Operation Landiin Siya 11

22 3 1
                                    

"Hoy Tori saan ka ba kagabe? Bigla ka nalang nawala sa bar." pag uusisa ni Aime. Katulad niya hindi ako nakafucos sa discussion ng teacher namin dahil sa sinabi ni Nexuz kagabe.

"Did I kill someone Aime?" Bangag na bangag akong tumingin sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nakakunot noo at Naguguluhang tanong niya pero nanatili parin ang mahina at mahinahon niyang tanong niya.

Baka mamaya marinig at mapansin kami ng teacher namin lagot kami terror pa naman itong si Ma'am Liwayway.

"Si Nexuz kasi.." I snap, "Nevermind. Kasi si Nexuz..."

Ikwenento ko sa kanya ang nangyari kagabi at kagaya ng reaksyon ng normal na kaibigan galit na galit siya sa ginawa ng lalaking yun kulang na nga lang lumabas siya ng room at sugurin si Nexuz. Hindi ko maintindihan kung saan niya nakuha ang idea na mamatay tao ako.

After her discussion nagbilin muna siya sa dapat pag-aralan dahil sa susunod na meeting magkakaroon kami ng long quiz. Pagkatapos nagpadismiss na si Ma'am Liwayliway. Tahimik kaming dalawa ni Aime na naglakad palabas ng classroom. Lutang lutang ang utak ko sa kakaisip sa sinabi ni Nexuz.

"Saglit lang Bes CR lang ako kanina pa ako naiihi. Hintayin mo ko dito tapos diretso na tayo sa canteen."

Tumango lang ako kay Aime kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

Saan na ba lumilipad ang utak ko? Ano bang nangyayari sakin? Bakit ang tamlay tamlay ko? Hindi ka naman pumatay Tori bakit apektado ka? Pwede ba tigilan mo na ito! Alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. Iniinis ka lang niya. Gusto ka lang niya magalit! Tama, ginagalit niya lang ako! Dahil ni minsan wala akong ginawa na kahit anong kasalan bukod sa paglalandi at pag aagaw ng jowa ng iba.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hindi ko napansin na nakabunggo na ako sa isang matigas na bagay. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko. Hindi pala bagay kundi tao at hindi lang basta tao kundi Adonis este si Nexuz.

"Tori..." mahinang sambit niya sa pangalan ko.

Tinitigan ko siya nang maigi. No wonder ang daming nagkakagusto sayo dito sa campus dahil sobrang gwapo mo pero ang sama ng ugali mo.

Bakit ganon kahit denededma mo ko, kahit nakasimangot ka nagagawa mo paring makuha ang atensyon ko. Your eyes, your nose, your lips, your.. WTF!!

Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Nangangatog ang tuhod ko kasabay ang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarerahan sa bilis. Butil butil na pawis ang namuo sa noo ko. It can't be happening!

May kahawig siya! Hindi ako pweding magkamali! Tama yung.. Yung lalaki sa picture doon sa rest house nila... Wag mong sabihin.. No hindi pwedeng mangyari yun!

Nataranta ako tumakbo ako nang mabilis palayo hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko. Bakit ang tanga mo? Bakit hindi mo na kaagad napansin na may kahawig siya? Bakit hindi mo siya nakilala sa picture doon sa rest house? Bakit Tori?!! Ganon na ba katagal para hindi ko na maalala ang mukha ni Daniel. Ikaw ba ang tinutukoy ni Nexuz na pinatay ko? Bakit patay kana ba? Kaya ba hindi kana nagpakita sakin dahil patay kana ganon ba yun?!! Ano bang nangyari sayo Daniel?

"HAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!" Sumigaw ako nang malakas mixed emotion na ang naffeel ko ngayon. Bumalik lahat ng sakit at pangungulila ko sa lalaking yun. Nandito ako sa dulo ng eskwelahan na ito kung saan walang taong dumadaan o pumupunta.

Paulit-ulit kong sinusuntok ang dibdib ko dahil naninikip at hindi ako makahinga.

"DANIEL!!" i scream like hell Wala along pakialam kung mamaos ako. "Please.."

Si Daniel ang kababa ko madalas kaming magkausap, magkasama at magkalaro noon dahil iisang subdivision lang ang tinitirhan namin. Hindi lang kaibigan ang tingin ko kay Daniel noon kundi higit pa sa kaibigan. Oo, mahal ko siya kahit 12 years old palang kami noon alam ko na mahal ko siya. Masaya ako kapag kasama ko siya feeling ko nga mag boyfriend/girlfriend Kami kasi lagi siyang nakabuntot sakin. Kapag may mga babaing nagpapansin sa kanya sa school ako ang hinaharap niya at pinapakilala na kasintahan niya. Syempre kinikilig ako sino bang hindi diba?

Siya lang tanging kakampi ko at karamay ko nung panahon na nawala ang Mommy ko at ang panahon kung saan lagi akong inaapi ng madrasta at step sister ko. Lagi niya akong pinagtatangol sa mga bruhang yun kahit 12 years old palang siya hindi niya ako pinabayaan. Hindi lingid sa kaalaman niya na sinaksaktan ako ng mga gagang yun kapag wala si Daddy hindi ako makapagsumbong sa mga pinaggagawa nila sakin dahil alam kong sila ang kakampihan ni Daddy. Minsan nang magsumbong ako na sinampal at sinabunutan ako ni Carla ako pa ang lumabas na sinungaling. Pinalabas kasi ni Carla at ang bruha niyang nanay na ako ang naunang nanakit sa kanya.

Kaya naman nang malaman kong aalis na sila ng Pilipinas sobrang nalungkot ako hindi ko siya kinausap dahil nasasaktan ako. Iisipin ko nga lang na wala na siya at hindi ko na makikita nadudurog ang puso ko.

At isa pa sa ikinagagalit ko noon sa kanya yung sinabi ni Carla na siya ang gusto nito at hindi ako. Ginagamit lang daw ako ni Daniel para mas lalong mapalapit sa kanya. At Halos gumuho ang mundo ko ng may pinakita si Carla sakin na naghahalikan sila ni Daniel sa garden ng bahay namin. Walang gabi na hindi ako umiyak. Imagine 12 years old palang ako pero nabroken heart na ako. Diba nakakatawa? Parang lumalabas kasi na inaagaw niya sakin si Daniel dahil alam niyang gustong gusto ko si Daniel. Simula noon sinabi ko sa sarili ko hindi na ako papaapi sa kanila.

To be continue..

A/N: sorry for the late UD na busy si Author Hope you understand saka medyo short lang yung story ko na ito bawi ako sa next chapter salamat po. Labyouuuuuu all.

IG: @dshyraxx (thank you)

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon