Chapter 1: Confession Of A Dumb

251 9 1
                                    

Lyza's Pov:


Napangiti ako dahil ready na ang lahat para bukas! Napapangiti pa ako at hinahalikan ang love letter ko. Nilagyan ko pa ng mamahaling perfume ito na galing Paris!


Nababaliw na ata ako--baliw kay Cliche Fortalejo! Biglang nagring ang cellphone ko at agad ko namang sinagot 'to. "Oh babaeng malapad ang noo?"


"Yan talaga ang pambungad mo sa akin no?! Wala bang good evening diyan! Naku! Nilalait mo na naman ang noo kong malapad!" Inis na sabi ng kaibigan ko. Ngumisi lang ako.


"Eh sorry po, ate. Oh? Ano po 'yong kailangan niyo?" Sabi ko pa in a respectful manner.


"Oh? Ready ka na ba sa confession mo? Hoy! I-ready mo na ang panyo mo kasi paniguradong mapapahiya ka bukas!" Sabi ng kaibigan kong 'di ako sinuportahan sa gagawin ko bukas.


"Di yan! Sa ganda kong 'to? Irereject? No way!" Sabi ko pa sa kanya.


"Oh siya! Since maganda ka naman, magbeauty sleep ka para mas lalo kang gumanda!" Pambobola niya.


"Ay! May point ka!" Sabi ko at pinutol na ang aming pag-uusap.


I breathe a sigh. 'Sana, magiging okay ang lahat bukas. Sana tanggapin niya ang efforts ko.'   Sabi ko bago tuluyan ng matulog.





Nandito ako sa Broadcasting Station ng school. "Calling! Calling the attention of Cliche Heather Fortalejo of Class A." Sabi ko.


"Napahinto na siya." Sabi naman ng kaibigan ko na responsable sa mga kilos ng lalaking mahal ko. Pinapanood kasi nila ang CCTV sa CCTV room kaya alam nila kung nasaang parte ng school ang sweetheart ko.


"Ako nga pala si Liziavinne of Class D. Oo, 'di ako matalino pero Cliche, I love you!" Sabi ko. Umalis naman ako sa Broadcasting Room at sinalubong ko siya sa 3rd Floor.


He was looking at me seriously. I smiled and bit my lip. "Liziavinne Fortalejo." I handed the love letter to him. Oo, makapal ang mukha ko sa lahat ng makapal. Pero maganda naman 'di ba? Liziavinne Fortalejo? Magiging apilyedo ko rin naman ang pangalan niya!


He looked at me coldly. "No, thanks." Sabi niya na ikinawala ng ngiti ko at iniwan niya ako ro'n na nakalahad pa rin ang kamay dahil umaasa akong tatanggapin niya 'yon. Pero hindi! Uwaaah! Bakit?


Nilapitan naman ako ng mga kaibigan ko. They tapped my shoulder. "Okay lang yan, Lyza. Maghahanap na lang tayo."


"Waaah.." Pagdadrama ko. "Hindi niya tinanggap!"


"Sabi ko naman eh.. I-rereject ka niya!" Sabi ni Ursula sa akin.


"Malapad talaga noo mo! Baka, bv lang siya! Oo siguro 'yon nga!" Sabi ko. Huh? Ano 'to? May nakita akong kwintas at may pendant ito na heart. Kinuha ko naman ito. Makinang ito dahil sa mamahaling batong ginamit sa pendant. 

Give Love[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon