"Daddy bakit ganon ? Bakit hindi nya ako nahintay na sabihin ko sakanyang mahal kona rin sya." Umiinom kame ngayon ni daddy dinadamayan nya ako.
"Siguro kase anak, hindi pa ito yung tamang panahon para malaman nya. Wag ka mag alala anak kung kayo kayo talaga."
"Daddy ang tanga tanga ko. Nung nandito pa sya hindi ko sya pinapansin pero ngayon na wala na sya nag papaka tanga ako. Umaasa na mag kaka sama pa ulit kami."
"Anak. Meron talagang mga bagay na gaano mo man kagusto, kapag hindi para sayo, kahit anong gawin mo hindi mapapasayo. Mabuti pa anak mag pahinga kana. Ipahinga mo yang mga mata mo na pagod na pagod na kakaiyak. Yang isip mong pagod na sa kakaisip. At yang puso mo na sawang sawa nang masaktan." Umalis na si daddy . Lahat ng sinabi sakin ni dad lahat yon tumagos na puso at isip ko.
Napa isip ako na kung siguro dati pa napunta saakin yung diary siguro masaya ako ngayon. Bakit kasi hindi agad napa sakin yung diary e.
FLASHBACK.
"pare! May nag hahanap sayo." Piolo
Lumabas ako ng Room para makita yung nag hahanap daw saakin,
"Hi derick! Gusto ko lang sana ibigay to sayo. Ipina bibigay lang saken to ni besha. Sana pahalgahan mo. Sige bye!" Sabay talikod saakin
"Sinong besha mo. At Bakit hindi sya ang nag bigay.?" Ewan ko pero naitanong ko yan
"Macey Anne Rivera." Tapos nag patuloy na sya sa pag lalakad.
*Dug Dug Dug.*
END OF FLASHBACK
Ngayon ko lang na realize na kaya pala yung best friend nya ang nag bigay sakin ay kase nag hahanda na sya sa pag alis nya. Nag hahanda na sya para iwan ako. Pero bakit ang unfair nya? Ang unfair nya sana man lang nag karon kame ng closure , closure para malaman nya na mahal ko rin sya.
Pagkatapos ng gabing nag inom kame ni daddy araw-araw bago ako pumasok sa school dumadaan ako ss bahay Nila Macey pag katapos ng klase buma balik ako para tingnan kung andon naba sya , kung bumalik naba sya. Pero paraakong tanga nag hihintay na bumalik ang taong binitiwan na ako.
Walang araw na hindi ko tinanong yung best friend nya kung pano ko mako contact si Macey pero kahit sakanya hindi nag paparamdam. Sinubukan kong hanapin sya sa mga social media pero wala talaga. Nag hire nako ng private investigator pero hanggang ngayon wala paring balita kay Macey.
Kinuha ko ulit ang diary ni Macey at binasa ang kahuli-hulihang page ng diary nya,
Dear Diary.(02.14.12)
Diary sorry. Sorry pero sa palagay ko eto na ang huli. Huling pag susulat ko sayo, at eto narin ang huling araw na aasa at mamahalin ko si Derrick. Sorry diary, oo mahal ko sya mahal na mahal pero ta tanggapin kona rin na wala talagang pag-asa na maging kami. Walang pag-asa na mahalin nya ako. Na realize ko na kahit pala gaano mo kamahal ang isang tao dadating at dadating parin sa punto na ma papagod ka, derrick sorry hindi ako nag sawa sayo pero derrick tao lang ako napapagod din. Sorry kailangan ko lang ipahinga ang sarili ko. Ang mata ko na pagod na pagod na sa kakaiyak , ang isip ko na hirap na hirap na sa kakaisip, at ang puso ko sawang sawa nang masaktan. Paalam.
-Macey.
Uggggggghhhhh! Kainis bakit kailangan mangyari to. Bakit kailangang dumating sa puntong mapapagod ka. Macey bakit hindi moko hinintay bakit ? Bakit !
