Chapter 29

21 0 0
                                    

AN : 2 chaps to gooo! I hope you all like the ending guys, Ahm the ending is weird actually and epic hahaha. But if you really understand the story, you will understand how Klar feel in that moment. Thanks for continue reading guys! Enjoy!


Chapter 29

Waaaaah! Kinakabahan na ako sa speech choir mamaya! Lord i know i can do this, but give me strength please?! Huhuhu. Nakatunganga lang ako sa labas ng corridor at nakaupo kasama yung mga Beastfriends ko, mamimiss ko 'tong mga 'to, kasi simula nung dumating sila sa buhay ko naramdaman ko na hindi na ako magisa. Drama amp?! Hahahaha.

Sa sobrang dami ng vacant time namin, lahat kami busy na sa pagkakabisado ng mga lines namin. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko eh may pumasok na teacher...

"Guys! Magready na kayo! Kasi magsisimula ang speech choir natin after break okay?! Goodluck to all of you!" Pagkatapos sabihin ng english teacher namin yun, bigla akong kinabahan. Waaaah! Lord this is it! Wag sana akong magkamali ! Para sa ekonomiya! Ay mali, para sa grades ko pala! Hahaha.

Pagpatak ng 4:30, dumiretso na ako sa comfort room at dun na nagpalit ng damit para sa speech choir. Pagkadating ko sa comfort room pila-pila yung mga babae na sobrang nagmamadali na din. So yung isang cubicle hindi ginagamit sa kadahilanang sira ang lock nito, ako naman no choice kaya ayun! Diretso na akong pumasok. Hindi naman mabubuksan basta basta yung pinto nun kasi siksikan yung mga tao eh hahaha. Napaka genius ko talaga! Mwahahaa!

Pagkatapos kong magbihis, ibinaba ko muna yung uniform ko sa may paperbag at sabay takbo papunta sa mga ka-grupo ko. Busy silang lahat na nanunuod at busy din sa pakikipagusap at pakikipag-chismisan, hays. Nanuod nalang ako sa performace ng mga ibang section. Oh wow?! Ang gagaling nilaaaa! Hays. Lord? Alam ko talo na kami hahaha. Just kidding! Wag nega!

Maya maya nagulat nalang ako na kami na pala ang magpe-perform. Omay gulay! Lord i can do this.

*inhale, exhale*

"The Anatomy of a Filipino"
"By professor felix bautista"
*bow*


After that embarassing moment of my life, eh' nagawa naman namin ng maayos. Kaso sa dulo nga lang kami nagkagulo-gulo, hays sana pasok pa din kami. Pumasok na kami sa room lahat para intayin yung resulta.
Maya maya eh dumating na ang advicer namin...

"Ahm guys! Ia-announce ko lang na---" Pagputol nyang sinabi. Ito talagang si Sir! Laging gusto may thrill eh! Excited na akoooo!

"Na pasok ang section natin! Congrats guys!" Patuloy na sinabi ni Sir. Omay gulay! Hindi ko inexpect yun! Nakapasok pa kami?! Waaaaah! Pero narealize ko na worth it yung lahat ng pagod namin sa pagpa-practice kaya ocake lang yun! At least diba? Hahahaha! Woooh!

"Sino yung first place sir?" Tanong ng isang kong kaklase.

"Ahm yung parehong grupo ng Dakila ang nakuha at yung 2nd place ay group2 dito sa section natin, 3rd place ay yung Group1 dito din sa section natin." Buong sagot ni Sir.

Akalain mo yun?! Hahahaha. Luma-line up na kami sa star section?! Hahahaha. Angasss!

Pagtapos ng mga kwentuhan at harutan eh nagdismissed na si Sir. Yan ang gusto ko dito sa adviser namin eh! Hahahaha.
Masaya akong lumabas at tumakbo papunta sa guardhouse para makita si ian at sabihin sakanya yung nangyare kanina. Awieeee! *^-^*





Papalapit palang ako ng guardhouse pero hindi ko sya nakita dun, pero tumuloy pa rin ako ng pagpunta kasi baka nasa loob lang sya. Pero... Ni-anino nya wala akong nakita... Napakagat ako ng labi para pigilin yung pagluha ko.

"Ahm kuya? Si ian po?" Tanong ko dun sa guard, pero lintik na guard 'to! Ayaw lumingon sakin! Nakailang tanong na ako sakanya pero patuloy pa rin syang nakikipagusap dun sa trycicle driver! Ano baaaa?!

Parang tanga ako dun, nagiintay na baka dumating sya pero walang dumating. Kaya dumiretso nalang ako ng lakad palabas.

Bigla nalang tumulo yung mga luha ko...

Bakit? Bakit hindi nya ako hinatid? Ano bang nagawa ko? Hindi manlang sya nagpasabi na hindi pala nya ako ihahatid! Tapos parang tanga ako dun na nagiintay sakanya! Tarantadong buhay 'to! Mahirap bang magsabi? Hays! Alam ko! Wala akong phone! Pero ang dami mong tropa oh!? Dati naman pag hindi mo ko nahahatid, nakikisuyo ko sa mga tropa mong sabihin sa kanila na hindi mo ko mahahatid kasi kesyo ganyan ganito! Pero wala eh! Nakakainis kaaa! Ginawa mo kong tanga!

Hindi ko na alam gagawin ko, kundi' humagulgol ng iyak sa kalsada. Hindi ko alam kung anong nangyare at kung anong rason nya. Pero wala na akong pakielam! Bahala sya sa buhay nya.

Meant To Be Or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon