Lera's POV
Ilang buwan na din ang lumipas, Malapit na ang bakasyon. Balita ko ay medyo maayos na si Princess. Hindi na siya katulad ng dat...
pero..
.Nagtataka ako dahil simula nung nawala siya ay tumigil ang patayan at kaguluhan... ang mga patayan......
Hindi nga kaya... Siya talaga ang KILLER?
Nag iisip ako ng taimtim ng bigla kong natanaw si Karl..
Hayy nako naawa ako sa kanya, siya ang sinisi ng mga magulang ni Bea sa pagkamatay nito.
Kung pwede ko lang sabihin ang totoo kaso hindi.
Tumayo ako at sinalubong ko siya. Sa loob ng mga buwan na malungkot siya ako ang dumamay sakanya may time na gusto niyang magsuicide buti na lamang at di niya ginawa.
"K-Karl."
Usal ko dahil nakabusangot ang mukha niya.
"Hey, Kumain kana?"
Tanong niya at umiling naman ako.
LUNCH kasi namin ngayon at syempre kailangan kong kumain.
Haha.
So yun bumili kami ng pagkain at habang kumakain kami ay binasag niya ang katahimikan.
"L-Lera." Tawag niya sakin at bumuntong hininga.
"N-Nawawala si P-Princess."
Nasamid ako sa sinabi niya yun at gulat na napatingin sakanya.
"A-Ano?!"
Tanong ko at yumuko naman siya.
"Kelan pa?" Tanong ko ulit.
"Ewan ko, Sinabi lang sakin ng doctor nung pumunta ako kahapon sa Mental Hospital...
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Paano na kung siya talaga ang killer...
Akala ko ay matatahimik na ang buhay natin kung wala siya! S-SANA NAMATAY NALANG SIYA!"
inis na sabi niya at umiyak.
"Tama na Karl, Hindi natin alam ang totoong nangyari, Malay ba natin kung dahil sa pag iisip niya kaya umalis siya doon sa Mental Hospital hindi ba?
" Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil ayaw ko ng ganito siya. Tss.
"A-Ayaw ko kasi na baka pati ikaw s-saktan niya. Alam mo naman na mahalaga ka sakin."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pero nag alala pa din ako paano nangyaring nakatakas si Princess sa Mental. Tss.
I need to investigate about it.
Via's POV
Hi there! Siguro naman kilala ko niya ako hindi ba? Ako lang naman ang president ng SSG at ng Classroom namin.
Ang totoo niyan hindi ko gusto ang mga nangyayari. Kahapon lamang ay nalaman ko na nawawala si Princess. Nakatakas ito. Labis ang pag aalala ko.
Tsk, Tsk, Bagong problema..Hindi ko alam kung sino ang killer pero may pinaghihinalaan ako.
BINABASA MO ANG
Tortured Section
Mystery / ThrillerEverybody got a dark side. I can't drown my demons, they know how to swim. --------------------------------------------- Minsan, hindi porket nananahimik lang eh, wala nang kapangyarihan. Wala naman sa katawan yan. Minsan kung sino pa yung maiingay...