Journal Entry # 9 - # 15

31 1 0
                                    

Journal Entry # 9

November 17, 2013

Sunday

Tae Journal, 'di ko talaga kinaya 'yung biyahe kanina sa Tanay, Rizal. Parang bituka ng manok  'yung dinaanan namin sa dami ng paliko-liko! Speaking of bituka, halos mailabas ko na lahat ng internal organs ko sa kasusuka kanina! Yuck SARS talaga! Ayoko na tuloy sumama sa mga 'ganung klaseng biyahe. Dafaq!

Kumakalabubag ang tiyan,

Vulnerable Dreamer

PS. Naturn-off sakin 'yung gwapo kong katabi kanina sa kasusuka ko. @z@r!

PPS. Inasar pa ako ng hayup na 'yun na gumagawa raw ako ng sarili kong branch ng lugawan sa dami ng sinuka ko! @z@r

PPPS. NAGSUKA 'DIN SIYA SA HULI. MWAHAHAHA >:) It's payback time boy! :D

-----

Journal Entry # 10

November 18, 2013

Monday

Hi Journal. Guess what? 'Di ako pumasok. LOL. Pano ba naman kasi eh may hang-over pa ako sa nangyari kahapon. Besides, wala pa akong tulog simula kahapon! 5 AM to 8 AM ako gising no! Bangag na nga ako eh. Mamaya, aalis pa uli kasi uuwi na si Papa. Malamang mag-mamall nanaman kami at ipagpipilitan nila 'yang fishteang dress na 'yan -_-

Walking dead,

Vulnerable Dreamer

PS. May uwi si Papa na iPhone 5c, iPhone 4s, 2 Samsung Galaxy Tab at 5 bag ng chocolates! :D

PPS. Hindi para sakin lahat ng 'yun. @z@r!!

PPPS. Meron palang mapupunta sa akin. Isang toblerone, 'yun lang. Double @z@R!!

-----

Journal Entry # 11

November 19, 2013

Tuesday

KINANG MO JOURNAL!

Bad vibes, anak ng tinapa naman oo! Bakit nila sa akin sinisisi lahat na ako 'yung nakawala ng RECORD sa Filipino?! Tupang ama, 'di pa nga ako nakakapag-record 'dun 'tas ako pa nasisi. 'Nung 2nd Grading, ako na sinisi nila na ako nakawala, FINE. Napasubo ako. Gumawa na lang ako ng panibagong record para kay Ma'am. NAKAKAHIYA naman kasi eh, ako sinisisi kahit si *toot* naman talaga 'yung nakawala. Oo, si *toot*! 'Yang fishteang *toot* na 'yan! Nakaka-*toot*, *toot* at *toot* talaga 'yan! Nako talaga, 'di ko na i-totolerate 'yan. Bahala na kung magkaroon lahat ng leaders ng -5 sa card, ginusto nila 'yan eh! @z@@@@@R!!

Nanggagalaiti,

Vulnerable Dreamer

PS. May bago akong Heartstrings na bag, bigay ni Papa! Y3h3y! 

-----

Journal Entry # 12

November 20, 2013

Wednesday

Oh kita mo na Journal! Nasa kanila naman pala 'yung record 'tas ako pa sinisisi! Wala 'pang nagsorry sa akin na mali 'yung pinagbintangan nila! MGA SPED! @z@r!

Nanggagalaiti Part II,

Vulnerable Dreamer

-----

Journal Entry # 13

November 21, 2013

Thursday

Hi Journal! Kami 'yung highest sa English Project namin, 'yung Interview? 95% 'yung grupo ko 'dun. May 20 GS (Group Stamp) saka 18 RS (Recitation Stamp) kami! Y3h3y! Nakaganti na 'din ako sa ibang leader, ang baba nila eh. MWAHAHAH >:3

With LOVE (Huehuehue),

Vulnerable Dreamer

-----

Journal Entry # 14

November 22, 2013

Friday

Grr Journal! Nakakainis naman, lagi na lang akong kinukuhanan ng stolen shot ni Ivan! Okay sana kung pogi ako 'dun eh, kaso puro epic eh! Ang masaklap 'dun, pinagtatawanan na nga nila, ibubluetooth pa sa ibang kaklase! Muntik nang kumalat sa ibang section 'yun! Huhubels, HU U ka sakin hangga't 'di ka nagsosorry sa akin. @z@r!! >:(

Nagdadalamhati,

Vulnerable Dreamer

PS. Happy Birthday nga pala Kaori! Pakain ka naman. :3

-----

Journal Entry # 15

November 23, 2013

Saturday

Hi Journ-journ! Pumunta nga pala kami sa San Carlos Seminary para sa Retreat 'nung kapatid ko. (Sana nga umepekto eh. :x) Grabe Journal, andun si Sir Matt! 'Yung teacher namin sa Values Ed! Grabe, magkaklase pala 'yung anak niya saka 'yung kapatid ko. Waaaaah grabe! Nilapitan niya ako 'tas kinalabit. Kinamusta niya lang ako. Akala ko tatanungin niya ako kung bakit wala akong homework sa Values, eh Values pa naman 'yun. Haaay, akala ko talaga. Muntik nako 'dun ah! :P

With LOVE,

Vulnerable Dreamer

Journal ni Dreamer <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon