Chapter 30-B

22 0 0
                                    

Chapter 30-B

---

Brian's Pov

Pauwi na sana ako at nagmamadali ng umuwi dahil sa sobrang pagod galing sa school dahil may ginawa kaming project. Pero binalewala kong umuwi nung makita kong umiiyak si klar, naglalakad sya nun palabas ng Georgetown. Eh saktong nasa may com.shop ako, kaya tumakbo ako at hinila ko yung bag nya.

"Ano ba?!" Badtrip nyang sinabi at lumingon sya sa likod nya para makita kung sino ito. Ngumiti ako sakanya ng nakakaloko, pero hindi ko sinasadyang mas inisin at badtripin sya dahil lang dun sa mga ngiti ko! Ganun naman kasi ako lagi, laging nakangiti. Hays.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang iniwas yung bag nya para maalis yung pagkakahawak ko doon, at biglang naglakad papalayo. Hahabulin ko na sana sya nung time na yun kaso masama nga ang pakiramdam ko kaya hindi ko na nagawa pang habulin sya.

"Kuya? Pasensya ka na dun sa kaibigan namin ah? Nagalit lang yun kasi hindi mo sya nahatid kahapon. Text mo nalang sya." Sabi sakin nung kaklase na kasabay ni klar kanina.

Tumango nalang ako sakanya at tumalikod na para umuwi. Sobrang sama ng pakiramdam ko, pagod na pagod pa ako tapos ganun pa ipapakita nya sakin?! Hindi nya manlang inalam kung kamusta ako? Kung okay lang ba ako? Hindi yung tatalikuran nya ako agad. Minsan nakakapagod na ding intindihin at magpakumbaba sakanya eh. Naiinis lang ako sa ginawa nya.

Pagkatapos kong kumain ng dinner, tumungo na ako sa kwarto ko at kinuha yung phone ko para itext sya.

To : 0939429****
      "Baby? Sorry kung hindi kita nahatid kahapon ng walang pasabi ah? May rason naman talaga kaya hindi kita nahatid eh, pero hindi mo ko pinakinggan. Bigla bigla ka nalang tumalikod at lumayo papaalis. Alam mo pagod na pagod ako tapos ganun pa ipapakita mo sakin? Hindi mo manlang inalam kung kamusta ako? Kung okay lang ba ako? Hindi yung tatalikuran nya mo ko agad."

"Bukas baby baka may training kami ng 6pm kaya baka hindi kita mahatid ulit, pero susubukan kong humabol. Goodnight baby sweetdreams. Ingat ka bukas. I love you."

Pagtapos kong itype yun, sinend ko kaagad at natulog na para ipahinga yung sakit ko.

---

Klar's Pov

Pagkauwi ko sa bahay, para akong lantang gulay na parang sobrang wala ng enerhiya kung gumalaw at kumilos. Hindi na ako nagpalit ng school uniform ko at dumiretso na ako sa kama ko. Pagkahiga ko biglang nagvibate yung phone ko.

*Message Open*

From : Monay :)
   "Baby? Sorry kung hindi kita nahatid kahapon ng walang pasabi ah? May rason naman talaga kaya hindi kita nahatid eh, pero hindi mo ko pinakinggan. Bigla bigla ka nalang tumalikod at lumayo papaalis. Alam mo pagod na pagod ako tapos ganun pa ipapakita mo sakin? Hindi mo manlang inalam kung kamusta ako? Kung okay lang ba ako? Hindi yung tatalikuran nya mo ko agad."

"Bukas baby baka may training kami ng 6pm kaya baka hindi kita mahatid ulit, pero susubukan kong humabol. Goodnight baby sweetdreams. Ingat ka bukas. I love you."

After kong basahin yung message nya, napaluha na naman ako. Parang nagsisisi ako na bakit ko nagawang hindi sya kamustahin at tanungin kung anong nangyare sakanya at hindi ko pa pinakinggan yung rason nya. Hays. Ganto pala talaga nagagawa ng emosyon sa tao no'? Nakakagawa ka ng desisyon pero hindi mo alam na lahat pala ng mali mong desisyon ay may consequences.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon