Lera's POV
Nagising ako matapos buhusan ng malamig na tubig nila Harley, Sofhia , Trisha at Terence.
Dito kasi sa bahay natulog tong mga kaibigan ko.
"Lera Gising!!!! Late na tayo."
Narinig kong malakas na sigaw ni Trisha.
"Oo na eto na." Matamlay ko namang tugon.
----------------------------Habang kumakain kami ng almusal biglang may nag text kay Terence.
*ring ring ring*
Nakita namin ang pagkagulat sa mata ni Terence.
"SugarPie sino yun? Saka anong sabi?"
Nag-aalalang tanong ni Sofhia sakanya.
"Si si Via, Pa-patay na daw si Rhesly at Jeff."
Natulala kaming lahat sa sinabi niya.
Bakit?
Sino?Sinong may gawa?
"Sinong pumatay sakanila?"
Mahina kong tanong.
"Yan ang kailangan nating malaman."Seryosong sabi ni Harley.
"Kailangan na nating pumasok."
Seryoso ding sabi ni Trisha sabay tayo.
---------------------------
Habang nasa kotse kami papunta sa Satsugai University.Si Terence at Sofhia lang ang nasa likod.
Binasag naman ni Terence ang katahimikan."Sugar Pie, May ipaparinig ako sayo."
Malambing nyang sabi kay Sofhia habang nakaakbay."Ano yun Sugar Pie?" Tanong ni Sofhia
habang nakangiti at nakatingin sa mapungay na mata ni Terence.
"Lapit ka dito pakinggan mo to, sabay turo niya sa puso niya.
"Sofhia Sofhia Sofhia. Ayan ang sinasabi ng puso ko."
Sabi ni Terence sabay kindat pa kay Sofhia.
"Aysus! Walang Forever!" Sigaw ko.
"Bitter."
Sabay sabay nilang sabi hanggang sa nakarating na kami sa school.
Pagdating sa school kumpulan ang mga tao at nagbubulungan.
'May patay na naman sa.lamarck'.
'Oo nga pati si Sir Mapeh nadamay.'
Tinawag kaagad namin sila
Karl, Princess,.Danielle, Marchiel at Via.
Dahil baka sila ang may gawa nito.
"Kayo ba?" Mahina kong tanong.
"Hindi ah, Akala nga namin kayo eh."
Sagot naman ni Princess. "Siya kaya?"
Kinilabutan kaming lahat sa sinabi ni Danielle.
"Sh*t hindi pwede."Sabay sabay naming sabi.
Harley's POV
BINABASA MO ANG
Tortured Section
Mistero / ThrillerEverybody got a dark side. I can't drown my demons, they know how to swim. --------------------------------------------- Minsan, hindi porket nananahimik lang eh, wala nang kapangyarihan. Wala naman sa katawan yan. Minsan kung sino pa yung maiingay...