Chapter 24

33 0 0
                                    

Chapter 24


Klar's Pov

Pagkapasok ko sa bahay nung gabing yun, kinuha ko kaagad yung letter na ibinigay sa akin ni ian at binasa...

                 Hi Baby!! :D
Happy third monthsary!! Haha stay strong ahh! Sabi nila pag third na kayo yun daw yung time na malaki na talaga ang tiwala nyo sa Isa't isa haha. Pero di ako naniniwala dun kasi tayo araw araw malaki tiwala sa isa't isa diba. :D haha. By? Wala na akong masabi :'( haha anong oras na eh ilang minuto nalang labasan nyo na haha. Basta baby happy monthsary I love you!! Forever na tayo diba??? Hahahaha!!

               I love you Baby!! :D

                   (Sorry sa penmanship)

Pagkatapos kong basahin yung letter na yun, napagulgol nalang ako ng iyak dahil sa kagagawan ko. Nagsisisi ako sa ginawa ko sakanya, akala ko hindi nya ako iiwan dun magisa ng hindi kami okay pero sa isang gabing hindi ko inaasahan ay ginawa nya yung hindi ako kausapin ng maayos. Wala naman na sakin yung pagkuha nya ng phone nya eh, pero yung hindi kami nagkaayos? Dun ako naiyak kasi tinalikuran nalang nya ako at akala ko babalikan nya ako para makapagusap kami ng maayos pero ni-anino nya wala akong nakita habang nagiintay ako sa labas ng bahay namin.

Pagkatingin ko sa wrist watch ko 8:30pm na. Kailangan ko pang sunduin yung mga kapatid ko kaya hinayaan ko munang manahimik yung ulo ko sa mga nangyare kanina.

Pagkapasok ko sa bahay ng tita ko, dumiretso agad ako sa lola ko at nagmano.

"Hi nani, sunduin ko lang po sila chanel." Malumanay kong bati sa lola ko.

"Klarisse? Ikaw ba yan? Okay sige." Sagot nya sakin at inaaninag nya yung mukha ko at pinapakinggan kung sino yung bumati sakanya. May katarata at diabetes na kasi ang lola ko kaya nasa kama nalang sya lagi. Pagkatapos kong bumati sa lola ko, tumungo na ako sa kwarto ng tita ko...

"Oh bakit namamaga mata mo?" Tanong sakin ng tita ko.

"A-ay ahm, nakagat kasi ng ipis tita." Pagsisinungalin ko. "Ahm sunduin ko na po sila chanel tita jess ah?" Pagpaalam ko.

"Sige bhe." Saad nya.

Tumungo na ako dun sa kwarto ng pinsan ko kasi alam ko dun sila naglalaro.

"Vielle! Chanel! Tara na uwi na." Walang enerhiya kong sinabi sa nga kapatid ko.

Naghanda na sila at nagpaalam na kami sa tita, lola ko at sa dalawa kong pinsan.

Umalis kami ng bahay ng tita ko, habang naglalakad kami pauwi ng bahay sinusubukan nilang tignan yung mukha ko kasi sobrang nagmumugto yung mga mata ko dahil sa sobrang pagiyak ko kanina.


Pagkauwi namin sa bahay, itinulog ko nalang yung pagiyak at pagiisip ko sa mga nangyare. Bukas nalang kami maguusap.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon