Chapter 25

24 0 0
                                    


Chapter 25

Kinabukasan.

Palabas na ako ng school at dumiretso na sa guard house para puntahan si ian. At nakita ko naman sya dun na nagiintay may kausap, si kirk. Isa sa mga tropa nya. Pagtapos nilang magusap umalis na kami at naglakad palabas ng Georgetown.

Hindi ko sya iniimik, miski kausapin hindi ko ginagawa. Hays mapride pa din ako, dahil hanggang ngayon nasaktan pa din ako sa ginawa nya. Iniintay ko syang magsorry at makapagusap kami ng maayos. Hays.

Habang naguusap sila ian at yung kirk na tropa nya, nagpapahuli ako ng lakad para maiwasan kong tumabi sakanya. Naglalakad ako sa may likod nila, at nasa harap naman sila sakin.

Humiwalay kami ng direksyon at kaming dalawa lang dun sa kabilang kalsada. Ako naman ang nasa unahan ni ian, dahil sobrang bagal nya talaga maglakad. Maya maya bigla nyang hinila yung bag ko para magkapantay kami ng paglakad at sabay kaming maglakad. Basta yun na yun! Hahaha.

Pagkalabas namin ng Georgetown, dumiretso na kami sa sakayan. Paglaon ng ilang minuto nakasakay na kami. Hindi ko sya nililingon at hindi ko pa din sya iniimik. Sya naman parang hindi din makapagtiming na imikin ako. Hays, gusto ko nang maayos 'toooo! Lord sorry kasi nagmamataas na naman ako ng pride huhuhu!

Pagkababa namin ng subdivision namin. Nagtungo na kami papunta sa bahay. Habang naglalakad kami biglang....

Bigla nyang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko...

*O___________O*

Ganyan ang naging reaksyon ng mukha ko... Malamang! Ikaw ba naman hawakan sa kamay eh! At parang pinaparamdam nya na 'Sorry na, mahal na mahal kita'. Dahil sa ginawa nya bumaba na ang pride ko.

Nakarating na kami ng bahay, nagpaiwan naman sya sa labas. At ako naman dumiretso na sa loob para magbihis, pero syempre hindi naman ako sa Flash na mabilis magbihis 'no! Kaya pinapasok ko muna sya.

"Uy pasok ka muna, bihis lang ako." Pamaldita kong sinabi kunwari haha. Tyaka sabi naman ni papa na kapag andito sya kailangan papasukin kasi hindi naman sya taga-dito baka kung ano pang mangyare sakanya diba? Eh di sagot pa namin sya diba? Diba?! Hahaha.

So, ayun na nga nagbihis na ako at pagtapos nun kinuha ko yung gawa kong letter kagabi pagtapos nung away namin, nung mismong araw pa ng 3rd monthsary namin. Hays. Pagkabigay ko sakanya nung letter, inabot nya naman ito at ako naman eh naupo sa may kama ko. Bale magkatapat kami kasi dun sya sa may couch nakaupo malapit sa T.V namin. Maya maya din hindi nya na natiis na hindi ko sya iniimik at tumabi na din sya sa ikinauupuan ko. Sabay yakap sakin at ako naman pinatong ko yung ulo ko sa may dibdib nya banda.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon