Journal Entry # 5

49 3 0
                                    

September 30, 2013

(8:48 PM)

Journ-Journ,

     Hi Journ! Alam mo na naman 'yung linya ko 'di ba? Na "Sorry antagal kong 'di nakapagsulat sa'yo, alam mo naman kapag gwapo 'di ba?" Oo na! Totoo naman kasi eh. Na ang gwapo ko. Pero kung kasalanan man 'yun, o 'edi SORI POOOO~ *Chichay voice*

     So eto na nga. September 16-17, may seminar / workshop kami as CAMPUS JOURNALISTS. Bali excused kami sa klase ng 2 days para 'dun sa seminar na 'yun. Naku talaga! Ang swerte ko eh. 'Di ko pa kasi napapasa 'yung embroidery stitches ko sa TLE eh saka hindi ko 'rin siya makikita, yiiiiis! :D Hashtag MedyoBadGirl. Charot. Haha!

     So ayun na nga, excused kami ng 2 days sa klase. Sa Dalandanan National HighSchool gaganapin 'yung seminar namin. Kabado ako 'nun kahit seminar lang 'yun. Siyempre, FIRST TIME ko 'yun eh... basta 'di ko ma-gets nararamdaman ko! Mixed emotions daw tawag nila 'dun? Uhh.. ewan... pwede... siguro! Alam mo 'yung feeling na parang bumabalistad 'yung intestines mo 'tas 'yung kidney saka liver mo buma-backflip? Gumaganern? Kaloka, basta ang alam ko, excited ako na kinakabahan na ewan. :)

     Siyempre, dahil may SEMINAR at kailangan mong PUMUNTA sa pagdadausan ng event, siyempre kailangan mo ng SASAKYAN. Ineexpect ko pa naman na limousine 'yung gagamitin namin kasi andami namin! Nag-head count ako at 18 kaming lahat. Kasama na ata pati school paper advisers 'dun sa head count kong 'yun. (Malay ko ba! @_@) At dahil nga sangkaterba kami, nag-antay talaga ako ng limousine. Nag-antay ako ng ilang minuto, wala pa 'rin. Sabi ko sa sarili ko...

"Baka grabe naman 'yung ineexpect ko. Limousine agad? Baka van, meron."

Pero wala pa 'rin. Nag-antay uli ako ng ilang minuto.

"Baka van? Grabe naman yata ako mag-expect... mga L300 siguro... kakasya naman ata kami 'dun..."

Parr! Wala pa 'rin! Ano ba?! Dreamer, sabi nga sa isang t-shirt, NEVER GIVE UP. 

"Uhh... baka na-traffic lang..."  

Sabi ko na lang sa sarili ko.. Ayokong mawalan ng pag-asa. Sabi nga sa isang kanta, DON'T STOP BELIEVING! Antay pa tayo ng ilang minuto pare... Umasa ka Dreamer. :D

"Tae. Mukhang magta-tricycle ata kami papuntang Dalandanan ah. :("

Eh wala talaga eh. Sabi ko sa'yo Dreamer eh! 'Wag nang umasa kasi masasaktan ka lang.

"Mga bata, tara na. Aalis na tayo."  bungad sa amin ng school paper adviser namin sa English.

"Ma'am, asan po 'yung Limousine po?"  tanong ko.

"Wala, mag-cocommute tayo." sagot ni Ma'am.

So, ansaya lang 'diba? Sabi nang 'wag mag-eexpect eh. Anak ng buchikek. -_-

     So ayun na nga. Nag-commute kami papuntang Dalandanan. Nag-jeep kami 'tas sumakay uli ng jeep 'tas umakyat sa overpass saka naglakad uli. Fishtea. Pulubi ba school namin para 'di kami magkaroon ng sarili naming L300? Tae parr. Habang naglalakad kami papasok sa gate, 'yung ibang schools pa-easy easy lang! Bakit? Kasi may van sila. -_- Mukha talaga kaming pulubi waaaaah! :( Pero 'di bale nang pulubi atleast magaling, 'di ba? Sipain ko kidney ng pumalag. :P

     Napansin ko 'yung school; parang nakita ko na 'to dati eh. Oo! Nakita ko na 'to! Yiis, eto 'yung nasa notebook namin na binigay ni *toot*! -_- Infairness, nag-improve 'yung quality ng papel. Dati gusgusin, ngayon, smooth na! Manipis na 'yung papel 'di gaya dati, makapal. 'Yung string dati, napaka-pangit kasi manipis, ngayon, gumanda na kasi kumapal na. Pero may mas kakapal pa 'dun eh. 'Yung mga mukha 'nung nasa notebook. -_- Anak ng buchikek, para tuloy pinapamukha sa amin na "Oy! Alam niyo na sa eleksyon ha? Andaming notebook na binigay namin sa inyo... Matik na!". Napakahumble po talaga nila. Tae. -_-

Journal ni Dreamer <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon