Chapter 23

27 0 0
                                    


Chapter 23

"Uy ano ba, umuwi ka na. Anong oras na oh?" Galit kong sinabi sakanya tapos umiwas akong tingin.

Kakauwi ko lang galing school, kanina pa ako galit sakanya at hindi ko din pinapansin. Alternate kasi kami ng pag gamit ng phone nya, every one week binabalik ko na sakanya yung phone nya then pagtapos nyang maconsume yung one week nya sakin naman. Pumayag naman sya sa ganung sitwasyon kasi wala nga akong magamit na phone, wala nga dapat akong karapatan para magalit o magtampo sakanya kung mapaaga yung pagbawi nya ng phone nya. Minsan kasi hinahanap ng mama nya yung phone nya kaya wala syang choice kundi' kunin sakin. Pero kinabukasan naman nya ibabalik. At ito ang ikinatatampo ko sakanya.

Nakatayo lang sya sa tapat ng bahay namin at tumitingin tingin sa paligid. Ako naman nakaupo sa may gater ng bahay namin at kinukulit ko syang umuwi na. Tinitignan nya ako ng gantong 'Yung phone ko? Hindi ako uuwi pag wala yung phone ko.' Look!

=________=

"Oh eto na!" Pamaldita kong sinabi at lumapit sa harapan nya.

"Alam mo minsan hindi na kita maintindihan, kung anong gusto mo." Galit nyang sinabi. Pero indi ko na pinansin yung sinabi nya at...

"Tss, sige na umuwi ka na." Pagalit kong sinabi, sabay irap.

Pero hindi pa din sya umaalis. Kapag hindi kasi kami okay or magkaaway kami, gusto nya munang maayos kami bago sya umalis kasi hindi nya matiis na ganun ang sitwasyon namin. Oh diba? Ang sweet?

Pero sa pagkakataong 'to, may hindi ako inaasahang ginawa nya na hindi naman nya ginagawa dati.

Pagtapos ko syang sabihan na umuwi na, hindi nya ito ginawa. Pero sa pangalawang pagkakataon, naiyak nalang ako sa ginawa nya.

"Alis na ako."

Tumalikod ko sya sakin at umalis papalayo ng walang, yakap at halik.

"Uy!" Bigla nalang tumulo yung mga luha ko habang pinipigilan ko syang umalis, hindi na sya lumingon pa. At ako naman pumasok na sa loob at umiyak...

----

Brian's Pov (Boyfriend ni Klar)

Pagtalikod ko sakanya, alam kong napaiyak sya nun sa ginawa ko. Pero hindi nyo naman ako masisisi na nagawa ko yun. Minsan kasi hindi ko na sya maintindihan, lagi nalang syang ganun. Everytime na nagpapaalam ako sakanya na aalis na ako agad pagkatapos ko syang ihatid eh' bigla nalang may mukha sya na hindi ko maipinta. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nya, tuwing umaalis naman ako pauwi, niyayakap at hinahalikan ko sya. Kulang pa ba yun? Hindi pa ba sapat yun? Dun ako nalilito eh kasi hindi ko na sya maintindihan. Pagkasakay ko ng jeep, naisip ko na bakit ko pala sya iniwan? Napaka sama kong boyfriend! Pero nung paplanuhin kong bumaba, naisip ko na badtrip nga pala ako at hindi ko na inisip pang bumaba at balikan sya. Nung naalala ko yung mga sandaling iniwan ko sya, napaiyak ako. Hindi ko na mapigilan pang umiyak dahil sa ginawa ko.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon