September 13, 2013
(9:45 PM)
J,
Tagal kong 'di nagparamdam ano, J? Busy lang talaga. Wala eh, 'yan ang kaakibat ng pagiging gwapo. CHAROT haha! Ang dami kong gustong i-kwento sa'yo. Kaso nakalimutan ko na kaya 'di ko na 'to itutuloy. I-dedelete ko na itetch. Pero siyempre, joke lang 'yun. Hahahah :D
Saturday, Sept. 7 2013. Merong "PALARO SA FIESTA 2013", event ng PCY (Parish Commission on Youth) para sa Children's Choir sa COOP Gym. Under ng PCY 'yung Teatro Kabataan (Church Org. na kasali ako), so dahil nga 'dun, nag-partcipate kami sa event. Facilitators kami. Hahaha! Akala nga namin kasali kami sa palaro eh, hindi pala. :'( <//3 JOKE. Haha!
Ang saya, SUPER. Alam mo 'yung feeling ng super stressed na masaya na parang naghihingalo na na ewan kasi dahil sa mga makukulit na bata? Pano mo nga pala ma-fefeel 'yun, eh hindi ka buhay J. No hard feelings pare, pero J, journal ka lang eh. Wala kang pakiramdam, wala kang utak. Hindi ka nag-eexist sa mundo. (Aww. :c)
Back to my story. Orange team 'yung nahawakan ko. GRABE J! Ang dami nila! 23 na bata yata 'yun kaya nakanchawan kami ni Patrick (leader 'din ng Orange team) na ANG SIPAG DAW NAMIN. Of course, I'm like.. eww. Mga utak ng tao ngayon. Saka kung mangyari naman 'yun, wakwak na 'yung pagkababae ko 'diba? SCRATCH that, hindi 'yun mangyayari kasi masyado pa akong bata at napakagwapo para sa mga bagay na 'ganun. Teka, ba't nga ba ako nag-eexplain? Echusera ka J ha? Pwe!
Sa 23 na bata 'dun, may isang batang tumatak sa utak ko. Number 25, GELO. Waaaaah! Ang cute cute niyang bata! Pustahan, sa mga nakakakilala sa akin, may ISANG LALAKI 'nang PUMASOK sa isip niyo. Chura niyo! Sadyang ang cute cute niya lang talagang bata. Kapangalan niya pa 'yung kapatid ko. Siguro nga kung tumaba lang 'yung kapatid ko eh kamukha niya na si Gelo. Payat kasi ng kapatid ko eh. Teka, nuggets mo ba J? Arrgh! Basahin mo na lang uli kung 'di mo nuggets. NUGGETS?! Waaah! Nagugutom na aketch! >_<
Si Gelo sa Children's Choir; napaka-cute, ang chubby chubby niya, ang laki ng pisngi (Uwaa! *u*) 'tas NAPAKALAMBING PA! Bigla ka na lang yayakapin sa likod 'tas waaaah! Ang cute niya tologo. :x May pagka-chinito 'tas hyper siya! Napakagalang pa netong batang ire samantalang 'yung kapatid ko naman na si Gelo, POGI. Skeleton. May mabutong pisngi. Hindi malambing. May pagka-chinitong tarsier. Hyper kapag walang magawa. Dehjklng. Hahaha! Siyempre POGI 'yung kapatid ko. May pagka-skinny saka may pisngi 'yan. Malambing 'yan kapag may sapi. Feeling chinito pero malaki 'yung mata niyan, parang flashlight. (Peace 'yo BRO! xD) Hyper lagi as in mumurahin ka agad pagkagising mo sa umaga. Kidding. Hahaha :D
So, balik tayo sa Orange Team. Nanalo kami sa first game, 'yung INVERTED SACK RACE. Kung 'yung usual na Sack Race eh sa paa isusuot 'yung sako, sa inverted sack race naman, nakabalistad. Nasa ulo 'yung sako 'tas 'ganun parin. Patalon-talon ka pa 'din. Ang kailangan dito eh coordination ng body movements saka presence of mind. (Medyo nagiging PE teacher na ako dito.) Kaloka nga eh, para akong tanga 'dun, ako pa kinakabahan sa kanila! HAHA! Chini-cheer ko na lang 'yung players. Walang kwenta kasi 'yung ka-team mates nila eh, 'di chini-cheer. JOKE!! Hahahaahha! :D Naalala ko pa nga eh, gumawa pa kami ni Patrick ng clue para alam nila na kami 'yung nagsasalita. Vanilla kapag forward, Choco kapag pa-kanan, Mocha kapag pa-kaliwa saka Strawberry kapag pa-atras. Pero hindi 'rin naman namin nagamit kasi puro pa-forward na talon lang. Ngangeyy! Pero masaya naman kasi nga 'diba, nanalo kami. ^_____^
'Yung second game naman eh WATER WAITER. May 10 bata na hahawak sa illus. board 'tas aalalayan ng mga team leaders na lagyan 'yung illus. board ng 10 cups na may tubig. Dapat makapunta sila sa finish line ng WALANG NATATAPONG TUBIG. Isasalin nila 'yun sa timba isa-isa 'tas 'yung mga timba naman eh pagpapalitin lang 'yung pwesto. 'Yung team na may pinakamaraming tubig sa timba ang siyang panalo. Si Ate Bern nag-asikaso 'dun kasi sobrang stressed na kami ni Patrick 'nung panahon na 'yun. Natalo kami 'dun. Yeah, I admit. May pagkukulang kaming team leaders. Hindi kasi namin tinulungan si Ate Bern. Yeah, we accept that and we'e learned our lesson. Oks lang 'yun. May ibang games pa naman eh. Saka ang mahalaga sa akin, nag-enjoy 'yung mga bata. Mukhang nag-enjoy naman sila.
BINABASA MO ANG
Journal ni Dreamer <3
Non-FictionJournal Ni Dreamer <3 August 20, 2013 Dito ko shinashare lahat ng happenings sa akin. Haha. Lakampake. Vote. Comment. Fan. - VD