[OLS] 03-Plan Failed
Tori's POV
Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Shit! Ang sakit ng sintido ko. Nakakainis, kapag tinigil mo talaga ang pag-iinom yung katawan mo parang umaarte na. Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto. Maganda ito at organisadong organisado ang mga gamit halatang hindi pinapabayaan.
Omg! Hindi ko ito kwarto? Teka–??
Sumilay sa labi ko ang ngiting nakakaluko nang maalala ko kung nasaan ako. "Nasa bahay ako ni Nexuz."
Laking dismaya ko nang makitang hindi man lang ako nakahubad.
"Bakla ba siya? Palay na nga yung lumalapit sa manok hindi pa niya sinunggaban! Hindi man lang niya ako hinubaran man lang?" Naiinis kong sabi sa sarili ko.
Asar! Bwisitin ko kaya ang baliw na yun.
Dali dali kong hinubad ang damit ko except sa underwear ko. Ginulo ko ang buhok ko at binalot ang buo kong katawan sa makapal na kumot. Paika-ika akong lumabas ng kwarto. Nahagip agad ng mapanuri kong mata si Nexuz. Nandoon siya sa kitchen at nagluluto. Pinagmasdan ko ng mabuti ang bawat ginagawa niya. Wala sa sariling napayakap ako don sa may pintuan.
"Wow, ang gwapo niya parin kahit nasa bahay lang.." Bulong ko sa sarili.
Siguro kapag siya ang palaging nakikita ko tuwing umaga gaganahan talaga ako.
Sinampal ko ang sarili ko. Tori next time mo na lang siyang pagpantasyahan gawin mo muna ang dapat mong gawin. Tumango tango ako. Kinundisyon ko yung sarili ko bago lumabas ng kwarto.
"WAAAAH!" sigaw ko dahilan para tignan niya ako with a blank expression. "WALANGHIYA KA! AKALA KO MABAIT KA? AKALA KO IBA KA SA MGA LALAKING NAKIKILALA KO YUN PALA PARE-PAREHO LANG ANG LIKAW NG BITUKA NIYO! WAAAAH!! PINAGSAMANTALAHAN MO ANG KAHINAAN KO! ANG PAGKABABAE KO! ANG SAMA MO! GINALAW MO KO NEXUZ! BAKIT MO GINAWA SAKIN YUN! HUHUHU WAAAAAAH! ANO PA ANG MUKHANG IHAHARAP KO? PANAGUTAN MO KO!!"
He just stare at me. Wala siyang reaksyon ni hindi mo makitaan na nagpapanic o ano pa man. Parang gusto ko tuloy mahiya sa ginawa ko. Naiilang ako sa mga titig niya.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Yun na yun?"
"Ha?" Maang na sabi ko.
"Sabi ko yun na lahat ng acting mo? Next time galingan mo naman. Isuot mo na yung damit na hinubad mo at ayusin mo yang mukha mo para kang maligno!" He scold me.
Tinalikuran niya ako tapos cheneck yung niluluto niya.
Kailan ba bubuka ang lupa para magpakain na lang ako. O di kaya ilibing niyo na lang ako ng buhay.
Tumakbo ako papasok ulit sa kwarto at doon nagwala. Binaon ko ang mukha ko sa unan at kinagat ito sa sobrang gigil ko.
"Nakakahiya ka Tori!" Paulit ulit kong sabi sabay nangingisay.
Minuto din ang tinagal ko bago ko isuot ang damit ko. Lumabas ako sa kwarto niya at parang batang nakayuko habang papalapit sa kanya. Feeling ko nakanguso ako sa mga oras na yon.
"Uwi na ako." Nahihiyang sabi ko.
"Ngayon pahiya ka?" Masungit niyang sabi.
Kailangan talaga ipamukha?
Hindi ko siya sinagot.
"Tss! Kumain ka muna. Nagluto ako ng supas para sa hang over." Sabi niya. Nakita ko siyang kumuha ng tissue. Nagulat ako nang inangat niya ang mukha ko. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nandito na yung chance para halikan ko siya pero hindi ko magawa. Sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko. Amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya.
BINABASA MO ANG
OPERATION: Landiin Siya! [on-going]
Romans"I don't believe that love comes to those who wait. Because today love comes to those who flirt." Sincerly yours, Tori