Lyza's Pov:
Nandito ako sa canteen at hinihintay si Baby Boy. Nakita ko naman siyang pumasok sa cafeteria at kumaway ako para makita niya ako.
Seryoso naman itong lumapit sa akin. Hmm.. Mukhang bad trip o may nangyaring hindi maganda kung ibabase ko sa mukha niya.
Umupo naman ito sa tabi ko. "Baby Boy what happened?" Tanong ko sa kanya.
"Wala. Ano bang gusto mo?" Tanong niya.
Ngumiti na lang ako dahil mukhang bad trip talaga siya. "Hindi na kailangan. Let's eat this na lang!" Sabi ko sa kanya. "Sinadya tong niramihan ni mama para raw sa ating dalawa." Dumilim ang mga mata niya sa di malamang dahilan.
"I, I can't, baka pala para sayo talaga iyan. Ayokong makisawsaw." Seryosong sabi niya. Napanguso ako dahil may isang bagay ata na bumabagabag sa utak niya.
"Is there a problem?" I asked him again. Tipid na ngumiti siya.
"Wala baby. Sige kainin na natin iyan," Sabi niya.
Sa mga susunod na araw ay madalas-dalas na lang kaming nagkikita ni Baby Boy dahil busy siya palagi. Naiirita na ako pero iniintindi ko na lang.
"Di ko na nakikita na sinusundo ka no'ng gago mong boyfriend ah.." Brendon said while we were at the library. Nandito ako sa pinakasulok, iyong di mahahanap ng mga tao pero itong gago ay sinusundan pala ako!
"Pakealam mo? Busy ang tao eh!" Inirapan ko siya at tumalikod.
"Alam mo, di naman talaga busy iyon. Iniiwasan ka lang talaga non!" Hinawakan niya pa ang mga balikat ko non.
Marahas ko naman itong inalis. "Pakialam mo nga sabi?! Wala kang pake--um.." Nabigla ako sa sunod na ginawa niya.
He leaned me on the wall and kissed me hard. Nagpumiglas ako pero sadyang malakas siya. Kaya ang ginawa ko ay tinadyakan ang paa niya para tuluyan na siyang lumayo at nagtagumpay naman ako sa plano ko.
No'ng nakalayo na siya ay saka ko siya binigyan ng mag-asawang sampal. "I can sue you for this! The next time that you'll force yourself to me, you'll regret it jerk! And I'm not joking!" At naiinis akong umalis don.
Yong gagong iyon! I wiped my tears and my lips inside the comfort room. I felt violated, I don't want a guy who's forcing himself to a girl!
I really want to see my boyfriend right now. Kaninang umaga ay di niya ako hinatid sa una kong klase kahit sa lunch at recess ay di niya ako sinamahan at nagdadahilan siya na busy siya. Nagtatampo na ako at napapansin ko na magdadalawang linggo na pala ang ganitong set up.
Hindi ko alam pero may mga conclusions na lumalabas sa utak ko. I don't want to think that way but I'm having doubts about his loyalty to me.
BINABASA MO ANG
Give Love[COMPLETE]
General FictionLiziavinne Elgrande fell in love with Cliche Fortalejo. She chases him around. She wasn't perfect. She wasn't smart like him but she is rich, beautiful and talented. She thought she had everything--that was before until he met Cliche. He was an epi...