Chapter 30-A

22 0 0
                                    


Chapter 30

Pagkauwi ko sa bahay, walang tao. Tinignan ko yung mukha ko sa harap ng salamin at biglang humiga sa kama ko. Saka humagulgol ulit ng iyak. Hindi ko na alam iisipin ko. Pagod ka na nga kanina! Nadagdagan pa ako ng stress sa lintik na ian na 'to! Lecheng buhay 'to! Hindi naman ako pinanganak para umiyak lang eh, kundi' magmahal ! Hays. Itinulog ko nalang yung stress at pagod ko. Sana kinabukasan maayos na ako. Ayoko na talagang umiyak.


Kinabukasan.

Pumasok ako ng magang-maga yung mata. Wala akong iniimik ni sino, wala akong pake kung magalit sila. Umupo nalang ako sa seat ko, habang wala pa yung first teacher namin nag COC muna ako para pampatanggal ng stress at ng badtrip. Hays, huwebes na huwebes ganto ako. Wala eh, kesa naman maging masaya ako sa nangyari kahapon at kalimutan nalang yun.

Paglaon ng buong maghapon, nagsi-uwian na kami. Ako naman pumunta sa mga bestfriends ko...

"Guys? Pwede makisabay?" Sumasabay lang kasi ako sakanila pauwi, tuwing hindi ako hinahatid ni ian sa bahay. Kung wala man sya ulit dun or andun sya at least hindi ako magisang uuwi katulad nung dati, at hindi ako tanga na magiintay dun sakanya.

"Oo naman bhe." Payag nung isa kong bestfriend na babae. Pag alam nilang badtrip ako or may problema kami ni ian, hindi na nila ako tinatanong sa mga ganyang bagay kasi alam nilang hindi ko sila sasagutin. Pagtapos ng pagaayos nila, lumabas ka kami ng room at tumungo na palabas ng school.

Sinilip ko ng patago si ian sa guardhouse para makita kung andun sya pero...
Wala pa din sya dun. Bigla nalang akong naiyak.

"Bhe? Hindi ko na alam gagawin ko, hindi ko alam kung anong rason nya eh." Sabi ko sa bestfriend ko.

"Hala bhe! Wag kang umiyak! Baka naman may rason sya kaya hindi ka nya nahatid." Pagaalalang sabi ng bestfriend ko sakin.

Pagkatapos nyang sabihin yun.
"Hindi ko na alam bhe." Iyak kong sinabi sakanya habang naglalakad kami. Pagdaan namin sa may com.shop biglang...

"Ano ba?!" Nakita kong si ian pala yung humila ng bag ko ng nakangiti ! Napatigil ako sa paglalakad pero iniwas ko yung bag ko para mabitawan nya yung bag ko sa pagkakahawak dito. Nag walk out ako ng sobrang bilis at humiwalay ako ng direksyon sa mga kaklase ko, naglakad ako ng mabilis at biglang napaiyak dahil sa nakita kong reaksyon sa mga mukha nya.

"Uy! Klarisse!" Tawag sakin nung isa kong bestfriend.

"Uy! Ano ba vadillo!" Tawag pa sakin nung isa kong friend.

Imbis na tumigil ako sa paglalakad, eh mas binilisan ko pa yung paglalakad para hindi nila ako mahabol. Pero sa hindi ko inaasahang feeling, yung hindi ka hinabol ng mahal mo? Habulin ka manlang, kausapin, yakapin, hawakan yung kamay mo at sabihin lahat. Pero wala eh! Hindi ko inaasahang hindi nya ako gawing habulin.
Nung nalaman kong walang ian ma humahabol sakin, tumawid na ako para makasakay ng jeep. At muntik pa akong mahagip ng Motor dahil sa katangahang ginawa ko. Pero tuloy tuloy pa rin ako ng pagtawid kahit na nagblu- blur yung paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon