Author's Note # 1

39 1 0
                                    

Hello sa mga mambabasa ko. Active ka man o ghost / silent reader.

I sincerely apologize for not updating this journal for too long. Huling update ko yata is December 14, 2013, 'tas anong petsa na. Nanganak na lang si Maya ng kambal, nanalo na si Lyca sa The Voice, nanalo na si Daniel Matsunaga sa PBB, 'di pa 'din ako nakakaupdate. Inaantay ko kasing magkaroon na ng pamilya 'yung kambal para makapag-update. 'Chos lang! xD

Seriously, bukod sa busy ako (na lagi kong dahilan), eh sa kasamaang palad, na-junkshop na pala ni Mama 'yung mga Journals na pinakaiingatan ko; bukod 'dun, wala pang binigay na pera sa akin! Aba lugi 'di ba? Writings ko 'yun, I wrote it with all my heart, my soul, my mind, my body, my strong principles in life because I am the queen of the universe. Nakalahad 'dun ang aking pagkatao, dignidad, moralidad, kalandian, katangahan, birtud, kabutihang panlahat, batas moral... Charot! MEMA lang eh no. (MEMAsabi lang xD)

'Yun nga. Saklap lang. Naka-3 notebook na ako 'nun eh. May plawers plawers pa. May glitters glitters saka hart hart pa 'yun. Andun 'din 'yung mga candy wrapper ng Fres na binigay ni Kras sakin. <3 (#MedyoMakire) Andun 'din 'yung resibo ng mga binili kong napkin sa Ever pati 'yung damong hinugot ko sa Luneta Park.

Nawalan 'din kasi ako ng gana mag-UD. Bukod sa mga silent reader kayo, wala. Silent reader talaga kayo. Nganga. 'Di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba 'tong laban na 'to; kukunin ko 'yung 3 Journals ko sa junkshop o hindi na; na hahayaan ko na lang 'yung mga gwapo kong Journals na humimlay sa putikan ng junkshop na 'yun.

'Yung comments / votes kasi 'yung nagiging feedback ng mga gawa naming mga authors. 'Dun namin nalalaman kung ayos ba sa mga readers namin 'yung mga pinupublish namin. At my case, wala. Wala lang talaga, boom panot.

Pero kahit na 'ganun, natuwa naman ako na may nagbabasa pa 'rin pala ng Journal ko kahit paano. Nagulat na lang ako 'nung tumabi siya sakin habang kumakain ako ng LuCess [LUnch / reCESS] ko. Ayun, nagkuwento siya tungkol sa nababasa niya dito sa Journal ko. Natuwa nga ako kasi mas alam niya pa 'yung mga pinaguupdate ko dito kesa sakin. Simula 'nun, nainspire uli akong magsulat; magupdate. Nalaman ko na kahit walang kwenta para sa iba 'yung mga gawa ko; may iba pa 'din palang nag-aantay sa update ko. Hindi man sila active reader na comment ng comment o vote ng vote eh masisindak ka na lang na sasabihan ka na "Uy, mag-update ka na. Kilala na kita, VD. Tang ina mo ka, school mate lang pala kita. 'Wag kang mag-alala, 'di ko ipagkakalat. :)" . Saya 'di ba. "Tang ina mo ka" daw ako. xD

So ayun lang. 'Di naman sa nagmamakaawa ako... pero please naman. Maging active reader ko naman kayo? Plith?

Updating soon,

Vulnerable Dreamer

[Bagong silang sa KPOP World]

Journal ni Dreamer &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon