Nandito lang ako sa puntod ng Mommy ko, feeling ko kase kahit umiyak ako ng umiyak, dito sa lugar nato walang huhusga sa nararamdaman ko. Walang magsasabi sakin na "Derrick mag move-on kana lang." P*tang*na naman kase nila hindi nila alam ang nararamdaman ko. Hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko. Hindi nila alam ang pakiramdam ng salitang 'huli na ang lahat' hindi nila alm ang nararamdaman ko.
"Mom. Bakit ganon ? Diba dati sabi ko sayo gusto ko kapag nag mahal ako yung mahal rin ako. Pero bakit ngayon ? Bakit ngayon na alam kong may sigurado ng nag mamahal sakin, tska naman eepal yung salitang 'huli na ang lahat' Mom.. Kung alam mo lang, gustong gusto kong sabihin sakanya na mahal na mahal ko rin sya. Pero kase huli na ang lahat e. Mom wala na sya. Wala na sya saken. Ang tanga tanga ko , ang manhid manhid ko.'' Damn it! Letseng mga luha to aayaw mag pa pigil.
"Paano mo nasabing 'huli na ang lahat' ? Sinubukan mo na ba ?" Umiling ako
"O diba hindi pa. Pano mo malalaman ang sagot kung hindi ka naman nag tatanong ? Alam mo anak parang ganito lang yan. Pano mo nasabing 'huli na ang lahat' kung hindi mo pa naman sinusubukan ?" Nayakap ko si daddy sa sobrang saya, tama naman sya e.
"Wag kang sumuko anak. Fight for your love. Never let go of your dreams. Sige anak puntahan mo na sya"
"Thank you dad." At niyakap ko ulit sya, nawala man si mommy saakin thankful parin ako kasi anjan si daddy para sakin.
Bago ko paadarin yung kotse ko. Binuksan ko muna yung diary nya.
Dear Diary.(01.01.12)
Sorry diary ngayon lang ulit ako nakapag sulat ha ? Moving-on stage nag lola mo e. Hayst hindi pa man ako nakaka move-on 100% okay lang naman siguro kahit 10% pa lang yung move on ko diba ? At least nag wo work yung pag mo move on ko. Sorry ha ? Sabi ko sayo dati hindi ako susuko pag dating sakanya. Pero ano to ? Nag mo move on na ako. Sorry talaga binigo kita. E kasi naman diary e dati sa tuwing makikita ko sya nag uumapaw ang saya at kilig dito sa puso ko. E ngayon kapag nakikita ko sya sobrang sakit at parang nadudurog yung puso ko, ansakit kase laging nag si sink in sa isip ko na kahit kailan hindi na magiging kami pa, na kahit kailan hindi nya ako kayang mahalin. Paalam diary.
-Macey.
Ugh!!!!!!!!!!! Sh*t ang tanga tanga ko. Ayan na yung last page ng diary nya, at p*tang*na hindi ko ine expect na ganyan ang kakalabasan. Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa makarating ako sa bahay nila.
*Ding dong. Ding dong. Ding dong.*
"Yes sir ? Sino pong kailangan nila ?" Yung yaya nila macey
"Asan ang ma'am macey mo ?" Tanong ko.
"Ay sorry sir. Wala na sya e." Ano ? Putek! Hindi sya pedeng mamatay
"A-a-ano ?" Fvck nang hihina na ako.
"Sir.wala na po sya dito nasa airport napo sya. Ngayon po kase ang flight nya." Whoo. Buti na lang pero ano? Airport .
"Airport ? Flight ?"
"Opo sir. Paalis napo sya ngayon.----" hindi kona sya pinatapos kase kailangan konh habulin si Macey.
Thank you lord. Thank you kase hindi traffic kagaya ng mga napapa nood ko.
Putek! Hindi nga traffic pero sh*t na plotan pa ako. Putangina mo kang gulong ka bat ngayon kapa sumabog ?
Lentek na kamalasan to."Poilo sa may papuntang airport dalhin mo yung motor mo. Paki bilisan asap!." Sigaw ko sa telepono sabay pinatay na.
3minutes.
"Whoo. Buti na lang buhay pa ako matapos kong paha rurutin yung motor," piolo.
Hindi ko sya pinansin kase sumakay na agad ako sa motor. Wala na akong paki alam sa mga traffic aids, ang mahalaga maabutan ko si Macey. Ilang minuto naka rating na agad ako sa airport.
"Macey!" Putek na luha to.
"De-Derrick!?"
Tumakbo ako para yakapin sya.
"Macey wag kana umalis... Please." Bulong ko habang mag ka yakap kami.
"Nag mo move on na ko derrick. Derrick please wag mona ako pahirapan pa."
"Calling the attention of fligh! Churva chararat. Again
Calling the attention of fligh! Churva chararat. Thank you"Kumalas na si Macey sa pag kakayakap saken at. Unti-unting nag lakad palayo sakin.
''Macey. Macey please wag mokong iwan._" pag mamakaawa ko sakanya. Lumingon naman sya
"Sorry. Sorry derrick. Natatakot kase ako. Natatakot kase ako na kapag hindi pa ako umalis ngayon baka mahalin na naman kita." Kasabay ng pag tulo ng mga luha nya ang pag ka biyak at pag ka durog ng puso ko,. Pareho na kaming umiiyak ngayon. Ang pinag kaiba lang malayo na sya sakin.
"Calling the attention of fligh! Churva chararat. Again
Calling the attention of fligh! Churva chararat. Thank you"Nag patuloy sya sa pag lalakad. Pag lalakad palayo saakin.
