Operation Landiin Siya 10

33 3 5
                                    

ghelyne28 para sayo ang UD na ito! Thank you so much sa pag aabang ng story ko.

Operation Landiin Siya 10

Dahil ang lakas ng epekto ng alak sakin hinayaan ko lang siyang bitbitin ako sa kung saan. Pero sino siya?

Paano kung isa siyang rapist? Or magnanakaw? O di kaya mamatay tao?! Oh no! I don't care! I don't care at all! Matagal ng patapon ang buhay ko simula nung namatay ang Mommy ko. Ano pa ba ang paghihinayangan ko? Ganap at talamak sa school ang pagiging malandi ko ngayon pa ba ako mag iinarte? Kaya ako nagkaganito dahil sa Daddy ko na mas priority pa ang kabit niya kesa sa sarili niyang anak. Inaamin ko kulang na kulang ako sa gabay ng isang ama. Dapat siya yung nasa tabi ko nung nawala ang Mommy pero pinabayaan niya ako at mas inuna niya ang kabit niya.

Kung ang lalaking ito ay isang masamang nilalang wala ako pakialam baka nga pasasalamatan ko pa siya sa gagawin niya sakin.

Pero sana kung rapist ka dapat gwapo ka para hindi ako manghinayang. Gosh! Ano ba itong naiisip kong katangahan?!

Dinala niya ako sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung nasaang lumapalop na kami ng mundo nakarating. Dahan-dahan niya akong nilapag sa upuan ata tapos may kinuha siyang sa likod. Hindi ko masyadong maaninag kung nasaan kami ang dilim dilim ng buong paligid.

"Magbihis ka!" Authorisadong utos niya sakin sabay abot ng T-shirt ata ito.

Pilit kong inaanig ang bastos na pakialamerong lalaking ito pero hindi ko talaga siya makita. Yung amoy niya ang sarap sa ilong.

Ewan ko kung anong enerhiya ang nagtulak saking para hilahin ang kwelyo ng lalaking ito palapit sakin. Dumikit ang noo niya sa noo ko.

"Shit! I really like your scent!" wala sa loob na bulalas ko.

Hindi amoy yosi or alak ang amoy ng hininga niya. Kahit manirahan ako sa loob ng bunganga niya hindi ako magsasawa dahil sa bango ng hininga niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Epekto na ata ito ng sobrang pag inom ng alak.

"Ssssh!" dinikit niya ang noo niya sa noo ko. Amoy na amoy ko ang hininga niya, "Hindi mo dapat ginagawa ang kalaswaang yun sa harap ng ibang tao."

Biglang nawala ang kalasingan ko nang marinig ang boses niya. Hindi ako pweding magkamali si Nexuz yun. bakit siya nandito?

"Nex--!!"

Shit!

He kissed me. A mischievous kiss. Kahit medyo tipsy ako I feel his sincerity sa bawat halik niya.

"Teka!" I push him.

"Why?!"

"Why are you kissing me?"

"Because I want to. I want you. I badly want you.."

Nabigla ako sa pagyakap niya sakin. Hinigpitan niya pa lalo na para bang ayaw niya akong pakawalan. Bakit mo ito ginagawa? Your confusing me. If this is your way para mahulog ako sa kalokohan na ito please stop it Nexuz dahil kunting kunti nalang bibigay na ako.

"Don't do it again. Wag na wag mo nang gagawin yung ginawa mo kanina. Binabaliw mo ako parang gusto ko nang patayin ang mga lalaking nakatingin sayo. You win, nakuha mo na ako nang ganon kadali. I can't resist you.. Unang pagkikita palang natin you captivate my heart, my soul and my mind. Im so sorry for everything, Zia."

Nanlaki ako sa binanggit niyang pangalan. Zia? Sinong Zia? Tama, ba ako sa pagkakarinig Zia? Oo Zia nga ang sinabi niya. Parang binuhusan ako nang malamig na tubig sa kabiglaan. Pakiramdam ko unti unting hinahati ang puso ko sa mga sinsabi niya. Kaya ba ako dinala dito dahil akala niya ako si Zia? Sino bang Zia yan?!! Akala ko... Akala ko gusto na niya ako. Akala ko... Ang sakit! Sana may lalaking sasagip sakin sa kahihiyan ito.

Naramdaman ko ang pagtulo ng maiinit kong luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas nang loob para itulak siya palabas ng kotse niya. Lumabas ako sa kotse at kahit madilim ang buong paligid alam naming pareho na naaninag namin ang mukha ng isat isa dahil sa liwanag ng buwan.

I saw him clueless.

"Tori?" mangha niyang tanong.

"Yes! Tori Toledo the slut freak! Thanks to you Nexuz minulat mo ako sa katotohanang wala akong pag asa sayo! Salamat dahil sinaktan mo ako! Maraming maraming salamat! Simula ngayon, sa oras na ito hindi na kita guguluhin Nexuz itatak mo sa utak mo yan!" Sinampal ko siya ng malakas.

Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. Kahit nagpasuray suray ako sa paglalakad pinilit ko parin na huwag maduwal. Hindi pa man ako nakakalayo may kung anong malakas na pwersa ang humawak sa mga braso ko. Sa sobrang diin nito pakiramdam ko magsusugat ako sa pagkakabaon ng mga kuko niya sa balat ko. Hinarap niya ako sa kanya para makita ko siya na nakakunot ang noo at parang hindi alam ang sasabihin.

"Bitiwan mo ko!" pag pupumiglas ko.

"Saan ka pupunta?!" mariin niyang tanong.

"Pakialam mo ba?! Hindi naman kita tatay at lalong hindi kita jowa kaya wala kang right para tanungin ako kung saan ako pupunta!" Malakas na sabi ko.

You broke my heart idiot ka!

"Ihahatid na kita pauwi." mahinahon niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay at iniwaksi ang braso ko palayo sa kanya. I smirked at him.

"Fuck you! i don't need your fake concern! I don't need you anymore so fuck you!" hindi ko na alam kung ano ang pumasok sa utak ko nang sampalin ko siya ng sobrang lakas. "From now on, stay away from me and I stay away from you! Mark my word Nexuz sooner or later you'll regret this! I'll make sure you will chase me like crazy! You bastard!"

I was surprised when he laughed hard in front of my face then he grin at me like a devil.

"Don't dream too much Tori! Sisiguraduhin ko na hinding hindi kita magugustuhan bukod sa ubod ka ng landi mamatay tao ka din!"

After saying that he leave me. Nawala bigla ang kalasingan ko sa sinabi niya. What did he just say? Mamatay tao? Sira ulo ba siya? Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakapatay ng tao. Aminado akong malandi ako pero hindi ako mamatay tao.

To be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPERATION: Landiin Siya! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon