[OLS] -06 Date?

43 5 1
                                    

Tori's POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tanging kulay puti ang nakikita ko sa buong paligid. Pati suot kong damit kulay puti. Bigla akong naalarma kaya naman napaupo ako.

"Nasaan ako? Patay na ba ako?" Pagtatanong ko sa aking sarili.

"Hey relax hindi pa gaanong magaling ang mga sugat ng katawan mo. Sabi ng Doctor hindi ka naman daw napuruhan mabuti nalang at hindi mabilis ang pagpapatakbo ko ng kotse. Bakit ka ba nasa gitna ng daan tumatakbo? Magpapakamatay ka ba? Nababaliw kana ba?" mahabang paliwanag ng nasa gilid ko.

Paglingon ko isang Mala-Anghel ang nakita ko at walang iba kundi si Nexuz. Teka siya ang nakabunggo sakin? Tadhana.. Oh tadhana..Pero hindi siya parin ang reason kung bakit ako nandito.

"So what kung sa gitna ako tumatakbo pakialam mo? Saka kasalanan mo ang lahat!" pagtataray ko sabay inirapan siya.

"Wow! kasalanan ko pang nabunggo kita ah! Kung hindi ka sana tumatakbo sa gitna ng kasalda hindi kita masasagasaan!"

"Kung hindi ka sana tanga hindi mo ako masasagasaan!"

I heard him hissed. "Ibang klase ka."

"Talaga?!"

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at tumalukbong ng kumot. Panay ang bulong ko sa sarili ko. Minumura ko na nga siya sa isip ko eh.

"Kaiinis! Humanda ka talaga sakin gagantihan kita hindi pweding hindi ako makakaganti sayo! Loko ka!"

Namula ang pisngi ko ng may naramdaman akong sumusundot sa tagilaran ko. Wtf?! Anong trip ng ulol na ito? Kakaloka baka iba masundot mo diyan.

"Oy.. Oy.. Oy.." Panay parin ang sundot niya. "Oy!"

Inis na inis kong tinanggal ang kumot sa buo kong katawan sabay umupo ng tuwid. Hinarap ko siya kasabay non ang pagtaas ng kilay ko.

"ANO BA?! PAGPAPAANO KA BA?!" Sigaw ko.

He blush. "Gaga!"

"Bakit panay ang sundot mo sakin?"

"Sorry." Sinabi niya yan ng punong puno ng sinseredad.

Sorry saan? Sorry dahil nabangga mo ko? Or Sorry dahil sa tinawag mo kong malandi?

"Sorry sa mga masasakit na salitang binitawan ko nung huli tayong magkita." Sabi niya habang nakayuko.

I feel his sincerity. OMG! Kinikilig ako.

"Sincere ka ba?" i ask that while pouting my lips.

"Yes."

"Sige nga kung sincere ka talaga i-date mo ko sa lugar na tayong dalawa lang."

Wait..? What? What Im saying?

"Jok--"

"Sure. Tayong dalawa lang." He smile at me. "Basta magpagaling ka muna."

Right now, I guess Im floating in the air. This is the best day of my life. Mukhang umiiba na ata ang takbo ng story ko. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito Nexuz gagawin ko ang lahat para magustohan mo ko. Para mahalin mo ko. Papatunayan ko sayo na worthy din akong maging girlfriend.

Ang gaga ko talaga ilusyunada pa. Girlfriend agad ang pumapasok sa utak ko.

Sabado 6AM.

Inagahan ko talagang magising actually 4 AM palang gising na ako. Sobrang excited ako sa two days date namin. Hindi nga ako nakatulog ng ilang gabi kakaisip sa pwedi naming gawing dalawa na magkasama. Hindi parin talaga nawawala ang karisma ko. Kagabi palang inihanda ko na ang mga gamit ko, excited nga diba?

Kinulot ko ang mahaba kong buhok. Naglagay ako ng make up at nagsuot ako ng seksing damit. Yung luluwa ang mga mata niya sa ganda ng katawan ko. Mayamaya pa nagvibrate ang phone ko pagtingin ko sa screen si Nexuz. Binasa ko ang text message niya. Papunta na daw siya.

OMYGOSH! Para akong natatae na naiihi sa sobrang kaba at excitement. Galingan mo Tori hindi kana dapat mafailed ngayon ito na ang chance mo para maakit ang lalaking napupusuan mo. Make sure na mapaibig mo siya sa loob ng dalawang araw. Imposible pero dapat magawa mo ng tama.

Ito na iyon!

Bakit kaya siya pumayag sa alok ko? Di kaya nakosensya siya at gusto lang bumawi? Anyway, ano pa man ang dahilan niya wala akong pakialam basta ang mahalaga sakin ay malandi ko siya.

Lumabas na ako ng condo at sa parking lot naghintay. Ilang minuto lang naman ang hinintay ko bago siya dumating.

To be continue..

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon