Journal Entry # 1

281 9 10
                                    

August 11, 2013
(11:18 AM)

Dear Journal,

     Good Morning!! Mehehe. Actually, kanina pa. Nagpopost na nga ako sa FB eh. Grabe. Ansaya ko na po today! :"> Kanina kasi, BADVIBES ako. Kalurkey itech. Simple sarcasm lang, 'di pa na-gets ng mga friends ko sa FB! (Mga engot kasi, aw hard! Suri na! -.-) Nakakairita lang kasi, paano ba naman kasi eh tinry ko kung gaano kabobo 'yung mga friends ko sa FB gamit nga 'yung sarcasm. Nag-upload ako ng picture ng lugaw at sinabing champorado 'yun, nag-upload ako ng picture ng champorado at sinabing lugaw 'yun. Andaming umaapila na kesyo, "Sure ka bang lugaw 'yan? O.o" Pwes, sa barangay po kayo magreklamo! Engot, isang malaking ENGOT! Bakit? May champorado bang lugaw? May lugaw bang champorado? Hayyst. Dalawa lang naka-intindi ng pagiging sarcastic ko, sila *tententententenenen! drumroolll* Ate Apryl Enriquez at Yuki Barlaan 'yun. (Congrats, kayo na lang ang natitirang nakakaintindi ng sarcasm sa mundo, *teary eyes effect*).

     Anyway, move on na tayo sa pisting sarcasm na 'yan. 'Dun naman tayo sa good vibes... 

     Alam mo 'yung gay crush ko na sinendan ko ng friend request ko sa FB? Pare, inaccept niya na! Sabi na eh, 'di niya ma-reresist 'yung CHARMS ko. Charot, joke lang. Hahaha! Ansarap pala 'nun, 'yung pagkagising mo sa umaga eh pangalan niya na agad sa CP mo 'yung bubungad sa'yo? Shet pare, ni-like niya 'yung mga pics saka status ko! Nag-post pa siya sa wall ko!! :"> ♥ (Kinilig naman pwet mo? xD) Grabe kaya, mukha akong engot na naglulupasay sa tuwa, parang naabutan ko na ang sukdulan, ang climax, parang nasa heaven na ako. (Char. 'Wag GM! Hahaha xDD) BTW, 4 na pics ko at 2 status update ko lang naman ang ni-like niya at isang post sa wall ko na may ♥! May ♥ talaga siya! Uwaaa! *u* Naisip ko tuloy... I think he's starting to like me... HASHTAG MEDYOMALANDI. Wahahhaha! Naisip ko kasi 'yung no. of likes niya sa pics ko is equivalent dito: I kinda like you.. At 'yung no. of likes niya sa status update ko is equivalent to: Vulnerable Dreamer. Paniis sa imagination at lakas ng pag-aassume! Wahahhaha! 

     Ansarap pala sa feeling na andaming nagmamahal sa'yo... Hahaha! Grabe, kagabi pa lang ramdam na ramdam ko na. SalaMuch kay *toot* *toot* for completing may day. :'> Hahahha! Si Kuya Kostas naman, napaka-caring dahil sa chat namin kagabi. ^_^ Si Renjie 'din. Kulit ka-chat. :>

*CONVERSATION*

KCT: Anong oras na gising ka pa

VD: Eh ayan tayo ih. Haha :D Pagbigyan mo na Kuya. Minsan lang eh. Haha

KCT: Basta wag masydong late

VD: Aww. Sige po Kuya.

- END -

     Oh 'di ba? Napaka-caring na Kuya. Mabait 'yan, sana kunin na ni Lord. (Dehjklng.^^) Anak ng Dept. Head sa TLE Dept. at maraming babaeng suitors 'yan. HAHA :D Gwapo daw siya... sabi ng mommy niya. Andami talagang sinungaling sa mundo eh no? Dapat kasi sinasabi agad ang katotohanan sa bata nang 'di umaasa. Ayan. Nag-fefeeling nanaman siya... Mga paasa talaga eh no?

     Joke. Gwapo talaga 'yan si Kuya Kostas. (kasi wala akong Kuyang pangit. :D) Sa tropa naming SaEraKaLy, ako lang ang 'di nagka-crush sa kanya. Kayyy... (Ikaw na, ikaw na.) Hahaha! Crush 'din siya 'nung ibang babae sa ibang section. (Eh wala eh. Kuya Kostas 'yan ihh.) Kulang na lang eh gumawa na sila ng Fans Club para sa kanya. Tssk.

     Anyway, 'yung kay Renj naman, nag-chat nga kami, ayun nga, madugong Englishan pare. (Awtsuu. Kelan kaya 'to mag-tatagalog? O.o) Hmmn, anyway Norway, nagpatulong lang siya sa SD card niya na 'di ma-read. Ikaw Journal, alam mo ba kung bakit? Tulungan mo naman oh? Hahah! Joke. Baka ibalibag kita sa sobrang takot ko sa'yo.

Journal ni Dreamer <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon