Chapter 22

28 0 0
                                    

Chapter 22

---

Ian Chua's POV

Pagtapos nung meet up namin ni klar, sobrang nagulat ako kasi hindi ko akalaing mas maganda at cute pala sya sa personal kesa sa mga pictures.

Break na kami ng dati kong girlfriend, nagtagal kami ng almost 8months kaso hindi nagwork dahil sa kaadikan ko sa mga computet games. MU na kami ni klar nun dati habang bestfriends kami, kaso hindi ko maiwasan na magka-girlfriend lalo na't cavite sya at makati pa ako. Sobrang layo ng komunikasyon namin dati kaya bigla ko nalang syang iniwan. Nalaman ko nalang na kahit sinabi ko sakanya dati na tigilan na nya ako, wag nang ichat, wag ng itext o tawagan. Eh inintay nya parin ako kahit na sobrang nasaktan sya sa ginawa ko. Sising sisi na ako sa ginawa ko, pero yun pala huli na ang lahat. Dahil nung nawala ako sa buhay nya, pinalitan naman yun ng pagmamahal ng boyfriend nya ngayon. Hindi naman ako yung taong, kayang manira ng isang relasyon kaya kailangan kong magingat sa mga new start bilang bestfriends namin ni klar.

Hays, sinayang ko yung chance namin dati na pinatagal ko pa dahil nung mga araw na yun gugol pa ako sa pagaaral para mapatunayan ko sa parents ko na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa, besides my both parents live in abroad. Sinayang ko yung mga time na sana pala kami nalang dati. Eh di sana, hindi ako tanga dito na nagiintay na mahalin nya ako ulit. Bahala na, basta tingin ko magiintay ako at magiging bestfriend nya nalang muli.

----

Klar's POV

Since nung nagkita kami ng bestfriend ko, hindi na nawala sa topic ni ian ang bestfriend ko. I don't know why but i know he got jealous, syempre alam ni ian yung past namin ng bestfriend ko.

"Bakit nga pala kayo nagkita nung ian?" Tanong nya sabay iwas ng tingin.

"Ewan ko, baka namiss lang ako." Sagot ko sabay nangasar ako ng nakakalokong ngiti.

Andito sya ngayon sa bahay namin, naguusap na naman kami tungkol sa bestfriend ko hays. Sya naman kasi, lahat nalang ng convo namin pinapakielaman nya tapos binibigyan pa ng malisya. Hays. Ang hirap ng magexplain ng paulit ulit.

"Anong tawagan nyo ulit? Ian ko! Ian ko? Hahaha!" Sabi nya na parang naiinis.

"Hays ewan ko sayo! Maghanap ka ng kausap mo. Hmp." Sabi ko sabay talikod sakanya at pakunwaring nagtatampo. Nung pagtalikod ko sakanya, bigla naman nya akong niyakap at inilapit papunta sakanya. Pag badtrip kasi sya, isang kiss ko lang dyan wala na yung badtrip nyan pero pag hindi pa kuntento yan, bigla bigla nalang akong hahalikan tapos antagal pa ah?! Enebenemen yen! Mesyede ke nemeng mebeles eh! Hahahaha. Pero ang cute talaga nya eh kaya hindi ako makatanggi hahaha.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon