[OLS] -05 Accidentally

37 4 2
                                    

Tori's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang sinabihan ako ni Nexuz na malandi. Tuwing inaalala ko ang sinasabi niya hindi ko mapigilan na hindi umiyak. Oo, umiyak ako. Dalawang gabi na akong umiiyak dahil sa sinabi niya. True naman na malandi akong babae pero bakit hindi pa ako nasanay? Eh halos lahat ng tao iyon ang sinasabi sakin. Pero kapag siya ang nagsasalita ang sakit sakit.

"Tori okay ka lang ba?" Untag na tanong sakin ni Aime.

"Im fine." Walang gana kong sagot sabay hithit ng sigarilyo.

"Alam mo, if I were you stop kana. Tantanan mo na yang si Nexuz mukhang hindi maganda ang nangyayari sayo. Look at yourself now, ang tamlay tamlay mo tapos pumayat kapa. Stop na girl." Mahabang sabi niya.

Tumingin ako ng diretso sa mata niya. "No! Tara!"

Hinila ko siya palabas ng tinatambayan namin kung saan pwede kang uminom at magyosi.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Pupun--" natigilan ako sa pagsasalita nang may biglang humarang sa dinadaanan namin. Tumaas ang kilay ko. "What now?!"

"Anak." Mahinang sabi ni papa.

"Ah, Tori hihintayin nalang kita doon sa kanto." pagpapaalam ni Aime bago kumawala sa pagkakahawak ko kanina. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"What?" Galit na tanong ko.

"Can I talk to you?"

"Why?"

"Please."

"No!"

"Please anak. Tayong dalawa nalang ang natitira. Wala na ang Mommy mo. Ikaw nalang ang meron ako." mangiyak iyak na sabi niya.

Doon sa sinabi niya mas lalong nabuhay ang galit na nabuo sa dibdib ko.

"REALLY?! SANA INISIP MO YAN BAGO AKO PINALAYAS NG KABIT MO AT NI CARLA! BAKIT NUNG PINGTATABUYAN NILA AKO MAY NAGAWA KA BA? DIBA WALA?! ALAM MO DAD, HINDI MO NA AKO KAILANGAN SILA, SILA ANG KAILANGAN MO AT HINDI AKO!" umiiyak na sigaw ko sa kanya.

Tinignan ko muna siya ng masama bago ako tuluyang tumakbo palayo sa kanya. Nanrinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa. Tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko nakalimutan ko na nga si Aime sa sobrang bilis ng pagtakbo ko. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Ang gusto ko lang makaalis at mapag-isa. Habang tumatakbo ako hindi ko mapigilang maalala ang nangyari bago ako pinalayas ng bahay. Mismong bahay ko pa.

"What the hell Tori?! Ano bang ginawa namin sayo ni Carla para saktan mo kamk ng ganito? Sobra kana! Porket wala dito ang papa mo ginaganyan mo na kami!" Malakas na hiyaw ni Tita Almira.

Pagpasok na pagpasok ko ng bahay galing sa eskwela ito agad ang eksenang nadatnan ko. Nakaupo silang mag-ina sa sahig at umiiyak. Nakita ko ang galos, sugat at pasa sa mga katawan nila. Kinabahan ako. Ang daming tanong na bumabagabag saakin. Bakit may mga sugat sila? Anong nangyayari dito? Ano namang drama ito?

"Tita ano bang pinagsasabi niyo? Hindi ko naman kayo sinasaktan in fact ako ang sinasaktan niyo!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Sinungaling ka! Kitang kita nang dalawa kong mata kung paano mo sinampal si Mommy kahapon! Ano bang problema mo saamin Tori?" galit na umiiyak si Carla habang sinasabi yun.

"Sinampal? Si Tita Almira sinampal ko kagabe? Sa pagkakatanda ko ang sinampal niya. Anong pinagsasabi niyo?"

"Tama na ang pagsisinungaling mo Tori!"

Doon sa boses na nagsalita natigilan ako. Pagtingin ko sa may kitchen nandoon si Daddy. Nakabalik na siya. Kailan pa? Galit na galit ang mukha at parang nais niya akong saktan. First time kong kabahan at matakot sa mukha ng tatay ko ibang iba ito sa maamo at malaming niyang mukha. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya ako kayang paniwalaan.

"Dad.." Umiyak na ako.

"Pinalaki ka ba namin ng Mommy mo nang ganyan? Ganito pala ang nagyayari tuwing wala ako sinasaktan mo sila?! Kung hindi pa ako umuwi hindi ko madadatnan ang Tita mo at si Carla na puro galos at pasa!"

"Pero Dad hindi po a--"

"Enough with the lie Tori!" Tumayo si Tita Almira tapos pinuntahan si Papa. Yumakap siya dito. "Mabuti pa honey, turuan mo ng leksyon ang batang yan. Palayasin mo siya dito baka kung ano pa gawin niya saamin sa susunod."

Palayin? No! Hindi si Daddy papayag sa gusto niyong mangyari.

"Mas mabuti pang doon ka na lang sa Condo tumira Tori." Maowtoridad na sabi ni Daddy.

Halos pagsakluban ako ng langit at lupa sa sinabi ni Daddy nang araw na yun. Ako ang anak niya ako dapat ang pinaniniwalaan niya. Ang sakit lang isipin na naniwala siya sa kasinungalingan ng dalawa. Masyado siyang nabulag sa pagmamahal niya sa Almira na yun. Simula nang itinira niya ang mag ina na yon hindi na tahimik ang buhay ko. Tuwing umaalis si Daddy para business trip niya kung alam niya lang sana na ako ang madalas pagbuhatan ng kamay ni Almira. Ako ang madalas sinasaktan. Ako ang pinapagawa ng gawing bahay. Daig ko pa nga si Cinderella eh. Hindi ko maisumbong sumbong sa kanya dahil ayokong sirain ang kaligayahan niya dahil nakikita ko kung gaano niya kamahal si Almira. Hindi ko nga kwenisyon ang pagkakaroon niya ng girlfriend at ang pagpapatira niya sa dalawa sa bahay tapos ako pa ang lumabas na masama. Ako pa yung hindi niya pinaniwalaan. Anak niya ako, dapat kilala niya kung anong ugali meron ako. Pero hindi, iba ang nangyari.

Simula noon nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magpapaapi sa mag-inang yon! Sila ang dahilan kung bakit nanging ganito ako. Sila lang at wala nang iba. Kaya hindi niyo ako masisi kung galit na galit na galit ako sa kanilang tatlo.

"TORI!"

Narinig kong sigaw ni Aime sa likod ko hindi ko namalayan na sinundan niya pala ako. Pero ako lumingon sa kanya isang nakakabinging ingay ang bumalot sa paligid hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.

TO BE CONTINUE...

A/N: Pasensya na po sa sobrang tagal kong mag UD. Sana patuloy niyo pa po siyang suportahan. Salamat po.

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon