lang together na. Aime, Hindi lang ang karma ang digital pati ang panliligaw digital na rin hindi na old." I rolled my eyes.

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon