[OLS] 04 - Ice Cream Date?

66 6 5
                                    

[OLS] 04 - Ice Cream Date?

Tori's POV

"What favor do you want?" Pagtatanong niya nang makarating kami sa Ice Cream Shop. Hinayaan ko lang siyang dalhin niya ako dito.Wala din naman ako sa mood makipagharotan sa kanya eh.

"Ube." Tipid kong sabi sabay umupo doon sa gilid ng bintana.

"Okay."

Sinundan ko siya ng tingin habang nag-oorder sa counter. Ano kaya balak ng pagyaya niya sakin? Malamang Tori boring lang siya kaya ka niya dinala dito. Ano bang ini-expect mo?

After a minute dala na niya yung dalawang cup ng Ice Cream. Binigay niya yung Ube sakin. Tinignan ko lang muna yun habang siya nagsisimula ng kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Ayaw ko din naman na kumibo.

"Ang tahimik mo." Sabi niya.

"May iniisip lang." Boring Kong sagot.

"Pwede bang malaman kung ano yang iniisip mo?"

ano bang sasabihin ko sa kanya? kailan pa ba siya naging interesado sa iniisip ko? naguguhan ako sa mga kinikos niya. Tori, magisip ka.

"Hmm, alam mo ba yung kantang may linyang iingatan ko ang puso mo?"

"Akin ka na lang." wala sa sariling sabi niya sabay subo ng ice cream.

ngumiti ako ng tudo. umangat siya ng tingin at clueless na tumingin sakin.

"Why are you smiling?"

"Hindi mo pa nga ako nililigawan inaangkin mo na agad ako."

Mukhang hindi pa niya napick up yung sinabi ko loading ang baliw tapos mayamaya inismiran ako. Kumunot ang noo ko. ang sungit talaga! hindi ba siya kinilig doon sa banat ko. sipain ko 'to eh!

"Anong balak mo sakin?" Interesado kong tanong sa kanya.

Napa-angat siya nang tingin tapos sumalubong ang dalawa niyang kilay, "Ano naman balak ko sayo?"

"Abnoy! Bakit mo binalik ang tanong? Ako nga itong nagtatanong diba?"

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Tumigil siya sa pagkain.

"Bakit mo ko niyayang kumain na mag-ice cream?"

"Big deal ba yun sayo?" He rolled his eyes. He sigh. "Okay. Walang malisya ang pagyaya ko sayo dito. Gusto ko lang kumain ng ice cream. Nakita kita kaya sinama kita, okay kana?"

Sumimangot ako. Pahiya ulit. As if naman gusto ka talaga niya. Sinumulan ko na ang pagkain. Sunod sunod ang pagsubo ko ng Ice Cream. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko nung susubo na ako. Napaangat ako ng tingin.

"Bakit?"

"Dahan dahan lang. Magkaka-mind freez ka niyan."

"Concern ka?"

"Oo masama?" He resume eating na parang wala siyang sinabi.

OMG! Concern siya sakin? Waaah!! Gusto Kong gumulong sa kilig. Ibig ba nitong sabihin may lihim na siyang pagtingin sakin? Wala sa oras na napakagat ako ng labi. Binigyan ko siya ng nakakaakit na tingin.

"Dont give me that seductive look, Miss." Seryoso niyang sabi.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya na parang tinutukso pa siya lalo. I saw his face turn into red. Naaapektuhan ba siya sakin? Good news ito.

"Why? Nase-seduce na ba kita? Apektado kana ba presence ko, Nexuz?" Mas pinalandi ko pa ang boses ko.

Tinulak niya ang noo ko gamit ang isang daliri niya. "Lumayo ka nga! Napakabulgar mong babae! Hindi ka ba kinikilabotan diyan sa sinasabi mo? Ganyan ba ang nature mo simula pa noon ang manglandi ng lalaki?"

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon