Operation Landiin Siya 08

25 2 0
                                    

Tori's Pov

Nagising ako sa ingay ng tao sa paligid ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nilibot sa buong kwarto ang paningin ko. Kung hindi ako nagkakamali nasa hospital ako. Teka sino ang nagdala sakin dito si Nexuz ba?

"Oh girl buti naman gising kana!" Si Aimee. "Alalang alala kami ni Zach sayo! Ano bang nangyari?"

Teka bakit sila nandito? Paano nila nalaman na nandito ako?

"Sabi ng nurse nalulunod ka daw? Bakit ka naman nasa pool Tori? Alam mo namang hindi ka marunong lumangoy eh! Atsaka ano bang ginagawa mo sa resort na yun? Sino bang pinuntahan mo doon ha Tori!" May halong sermon ang boses ni Zach habang hinahawakan ang kamay ko.

Pagkalipas ng ilang oras umuwi na din kami. Hindi ko gustong magtagal sa hospital. Habang nasa byahe kami hindi ko mapigilang maalala ang nangyari malinaw na sakin ang lahat hindi na kita kukulitin Nexuz pangako yan.

"Sa susunod Tori ayoko nang makitang lumalapit ka pa sa Nexuz na yan! Kapag nakita ko ang hayop na yun makakatikim siya sakin!" galit na galit na sabi ni Zach habang nasa daan parin ang tingin niya.

"True! Gwapo lang siya pero wala siya puso ng pagiging gentleman!" segunda naman ni Aimee.

Tanging tango lang ang naging tugon ko sa sinsabi nilang dalawa.

Nexuz POV

Pinagmasdan ko siyang lumubog sa pool kitang kita ko kung paano niya ako tignan parang humihingi siya ng tulong na ewan. Totoo kayang hindi siya marunong lumangoy? Lumayo muna ako ng kunti sa pool ilang minuto din ata ang hinintay ko bago ako tumalon sa pool para iangat siya. Kahit naman nakatayo ako kanina hindi ko parin mapigilan ang mag alala pero inuna ko yung sinasabi ng utak ko na baka magsisinungaling siya. Sino bang tao maniniwala na hindi siya marunong lumangoy? Pang aakit nga sa lalaki expert siya lumangoy pa kaya.

Shit!!

Pagkalapag ko sa kanya sa gilid ng pool dinikit ang tenga ko sa bandang ilong niya at shit hindi siya humihinga. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang pinapump yung dibdib niya saka binuka ko yung bibig niya para i-CPR siya pero kahit makailang ulit ko nang ginagawa hindi parin siya gumigising.

"Hey Tori wake up! Your scaring me right now! Common wake up!" pagsisigaw ko at mahinang pagsampal sa mukha niya baka sakaling magising siya. "Shit this is useless!"

Binuhat ko kaagad siya at dinala sa malapit na hospital. Kinuha ko rin ang Cellphone niya. Hinanap ko kung sino ang pwedeng itext para malaman nila ang nangyari kay Tori. Napakunot ako ng noo nang makita kong dalawang number lang ang nakaphonebook sa Contacts niya. Aimee at Zach? Ito yung mga kaibigan niya bakit walang Daddy or Mommy man lang dito? Teka, Importante pa ba yun Nexuz just text them!

Tinignan ko si Tori. Ang himbing ng tulog niya. "Para kang anghel kapag tulog parang ang bait bait mo yung tipong hindi ka makabasag ng pinggan pero ang totoo malandi kang babae. Tss! Im sorry for pushing you but im sorry Tori i cant even imagine myself na magkakagusto sayo. Hindi ko gusto lahat ng ginagawa mo. Hindi ko type yang paglalagay ng make up mo napakakapal tapos sobrang pula pa yang labi mo. Yang pananamit mo hindi ko talaga kayang sikmurain kulang nalang ata maghubad ka. At yang pagiging malapit mo sa mga lalaki nakakabwisit yun alam mo ba? Para kang pokpok! Nakakadiri! Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ka niya nagustuhan.. Kung bakit ikaw pa Tori.. Ano bang meron sayo?"

Napatingin ako sa labi niya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala yung paulit ulit na pagdampi ng labi ko sa labi niya. Ang lambot nun at parang hindi pa nahalikan ng kahit sino. Fuck Nexuz! Ano bang nangyayari sayo?

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon